Patrick dela Rosa is formally charged with rape

No bail was recommended for actor-politician Patrick dela Rosa, who was charged with raping a 20-year-old student in a Quezon City condo unit.


Pormal nang sinampahan ng kasong rape sa Quezon City Regional Trial Court ang dating aktor at kasalukuyang Board Member ng Oriental Mindoro na si Patrick dela Rosa nitong Martes, October 12.

Walang inirekomendang piyansa kay Dela Rosa na umano'y lumabag sa Article 266-Revised Penal Code.

Ayon pa sa report ng Startalk kahapon, Sabado, October 16 sa GMA-7, nakapiit pa rin ang dating aktor sa station 7 ng Quezon City Police Station. Pero nasa proseso ngayon ang kampo ni Dela Rosa sa pangangalap ng testigo.

Sa panayam ng Startalk sa abugado ni Patrick na si Atty. Romeo Gonzales, sinabi nito na bago sila gumawa ng sagot o ng anumang aksyon at dipensa, kailangang makausap muna nila ang mga testigo.

"Kasi nung naganap iyon napakaraming bisita, birthday party iyon, e," ayon sa abugado.

Ang tinutukoy na insidente ay naganap umano noong gabi ng October 7 sa isang condominium sa Cubao kung saan nakisali si Dela Rosa sa kasiyahan.

Ayon sa beinte anyos na complainant, dakong ala-una ng madaling araw nang matapos ang inuman, nguni't bigla na lang umano siyang nagising nang walang saplot sa katawan at kinukubabawan daw ni Dela Rosa.

Sa ulat ng Unang Hirit noong October 8, ang nakatira sa kalapit-kuwarto ng condo unit ang nagsumbong sa mga security guards nang marinig ang pagsisigaw ng biktima na sinaklolohan naman ng dalawang kaibigan nito.

Kinumusta ng Startalk kay Atty. Gonzales si Patrick, at ayon sa abugado, "Parati siyang nagtatago doon sa loob ng kanyang seldang napakaliit, napakainit, dahil sa naaawa na siya sa sarili niya. Tapos... hinusgahan na siya, nagkaroon na ng trial by publicity."

Ayon sa batas, ang isang akusado ay presumed innocent hangga't hindi napapatunayan ng hukuman na nagkasala nga ito.

Dahil dito, may pakiusap daw si Dela Rosa, lalung-lalo na sa media.

"Igalang naman natin 'yung kanyang karapatan. Ito ay isang private crime na tinatawag namin sa batas, na hindi naman siguro tama na piliting kunan siya," pahayag ni Atty. Gonzales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana hintayin natin na kung nagkaroon na ng pagdinig sa kaso, mabigyan naman si Patrick ng oras para masabi niya kung ano ba talaga ang totoong nangyari."

Ang pahayag naman ng abugado ng biktima umanong si "Roxanne" na si Atty. Freddie Villamor.

"It's already filed in court, the last thing I heard is that it has been raffled to Branch 98 of the Regional Trial Court of Quezon City.

"It involves a capital offense, since non-bailable ito, magpe-petition for bail muna sila, and with that, we will be presenting evidence to show that our evidence is strong so that the court can deny their petition for bail," sabi ni Atty. Villamor.

Ano ang nais mangyari ng nagreklamo upang pagbayarin ang umano'y ginawa ni Patrick?

"Reclusion perpetua, life sentence," sinabi pa rin ni Atty. Villamor.

At ito naman ang naging pahayag ni "Roxanne," ang complainant: "Hanggang dulo talaga ilalaban ko ito. Siyempre lahat naman ng nabiktima ng ganito, gusto nilang makulong yung mga nagkasala, di ba?

"Ganun din ako, gusto ko ring makulong si Patrick, pagdusahan niya, para matuto din siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN