Meet Mary Grace Poe Llamanzares, new Chair of the Movie and Television Review and Classification Board

Mary Grace Poe Llamanzares says her mother, Susan Roces, told her to prepare herself for the tough challenges ahead as MTRCB chief. Her father, the late Fernando Poe Jr., would have been proud.


Kilala siya bilang anak ng Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. at ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces. Ngayon, makikilala na siya bilang bahagi ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

Meet Mary Grace Poe-Llamanzares, ang bagong pinuno ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Ano ang reaksyon niya nang nalaman niyang siya ang kapalit ni dating MTRCB Chair Consoliza Laguardia?

"Sa totoo lang, talagang nagulat ako, e. Kasi may tumawag sa akin na news reporter at bini-verify. Imbes na masagot ko siya, siya pa ang tinanong ko, 'Sigurado ka ba? Saan mo nabasa?'

"So siyempre, natuwa ako pero mas lalo din akong napaisip kung ano na ang mga dapat gawin. Dahil napakadaming mga transitional things na dapat na ma-accomplish bago ka maka-assume," sabi ni Ms. Llamanzares sa panayam sa kanya ni Ricky Lo sa Startalk kahapon, October 16.

May mga nag-lobby ba o nagpursige na siya ang maupo sa puwesto?

"Sabihin ko naman... ako'y nagpapasalamat kay Senator Jinggoy [Estrada], isa sa mga nag-endorso sa akin. Kasama na doon ang Directors Guild [of the Philippines], at ang Actors Guild [of the Philippines]."

A mother of three, nag-aral ng Development Studies sa University of the Philippines-Manila si Mary Grace at nagtapos ng Political Science, major in Government and Political Theory sa Boston College sa Amerika.

Ano ang unang-unang gagawin niya as MTRCB chief?

"Nais po namin na maglagay diyan ng mas maraming miyembro na galing talaga sa industriya," sagot niya. "Not just to review, but also to try and figure out how we can help the economy become better.

"So, yung aking layunin ay mapalapit ang MTRCB sa industriya, at lalung-lalo na, ang makatulong sa ating ekonomiya ang industriya ng pelikulang Pilipino at ng telebisyon."

Mula pa noong tumakbo (at hindi pinalad) ang kanyang yumaong ama sa presidential race noong 2004, at pagkamatay nito the same year, marami na ang humihimok kay Mary Grace na pasukin ang mundo ng pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balak pa ba siyang pasukin ang pulitika?

"Sana, pero siguro sa 2013 elections. Sa ngayon, hindi ko pa naiisip."

Ano ang reaksyon ng ina niyang si Ms. Susan Roces sa bago niyang responsibilidad sa industriya ng pelikula at telebisyon?

"Siyempre masaya siya. Pero meron siyang parang, 'O, ihanda mo ang sarili mo at malaking hamon 'yan.'"

Kung buhay ang ama niya, papayag kaya itong tanggapin ni Mary Grace ang MTRCB post?

"Siguro kung buhay siya baka hindi ako aabot sa ganito dito, e. Kasi kung buhay siya, mananatili ako sa Amerika siguro.

"Pero kung may ginagawa akong positive for this industry, I hope wherever he is, he'll be happy," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN