Arci Muñoz jumps to TV5 but willing to return to GMA-7

"Wala akong sama ng loob. I have nothing against them. I'm thankful indeed sa lahat ng mga projects with them. Kasi kung hindi sa kanila, hindi naman ako makikilala, e," says Arci Muñoz about former home network, GMA-7.


Kabilang sa cast ng upcoming TV5 series na My Driver Sweet Lover ang StarStruck 3 alumna na si Arci Muñoz.

Ikinagulat ang pagkakaroon ng TV project ni Arci sa TV5 dahil kailan lang ay napanood pa siya sa GMA-7. Kasama siya sa cast ng nagwakas nang primetime soap na Langit Sa Piling Mo.

Kaya naman ang tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Arci sa presscon ng My Driver Sweet Lover kagabi, October 14, ay kung tuluyan na ba niyang nilayasan ang Kapuso network at lumipat na siya sa Kapatid.

"Actually, hindi ako exclusive," sagot niya. "Pero ever since I signed with Tita Annabelle [Rama, her current manager], agad-agad binigyan niya ako ng trabaho dito sa TV5."

NO CONTRACT. Nililinaw ni Arci na wala siyang kontrata sa GMA-7 o maging sa TV5 kaya malaya siyang nakakagawa ng proyekto sa ibang network.

"Wala po akong pinirmahan. Both networks, wala po. Basta, I am signed with Tita Annabelle."

Ipinaliwanag ni Arci na nagkaroon siya ng kontrata sa GMA Artist Center at natapos ito noong March 2010.

"Actually, yung first contract ko, it's two years and then they have another option of two years. So, natapos na yung four years na yun. So, wala na. So, we've decided na wala na.

"Pero I have nothing against GMA and Artist Center. Kasi all throughout that four years, inalagaan nila ako at hindi nila ako pinabayaan. They never failed to give me projects.

"Parang bata lang na kailangan...parang you need to move forward, you need to be independent. Kailangan mong hanapin ang path mo at kung saan ka talaga.

"And I found Tita Annabelle. She's there to help me, to guide me," saad niya.

GROWING. Nitong mga huling serye ni Arci sa GMA-7 ay kinakitaan na siya ng potential ng pagiging isang mahusay na aktres. Masasabi ba niyang nasayang ang talent niya at hindi 'yon nagamit nang husto ng dati niyang home network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang GMA naman, diyan ako nag-grow, diyan na-hone yung talent ko. Na dati, hindi ako gano'n kagaling. Doon ako nabigyan ng paunti-unti.

"Para sa akin, nagsimula ako from scratch hanggang sa unti-unti kang makikilala. Kasi mas matagal yung pagbagsak mo, unless nandoon ka kaagad. Mas masakit yung fall mo.

"So, sa akin, I have no problem. Wala akong sama ng loob. I have nothing against them. I'm thankful indeed sa lahat ng mga projects with them. Kasi kung hindi sa kanila, hindi naman ako makikilala, e."

Bukas pa naman daw si Arci sa posibilidad ng pagbabalik niya sa GMA-7 kung sakali mang intresado pa rin siyang kunin ng network.

"Yeah, why not? Naging okey ang trato sa akin ng GMA kaya hindi naman imposibleng hindi ako bumalik," sabi niya.

Bukod sa Langit sa Piling Mo, ang iba pang naging projects ni Arci sa GMA-7 ay ang mga sumusunod: Diva, StarStruck V, Ngayon at Kailanman, Ganti ng Puso, Saan Darating ang Umaga, Ako Si Kim Samsoon, Maging Akin Ka Lamang, Zaido, Pati Ba Pingtig ng Puso?, Princess Charming, Bakekang, at Agawin Mo Man ang Lahat.


NOT USING HER CONNECTION.
Paano ba siya nagpaalam sa GMA-7?


"Kasi friends ko rin sina Tita Ida [Henares] and Tito Arci [Baltazar of GMAAC]. No'ng nag-end ang contract ko, sinabi ng mom ko na kailangan ko raw mag-grow. Parang katulad ng sinabi ko, gusto ko namang mag-explore.


"Pinigilan naman nila ako. Pero in every step I make in my career, I always consider the opinion of my parents, their concerns.

"Nong nag-meeting kami ng dad ko, pinag-usapan namin na, 'Pa, okay ba na lumipat ako kay Tita [Annabelle]?

"And my Dad is Jimmy Duavit's cousin. They're relatives. So, sinabi niya na baka naman magtampo.

"Sabi niya, 'No, if it's good for you.' So, sabi ko sa Papa ko, 'What do you think, Pa?' Sabi niya, okey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko rin naman ma-try na gumawa ng ibang role," lahad ni Arci.

Napangiti si Arci nang sabihin naming hindi niya ginamit ang connection niya para maging big star sa Kapuso network kahit na uncle niya si Mr. Jimmy Duavit, na Vice President at COO doon.

"Ako, personally, I don't wanna ask favors, e. Unang-una, ayaw nga nila akong mag-artista.

"No'ng nag-StarStruck ako, tumakas lang ako. Nakita lang ako ng dad ko sa TV. Pag-uwi ko, sabi niya, 'Saan ka nanggaling, sa school?' Sabi ko, 'Sa TV. Hehehe!' Parang gano'n.

"And then, ayaw nila akong mag-artista. Sabi ko, 'Kung ayaw ninyo, I'll do it myself.' And then after that, tinulungan naman na nila ako and they supported me. Even until now, lalo na yung Dad ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN