Pokwang on changes in Pilipinas, Win Na Win!: "Lahat ng magagandang nangyayari, may dahilan lahat."

"Siyempre ako naman, ang gagawin ko na lang, ipagpatuloy kung ano ang nasimulan. Magbibigay pa rin kami ng saya dahil yun naman talaga ang tungkulin ng show na yun," says Pokwang about Pilipinas, Win Na Win!.


Sa original hosts ng ABS-CBN noontime show na Pilipinas, Win Na Win! ay sina Pokwang at Valerie Concepcion na lang ang natitira. Bagamat magtatatlong buwan pa lang sa ere ang show ay nawala na sa programa ang mga host nitong sina Robin Padilla, Mariel Rodriguez, at Kris Aquino.

Sa live interview ni KC Concepcion kay Pokwang sa The Buzz kahapon, October 10, ay tinanong siya sa kanyang pakiramdam na sila na lang ni Valerie ang natitira sa Pilipinas, Win Na Win!.

"Una, natutuwa ako dahil alam ng management na ako ang may biggest na pangangailangan!" natatawa niyang sabi.

Pagpapatuloy niya nang mas seryoso, "Siyempre, nakakalungkot kasi nakabuo ka na ng bonding sa mga nakasama mo dati.

"Pero siyempre, alam ko naman na may dahilan lahat ng nangyayari. Lahat ng magagandang nangyayari, may dahilan lahat.

"Siyempre ako naman, ang gagawin ko na lang, ipagpatuloy kung ano ang nasimulan. Magbibigay pa rin kami ng saya dahil yun naman talaga ang tungkulin ng show na yun. "

RICO J. PUNO. Biniro rin ni KC si Pokwang sa isa sa mga bagong co-host nila sa show na si Rico J. Puno. Baka ang singer daw pala ang makakatuluyan ni Pokwang.

"Ngayon, dahil sa mga nangyayari sa amin ni Rico J, mas lalo kong minahal ang mga nakatatanda sa akin!" natatawang hirit ng komedyana.

"Uy, pero in fairness naman sa love team namin—Ripok, Rikwang—natutuwa ako na naalibadbaran!" patuloy niya. "Pero in fairness, alam n'yo, napaka-sweet niya.

"'Yang si Mr. Rico J, sabi nila bastos daw. Pero hindi, a! In fairness, siya ang nagli-lead ng prayer sa dressing room."

Ano ba ang type ni Pokwang: religious o maginoo na medyo bastos?

"Lahat...lahat, nasa kanya na," sagot niya.

NO COMPETITION. Wala bang competition sa mga bagong host ng Pilipinas, Win na Win? Bukod kay Rico, nadagdag din sa programa sina Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Marco Sison, Janelle Jamer, at Gazelle "Speedy Gee" Canlas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga lumalabas na ganoon, pero unang-una, hindi kami dapat magkainggitan. Hindi ako dapat mainggit at hindi rin sila dapat mainggit. Dapat kami ay matuwa dahil nandiyan ang show na talaga naman, e, kami'y nagbibigay ng saya sa bawat tao," sabi ni Pokwang.

Wala naman siyang nararamdaman from them?

"Wala...wala dapat. Unang-una, 'yang trabaho na 'yan, hindi para sa akin, para sa lahat. Yung si Gee, nakakatuwa kasi I think sa grupo namin, siya yung pinakabata. So, nakakatuwa kasi gustong-gusto niya talagang matuto.

"At si Janelle bilang nagbabalik, mas nauna naman sa akin si Janelle sa noontime show, hindi ako dapat mainggit sa kanya at hindi rin siya dapat mainggit sa akin. Basta, masaya rin kami sa dressing room. Nakakabuo na rin kami ng panibagong pamilya," saad ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN