Rocco Nacino on having three shows and daily exposure on TV: "I am not complaining."

"I admit na nakakapagod talaga ang trabaho natin every day, pero I am not complaining. Kahit konting reklamo, hindi ko ginagawa. Sabi nila, baka magtampo ang grasya kapag nag-complain ka. Ayokong biglang mawala lahat ng ito dahil sa nagreklamo akong napapagod na ako," says Rocco Nacino.


Araw-araw nang napapanood sa telebisyon ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino.

Kasama siya sa cast ng bagong GMA-7 afternoon drama series na Koreana, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes. Tuwing Sabado naman ay nasa sitcom siya na Kaya ng Powers. Tuwing Linggo naman ay napapanood siya sa musical-variety show na Party Pilipinas.

Dahil sa dami ng kanyang trabaho, marami ang nakakapansin na medyo haggard na ang hitsura ni Rocco ngayon. Kitang-kita sa mukha ng 23-year-old actor ang pagod niya dahil sa may malalaking eyebags na siya at lubog na ang kanyang mga pisngi. Malaki na rin ang ipinayat niya.

Inamin naman ni Rocco na nakakaramdam na siya ng pagod dahil sa araw-araw na trabaho niya. Pero hindi naman daw siya nagrereklamo dahil ito naman daw ang gusto niyang gawin.

"I admit na nakakapagod talaga ang trabaho natin every day, pero I am not complaining. Kahit konting reklamo, hindi ko ginagawa.

"Sabi nila, baka magtampo ang grasya kapag nag-complain ka. Ayokong biglang mawala lahat ng ito dahil sa nagreklamo akong napapagod na ako.

"I love my job kaya sakripisyo itong ginagawa ko for my career," sabi ni Rocco sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

SLEEP & REST. Kapag may chance na makapagpahinga si Rocco, hindi niya ito pinapalampas. Kahit nasa trabaho siya, natutulog muna siya kung hindi pa siya kailangan sa set.

"Kung may chance talaga na nakakapagpahinga ako, ginagawa ko. Lalo na sa taping set, kapag hindi pa ako kukunan, iidlip ako. Power-nap kumbaga.

"Sinasabi ko naman sa mga kasama ko na magre-rest lang ako kaya hindi ako makikipagkuwentuhan sa kanila. Pero kapag nakapagpahinga na ako kahit na two hours, okey na ako. Magiging makulit na ako niyan. Hindi mo na ako mapipigilan na mangulit kapag well-rested ako!" tawa niya.

Hindi rin mahilig gumimik si Rocco dahil ayaw niyang mapuyat. Okey lang daw na mapuyat siya sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako mahilig gumimik kapag walang work. Itutulog ko na lang para may energy ako the next day. Iba kasi ang pagod mo kapag nag-party ka kesa sa nagtrabaho ka.

"Lalo na ngayon na the whole week na ang trabaho ko, mas kailangan ko nang mag-ingat sa health ko kasi hindi biro ang mapuyat parati," saad niya.

DIET & WORKOUT. May nag-suggest kay Rocco na kumain siya nang tama at tigilan muna ang pagda-diet dahil sobra na siyang pumapayat.

"Sinabihan na nga ako ng GMA Artist Center na maghinay-hinay muna ako sa pag-diet at sa workout. Lumiliit na raw masyado ang mukha ko. Nawawala ang glow. Hindi na raw healthy tingnan kapag sobrang payat na.

"Kaya I try to lessen my workout na. Hindi na yung intense tulad dati kasi nga nagpe-prepare ako before sa Bench at Cosmopolitan Bachelor events. Mas nakakain ko na ang mga dating iniwasan ko. Kailangan ko raw magkalaman ng konti."

Inamin din ni Rocco na malaking pressure ang maging isang artista. Kung wala raw siya sa showbiz ay hindi niya mararanasan ang maraming expectations sa kanya.

"Even before naman, nasabi na sa amin na kapag nasa showbiz na, marami nang expectations. We have to look good, do good, and be good. Kaya malaking pressure sa amin. Pero dahil ito nga ang pinasok namin at pinagkakatiwalaan kami ng isang malaking network, kailangan lang na sundin namin ang mga gusto nila.

"Pero they also want to take care of us, lalo na ang health namin kaya mino-monitor nila kami. If they think na sobra na ang pagpapapayat, tigil muna at magpahinga. Baka kung ano pa raw ang mangyari sa amin. Ang importante ay hindi kami nagkakasakit at naoospital."


FAIR-HAIRED BOY. Biro nga kay Rocco, isa siya sa paborito ngayon sa GMA-7. Siya na nga raw ang "fair-haired boy" ng Kapuso network dahil sa dami ng trabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po," ngiti ni Rocco. "Nagkakataon lang, binibigay sa amin ang mga trabahong ito. Alangan namang tumanggi kami sa grasya, di ba?

"'Tsaka hindi lang naman ako ang maraming work. Marami kami na sunud-sunod ang trabaho.

"Nagpapasalamat ako na sunud-sunod ang blessings natin. I am doing my best na hindi ako mapahiya sa mga nagbibigay sa akin ng trabaho.

"Sa sinasabi nilang paborito ako, hindi rin naman po. We all have our jobs at patas ang pagtingin nila sa aming lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN