Gina Alajar will miss Jillian Ward and Trudis Liit

"Extraordinary ang talent ng batang 'yan. Alam niya ang difference ng maglaro at magtrabaho. Kapag sinasabi namin sa kanya, 'Jillian, mag-taping na tayo!' mabilis na susunod 'yan. Wala siyang tantrums tulad ng ibang batang ka-edad niya," says Gina Alajar about Trudis Liit co-star Jillian Ward.


Mami-miss ng multi-awarded actress na si Gina Alajar ang pakikipagtrabaho sa child sensation ng GMA-7 na si Jillian Ward dahil matatapos na ang kanilang afternoon drama series na Trudis Liit.

Next week ay simula na ng huling limang araw ng top-rating na Trudis Liit kaya nagkaroon ng thanksgiving party ang GMA-7 para rito last October 13 sa 17th floor ng GMA Network Center.

EXTRAORDINARY CHILD ACTRESS. Inamin ni Gina na sa lahat ng mga batang nakatrabaho niya sa TV, ibang-iba raw si Jillian.

"Extraordinary ang talent ng batang 'yan," sabi niya. "Alam niya ang difference ng maglaro at magtrabaho.

"Kapag sinasabi namin sa kanya, 'Jillian, mag-taping na tayo!' mabilis na susunod 'yan. Wala siyang tantrums tulad ng ibang batang ka-edad niya. Kapag sinabi mo namang, 'Jillian, you can play na,' doon lang siya maglalaro.

"Tsaka kakaiba kung mag-memorize. Hindi pa siya marunong magbasa at ididikta mo lang sa kanyang ang dialogues niya. Nakukuha niya kaagad at may emotions na siyang ipapakita habang nagda-dialogue siya.

"Kaya nga mami-miss naming lahat ang batang 'yan. Kami naman, we make it a point na hindi stressful for Jillian ang work environment niya. Nakikipaglaro kami sa kanya. Naghahabulan kami sa set. Kaya wala kaming stress at napapagod kami sa kakalaro with Jillian!" natatawang kuwento ni Gina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

CARICATURE ROLE. Marami rin ang makaka-miss sa role ni Gina sa Trudis Liit bilang Lolly Toledo, isa sa mga kontrabida sa buhay ni Trudis. Marami ang naaaliw sa iba't ibang hitsura ni Lolly sa paningin ni Trudis.

"Sinadya naming gawing caricature si Lolly para naman maging katatawanan siya kahit na kontrabida siya," sabi ni Gina.

"Isa ako sa mga nagsabi na bigyan natin ng ibang character si Lolly. Something na katatakutan ng mga bata, pero matutuwa sila at the same time.

"Ako naman, game ako sa ganyang mga roles. It takes me out of the serious roles that I've been doing on television.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito nga lang ako sa Trudis Liit hindi masyadong nahirapan kasi ang gaan-gaan ng buhay namin sa show. I really enjoyed playing Lolly."


DIRECTOR OF TWEEN HEARTS. Ngayon ay nasa director's chair naman si Gina bilang director para sa toprating na tween series ng GMA-7 na Reel Love Presents Tween Hearts. Masaya si Gina dahil mataas ang ratings ng Tween Hearts at magaganda ang reviews na natatanggap ng show.

Big challenge kay Gina na idirek ang mga bagets na dumaan sa kanyang acting workshop. Nagulat din siya na malaki ang improvement ng mga bata pagdating sa pag-arte.

Kabilang sa cast ng Tween Hearts sina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Jhake Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Louise delos Reyes, Lexi Fernandez, at Derrick Monasterio.

"Nasanay kasi akong idirek yung mga artistang kilala ko na sa TV. Yung mga beterano na," banggit ni Gina.

"This is my first time to handle a show na puro mga baguhan. Kaya inupuan namin ng creative team ang gagawin sa mga bata. I want to know kasi kung ano ba ang atake na gusto nila for these new stars na bini-buildup ng GMA-7.

"Kaya they went through an acting workshop sa akin bago namin sila isalang. Dumaan din kasi ako sa edad nilang 'yan at artista na ako noon. Kaya I know how they all feel when it comes to work.

"Hindi madali for a teenager na nagtatrabaho. It's a big sacrifice talaga but since nandito ka na, make the most of it.

"And I am amazed sa napanood ko sa kanila, especially sina Barbie and Joshua. Before kasi, puro pagpapa-cute lang ang ginagawa nila, di ba? Pero dito sa Tween Hearts, nagkaroon na sila ng ibang character. Nandoon pa rin ang pagiging cute nila, pero pa-mature na ang acting nila.

"Gusto nilang i-mold ang mga batang ito to be good performers kapag nalagpasan na nila ang pagiging bata. And I think na magandang paraan ito para may matutunan na sila about acting and how they can carry themselves sa iba't ibang roles."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WALANG PASAWAY. Isa pang kinatutuwa ni Direk Gina ay wala raw pasaway sa mga batang dinidirek niya. Lahat daw ay very cooperative at nakikinig sa kanya.

"One thing na proud ako sa tween cast ay mababait silang lahat. Walang pasaway at lahat ay nakikinig sa mga nakakatanda sa kanila.

"Isa rin 'yan sa mga tinuro namin sa kanila. In this business kasi, hindi sapat yung marunong kang umarte, maganda o guwapo ka, or sikat ka sa maraming tao. Importante ang pakikisama.

"Your looks, popularity and performance will fade away eventually. Pero ang ipinapakita mong magandang working relationship with your fellow actors at sa mga tao sa likod ng camera, that will last a lifetime. Hindi nakakalimutan ng kahit sino man ang pinapakita mong kabaitan sa kapwa mo.

"And because of that, people will always want to work with you. Maganda bang malaman mo na ayaw kang makatrabaho dahil maldita ka, mayabang ka, nang-aaway ka, at hindi ka marunong makibagay sa set? No one likes that, di ba? Iiwasan ka nang makatrabaho ng kahit sino kahit na sikat ka pa.

"Kaya this early pa lang, gusto naming malaman ng mga tweens ang importansya ng pakikisama sa kahit na sino sa trabaho. Hindi masama ang makipagkapwa-tao ka.

"And of course, yung pagmamahal sa trabaho nila. If you love your job, your job will love you back," saad ni Gina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN