Maricel Morales says her kids have no regular communication with their dad, former action star Ace Espinosa

"He doesn't ask, hindi naman siya nakikibalita. So, okey na din. Siguro confident naman siya na lumalaki nang maayos ang mga anak niya at hindi napapabayaan," says Maricel Morales about ex-husband Ace Espinosa.


Mukhang magtutuluy-tuloy na ang TV career ng actress-politician na si Marciel Morales.

Kahit matatapos pa lang ang kinabibilangan niyang afternoon series sa GMA-7 na Trudis Liit, may kasunod na kaagad siyang bagong serye na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, at Mark Anthony Fernandez— Little Star.

Sabi nga ni Maricel, kahit busy siya sa kanyang trabaho bilang councilor sa Angeles City, Pampanga, nagagawa pa rin niyang isingit ang kanyang pag-aartista.

Natutuwa rin siya dahil hindi pa siya nakakaranas ng "violent feedback" mula sa viewers ng Trudis Liit dahil sa kanyang pagiging kontrabida sa bida sa serye na si Jillian Ward.

"Siguro noong una lang, when we were campaigning, no'ng first time kong tumakbo as councilor. Tapos napapanood nila ako palagi na nagko-kontrabida roles ako.

"So, I have to tell them na... 'Saka smart naman yung mga manonood natin. They know, they can differentiate yung role from real life.

"'Saka na-appreciate nila na one of their councilors, they could actually see her na umaarte sa screen. 'Saka proud sila.

"Kapag nagpupunta ako sa mga barangays, happy sila kasi napapanood nila ako sa TV. Nakakasama ko yung mga paborito nilang artista atsaka ako na isa sa mga public servant nila sa Angeles," sabi ni Maricel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May nagtatanong din daw na fans kay Maricel kung bakit daw "galit" siya kay Trudis. Ipinapaliwanag naman niyang role lang ito na ginagampanan at sa totoong buhay ay love niya si Jillian.

Isa rin daw pagpapatunay na love niya si Jillian nang mag-guest ito sa isang show ng bagets sa Pampanga.

SINGLE MOTHER. Aminado si Maricel na may katarayan din siya sa tunay na buhay. Pero hindi naman daw siya masama gaya ng mga role na ginagampanan niya sa mga seryeng nilalabasan.

"Like sa mga kids ko, alam nila na medyo mataray ako. Epecially kunwari pag alam nila na yung right nila ang pinaglalaban ko. They know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And my kids are very much aware that I would stand up pag right na yung ipinaglalaban ko. That's one thing that I would be proud of. Sabihin na nilang mataray ako, basta pagdating sa mga anak ko, ayaw ko silang naaagrabyado."

Bagamat hindi madali ang maging single mother sa dalawang anak niya, may hatid namang saya kay Maricel ang kanyang real-life role.

"It's a little hard being a single mom," sabi ni Maricel. "Pero nai-enjoy ko especially now na may communication na kami ng mga anak ko. We talk na talaga. Si AJ just turned 11 years old and Mico is already eight eight years old. So, nagkakaintindihan na kami.

"They know kung kailan nila ako friend, when they can tell me everything, kung ano yung nangyayari sa school, with their personal lives. And alam nila kung kailan ako protective sa kanila, na nagagalit ako pag meron silang hindi ginagawa sa mga gusto ko sana na ginagawa nila."

Matagal nang hiwalay si Maricel sa kanyang ex-husband at dating action star na si Ace Espinosa.

MISSING IN ACTION. Kamakailan lang ay nag-birthday ang panganay ni Maricel, pero hindi raw sumipot si Ace.

"Wala, hindi siya pumunta," sambit ni Maricel. "I actually asked my son [AJ] kung nag-text ang dad niya, pero... Baka lang sa mga susunod na araw magkausap silang mag-ama."

Sabi ni Maricel, hindi regular na nakakausap ni Ace ang kanilang mga anak.

"Walang regular communication. Parang pag naisipan lang niya."

Base sa natatandaan ni Maricel, ang huling pakikipag-usap ni Ace sa kanilang mga anak ay noong June pa this year.

"Natatandaan ko, we were in Tagaytay, kasama ko ang mga bagets. Tapos, nag-celebrate kami ng Father's Day. I asked them na tawagan nila ang dad nila to greet him.

"Yun ang alam kong last na contact nila. I don't know kung nagkausap na sila. But I don't think kung nagkausap na sila kasi they never mention. I think, no'ng nagkita talaga sila no'ng last year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin itinatanggi ni Maricel na nagtatanong ang kanyang mga anak sa madalang na pakikipag-usap sa kanila ng kanilang ama.

"Minsan, especially now na nag-birthday yung panganay ko. So, emotional yung... Although masaya siya, I try na mapunan kung anuman yung kailangan punan para maging normal yung paglaki nila. But I know it will never be enough.

"And he was asking nga sa party niya na, 'Bakit gano'n? Parang wala lang.' Sabi ko nga, baka may reasons rin yung dad nila. Baka wala, baka may work, or na-overlook, or baka may iniisip itong sorpresahin din siya in the next few days... I don't know, I'm trying to make reasons for it."

FILLING THE GAP. Hangga't maaari, gusto raw iparamdam ni Maricel sa kanyang dalawang anak na mabubuhay sila kahit wala sa tabi nila ang kanilang ama.


"Minsan sinasabi ng mga friends ko, yung mga anak ko, spoiled. As much as I know hindi naman sila spoiled, kasi if have to take disciplinary actions, like kapag may ginawa sila sa school at sa bahay, I try to be the disciplinarian.

"Pero kung sa ikakasaya ng anak ko, kung hindi man doble, ten-fold na maging masaya sila to cover up kung anuman yung tama or kulang sa buhay nila, which I know will never be enough. Kasi, never kong mapupunan yun.

"But I try to explain to them na they should feel lucky and blessed dahil despite all that we're going through, marami rin ang nagmamahal sa akin, sa kanila, sa family namin. Marami ang may concern, nagpapakita ng love.

"Maybe it's not the kind of love that they are wanting or need, especially from their dad. Pero yung nagpapakita ng pagmamahal from friends and other family members and other people, yun, sagana kami doon.

"So, I tell them na, 'You should be thankful for that and huwag nang tingnan yung small things na from one person lang,'" saad ni Maricel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Maricel na hindi niya ipinagdadamot ang kanyang mga anak kay Ace kung gusto nitong makita at makausap sila.

"From the very start, I never stopped Ace from seeing his children," sabi niya. "I never stopped him kung gusto niyang makita o makasama yung mga anak niya. There were no restrictions.

"Kung darating siya at hihiramin niya ang mga bata, it's always a yes. Kasi I know, kahit as much as I want and as much as I try na mapunan nga yung pagkukulang na yun or yung gap, it would never be enough. So, hindi ko inaalis yun.

"Minsan, naglalabas ng sama ng loob yung mga bata. So, I'll try to explain to them sa manner na maiintindihan nila, na ganito yung situation or why probably na hindi nila makontak yung dad nila. Never kong siniraan si Ace sa mga anak niya.

"I think Ace is old enough to know kung ano yung responsibilities niya para sa mga bata and I don't have to remind him."

Aminado rin si Maricel na hindi talaga sila nag-uusap ni Ace kaya hinahayaan niya ang mga anak niyang kumausap sa kanilang ama.

"We rarely talk...hardly. Yun nga yung alam kong talk na meron sila ng mga anak ko, during Father's Day and after that, wala na.

"He doesn't ask, hindi naman siya nakikibalita. So, okey na din. Siguro confident naman siya na lumalaki nang maayos ang mga anak niya at hindi napapabayaan," saad ni Maricel.


Hindi rin daw nagbibigay ng financial support si Ace sa mga anak niya, pero tumanggi na ang aktres na magsalita pa tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN