Angelu de Leon admits: "Sometimes I forget I'm a married woman na pala."

Angelu de Leon (right) clarifies rumors about a second wedding. "Yes, may isa pang wedding pero matagal pa iyon. Naisip namin ni Wowie [Rivera, husband] na sa renewal of vows namin after five years kami magpakasal sa simbahan."


Hindi na maitago sa mukha ni Angelu de Leon ang kanyang kasiyahan bilang misis ni Lorenzo "Wowie" Rivera. Malaki ang pinagbago ng buhay niya ever since naging wife na siya.

Yung mga dating nakagisnan ni Angelu noong single pa siya ay hindi na raw uubra ngayon.

Lahat ng ginagawa niya ngayon ay dapat kasama na ang kanyang mister. Kapag may schedule siya na trabaho, nagpapaalam muna siya kay Wowie.

"Gano'n pala talaga, 'di ba? For the longest time naman kasi, single ang lola n'yo, ngayon lang ako naging misis, kaya malaking adjustment para sa akin," natawang sinabi ni Angelu sa isang panayam ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal).

"I never thought na daraan pa ako sa ganitong adjustment, pero nakakatuwa kasi nga hindi ko na sarili ang buhay ko. Kung noon, it's always 'me,' ngayon, it's 'us,' kasi nga may partner na ako.

"Kaya in everything I do, kasama parati si Wowie. Be it a decision sa bibilin ko, sa pupuntahan ko, sa gagawin ko sa araw na iyon. Kailangan talaga nandiyan pa rin ang mister ko sa mga desisyon ko."

Minsan nga raw ay nakakalimutan ni Angelu na may asawa na pala siya. "That's one instance na talagang na-realize ko na, 'Oh my gosh, I'm a married woman na pala!'

"Kasi nga nag-dinner kami sa labas ng mga friends ko and we had so much fun talking at inabot kami ng sobrang late. In the middle of our tawanan, na-realize ko na misis na pala ako.

"Bigla kong tinawagan si Wowie and I said 'Sorry,' at hindi ko siya natawagan earlier. I forgot that we're married na pala!" tawa pa niya.

"Tuloy na-guilty ako kasi hindi ko man lang siya natanong kung kumusta ang araw niya at kung kumain na ba siya.

"Sabi naman ni Wowie, he understands naman and he knows that I am still adjusting to married life. I promised him na it will never happen again. Hinding-hindi ko na makakalimutan na ako'y Mrs. Angelu de Leon-Rivera na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TALK SHOW MATERIAL. Marami nga ang naghihintay kung kelan makakasama ni Angelu ang kanyang mister sa isang talk show para mapag-usapan ang kanilang love story.

Sabi ni Angelu na masyado raw mahiyain ang kanyang mister. Kahit na noong na-link ito kay Aiko Melendez at Happy Ongpauco ay never daw itong nagpa-interview sa TV.

"Pero who knows at baka mapilit ko, 'di ba?" ngiti pa niya.

"Ayoko naman siyang biglain na, 'Hon, halika magpa-interview tayo' or hatakin ko siya na mag-guest sa isang talk show. Hindi gano'n kadali. E kasi hindi naman siya nasanay kahit na he was linked before sa ibang girls.

"But like I said, baka mapilit ko. Who knows baka one day, guest na pala kami sa talk show and we're sharing our love story. Siyempre, proud naman ako sa naging love story naming dalawa.

"Four years din kaming may relasyon na hindi masyadong nalaman ng marami. Imagine, naitago ko iyon? Malaking achievement para sa akin 'yon huh!

"Tsaka, we also want to talk about our marriage and how much he has changed me and how much I have changed him. Maraming mapag-uusapan basta pumayag lang si Wowie na magpa-interview. Kaya wait na lang kung kelan papayag si mister."

ANOTHER WEDDING. May plano pa nga raw na magkaroon ng isa pang wedding sila Angelu at Wowie. This time ay mas malaki at maiimbitahan nila ang ibang mga kaibigan at kamag-anak na di nakarating sa naunang simpleng kasalan nila sa Sofitel Philippine Plaza noong nakaraang September 17.

"Yes, may isa pang wedding pero matagal pa iyon. Naisip namin ni Wowie na sa renewal of vows namin after five years kami magpakasal sa simbahan.

"At least, mahaba ang time for the preparations, 'di ba? Mabilis lang naman ang limang taon. Mabilis na ang takbo ng panahon ngayon. Heto nga mag-iisang buwan na pala kaming kasal ni Wowie on the 17th. Kaya it won't be long. Tsaka dream ko pa rin na ikasal sa malaking simbahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din si Angelu tungkol sa magiging apelyido ng kanyang mga anak na sila Louise Nicole at Lois Margaret. Pareho kasing De Leon ang family name ng mga bata sa birth certificates nila.

Pag-uusapan pa raw nila Angelu ang tungkol sa pag-adopt ni Wowie sa dalawang bata para maging Rivera na sila.

"We're talking about it. 'Yung process ng adoption kasi, magiging madali na for Wowie kasi married naman na kami. Siguro consent na lang mula sa mga fathers ng mga bata, which I think naman ay hindi magiging problema.

"Nicole is already 11 years old and Lois is 8. Very close sila kay Wowie and my husband loves them like his own. Kaya mukhang hindi magiging mahirap na maayos agad ang papers ng mga bata para masunod na sila sa married name ko.

"We're gonna consult our lawyers regarding the process para maging maayos ang lahat. Baka kasi kailangan ng mga ganitong pirma from somebody."

HONEYMOON IN EUROPE. This October ay matutupad ang matagal nang dream ni Angelu na makapagbiyahe sa Europe. Natatandaan namin when Angelu turned 18, gusto niyang gift ay ang mag-tour sa Europe imbes na malaking debut party.

Pero ang nasunod ay malaking party at hindi ang kanyang wish for a European vacation.

"Oo nga, 'di ba? Yun ang gusto ko talaga pero sabi kasi ng Viva at ng manager ko before na kailangan ko raw mag-party. Kaya hayun, di natuloy ang plano ko na pumunta ng Europe.

"Pero iba talaga si Lord dahil after so many years, matutupad na rin ang matagal ko nang ina-asam na European vacation at kasama ko pa ang mister ko.

"Meron kasing malaking gathering and conference ng church namin in Europe. So 'yung mga sectors doon at dito sa Manila ay magkikita-kita roon. So naisip namin ni Wowie na since we're already there, ituloy na namin ang honeymoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So we arranged [a tour] after the conference of our church. We will visit seven cities in Europe and we will be gone for 28 days. It's a dream vacation come true!"

Sa kanilang honeymoon sa Europe kaya mabuo ang baby nila ni Wowie?

"Naku hindi ko alam... bahala na! Bongga siguro kung made in Paris or Italy ang baby namin, 'di ba?" tawa pa ni Angelu.

"Kami naman ni Wowie, we're not planning it. Bahala na kung ano ang mangyari. If the Lord wants me to get pregnant, then it will happen. Hindi naman kami nagpipigil or nagpaplano pa. Hindi na kami mga bagets para alalahanin ang mga yan kung makakasira sa career. Wala nang gano'n, 'di ba?

"It would be nice if we could have a baby kaagad. Now if the Lord says na huwag muna, Thy will be done."

Hindi naman daw masasagasaan ang trabaho ni Angelu sa bagong TV series na Koreana sa GMA-7.

Na-tape na raw ni Angelu ang mga eksena niya bilang ina ni Kris Bernal. Mawawala raw siya pansamantala sa series kaya nagkaroon siya ng time for the honeymoon.

"Kaya nga sabi ko kakaiba si Lord kapag nag-grant siya ng wishes mo. Like sa Koreana, inuna nang kunan ang mga scenes ko na nabuntis at nanganak ako kay Kris Bernal.

"Tapos bigla akong mawawala. So magte-taping ulit ako second week of November na. Kaya tamang-tama, wala akong mami-miss na taping. By the time na makabalik kami ni Wowie from Europe, tamang-tama lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN