Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi nina Anne Curtis, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Karla Estrada, at Kris Aquino ang kanilang pagboto ngayong Lunes, May 9.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Anne Curtis ng inked index finger niya.
Nagpaalala pa siya sa kanyang followers na bumoto ang mga ito.
Magkasama naman si Daniel Padilla at ang kanyang ina na si Karla Estrada na bumoto sa Pasong Tamo, Quezon City.
First-time voter si Daniel na kilalang tagasuporta ni presidential candidate Mar Roxas.
Queen Mother @Estrada21Karla with son Daniel Padilla voting @ Pasong Tamo, QC #Halalan2016 pic.twitter.com/oZVQCSwpZV | @gretsfullido
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) May 8, 2016
Nag-post din ng Instagram photo si Kathryn ng kanyang inked index finger.
Nakaboto na rin ang Dolce Amore actor na si Matteo Guidicelli.
Maging si Kris Aquino ay nakaboto na at ipinost ang polling precinct sa Quezon City kung saan siya bumoto.