Couple Eula Valdes and Rocky Salumbides have no hang-ups about working for rival networks

"'Pag pinagsama mo [isang Kapamilya at isang Kapuso], ito'y ang 'kapamilyang may puso!'" says Rocky Salumbides about working for rival networks with girlfriend Eula Valdes .


On a rare occasion, sabay na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahang sina Eula Valdes at Rocky Salumbides.

Parehong mahirap hagilapin these days sina Eula at Rocky dahil abala sila sa taping ng kani-kanilang soaps. Si Eula ay sa afternoon soap ng GMA-7 na Koreana at si Rocky naman ay kasama sa cast ng primetime series ng ABS-CBN na Imortal.

In short, isang Kapuso at isang Kapamilya ang magsing-irog na Eula at Rocky.

Para sa premyadong aktres, walang kaso ang ganitong set-up, kahit may panahong bihira silang magkita ng kanyang model-boyfriend.

"Okey yun, mas gusto ko ang ganung set-up," sabi ni Eula.

Agree naman si Rocky, "'Pag pinagsama mo [isang Kapamilya at isang Kapuso], ito'y ang 'kapamilyang may puso!'"

Natawa man ay tumango na lang si Eula.

PROUD OF "PAPA" ROCKY. Sa indie film na Tarima, na idinirek ni Neal Tan, ay magaganda ang naging feedback ng nakapanood sa pagganap ng baguhang aktor na si Rocky. Ginampanan nito ang papel ni Bryan, isang jail inmate na nakilala at inibig ng isang demure gay (played by Fanny Serrano, bilang Roselo).

Maraming eksena si Rocky na pinalakpakan ng manonood sa magkasunod na premiere showing ng pelikula sa Cultural Center of the Philippines at UP Cine Adarna.

Ani Eula, "Proud ako sa kanya. Kasi before pa, bago pa niya 'yan ginawa, sinasabi ko na very expressive ang eyes niya. E, siya lang ang hindi naniniwala."

May kuwelang nasabi rin si Fanny nang ipakilala ang cast ng pelikula sa gala night nito. Aniya, nagpapasalamat siya sa pagpayag ni Eula na maka-love scene niya ang boyfriend nitong si Rocky. At least daw, sa loob ng ilang minuto ay "naramdaman kong ako si Eula Valdes!"

"Naaliw naman ako dun!" natatawang reaksiyon naman ni Eula. "Nagte-text nga siya [Fanny] kapag may premiere showing. Pahiram daw ulit [si Rocky], ibabalik din niya agad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa steamy love scenes nina Rocky at Fanny sa Tarima, may katiting bang selos na nadama si Eula nang mapanood ang pelikula?

"Wala! Dyusko, hindi ako affected diyan!" mabilis na tugon uli ni Eula, na natawa pa. "Trabaho lang. Malawak ang pang-unawa ko sa ganyan!"

THEATER ACTORS. Hindi man posible sa ngayon na magkatrabaho sila sa TV dahil nasa magkahiwalay silang networks, sa tanghalan ay posible itong mangyari.

Veteran of theater na rin si Eula, samantalang si Rocky ay nakaganap na rin sa entablado in last year's Tanghalang Pilipino production of Tennessee Williams' A Streetcar Named Desire, na idinirek ni Floy Quintos.

"Yun ang kanyang una... May kissing scene ako dun. Siya yung young man. Hindi pa raw niya kaya ang Stanley [Kowalski, male lead]," banggit ni Eula.

Sa naturang play ay si Eula ang gumanap bilang Blanche Dubois (female lead) na aniya'y "Ang hirap... At least, I tried a straight play."

Pero totoong kuwela si Eula nang gampanan ang comic heroine role sa fantasy-musical na Zsa Zsa Zaturnnah (Ze Muzikal) ng Tanghalang Pilipino.

Lately, may balitang magbabalik si Zsa Zsa Zaturnnah sa entablado ng CCP Little Theater, posibleng sa Pebrero next year. Pero may konting hesitation si Eula.

"Ang sabi ko, gagawin ko yun uli pag may Part 2 na," sabi ng aktres. "Meron na si Carlo [Vergara, ZZZ author] na ginawang Part 2. Pinu-post na yata niya ngayon sa Facebook, for approval daw ng followers."

Ayon naman sa musical director ng dula na si Vince de Jesus, totoong kinausap na siya ng Tanghalang Pilipino para sa repeat o restaging ng orihinal o Part 1 pa rin ng Zsa Zsa Zaturnnah. Sumang-ayon si Vince sa muling pagtatrabaho bilang musical director.

Nais din kasi ng Tanghalang Pilipino o ng CCP na muling iprodyus ang musical, 'ika nga, due to insistent public demand, o dahil totoong mas kumikita ang naturang produksiyon kaysa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya nga ibabalik na naman daw, pag kailangan daw ng pera ng CCP," nakangiting sabi ni Eula. "Ganyan din naman ako, e. Nung una, sasabihin ko na ayaw ko, pero pag kinausap na naman ako ni Tata Nanding [Josef, Tanghalang Pilipino artistic director], makaka-hindi ba ako?

"Routine na rin sa akin, e. At yung mga kasama ko dun, masaya, naging kaibigan ko na talaga sila."

Sakaling magsasama uli sila ni Rocky sa isang major theater production, ano ang gusto niya para sa real-life teamup nila?

"May-December [affair]?" biro ni Eula. "Oo, sana..."

Mas maga-guide ni Eula ang actor-boyfriend pag magkatrabaho sila sa teatro.

Pero ani Eula, "Baka baligtad na! Sana.... Kumakanta na siya nang totoo, para puwede rin siyang Dodong (male lead) sa Zaturnnah Part 2, di ba? E, kumakanta siya sa kotse lang, nahihiya pa."

ROSARIO. Sa December ay mapapanood naman si Eula sa isa sa entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010. Ito'y ang pelikulang Rosario, isang period film.

Directed by Albert Martinez, bida sa pelikula si Jennylyn Mercado with Dennis Trillo, Sid Lucero, Yul Servo, among others. Ginagampanan ni Eula ang papel ni Donya Adela, ang ina ng bidang character. Pero ang mga eksena niya'y sa back story ng pelikula during the 1930s.

"Ginawa ko yun kasi gusto ko yung mga gano'ng costume-costuman," birong totoo ng aktres. "Ako yung nanay ni Rosario.

"Humaba lang yung role ko kasi yung mga eksena dun sa script, na konti lang, nadagdagan. Isinama niya ako dun sa iba, kahit walang lines, nando'n kami ni Kuya Ipe [Phillip Salvador]."

Eula doesn't mind playing a matriarch in a period movie.

"Okey lang," aniya. "Hindi naman siya matanda. Nung tinext ako ni Albert, sabi ko, 'Ay, gusto ko 'yan!' Kasi, sabi niya, 1920s to '30s. Sabi ko, gusto ko yung '30s, gusto ko yung look. Maganda!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Happy ba siya sa naging participation niya sa pelikula?

"Oo," sagot ni Eula. "Kasi gusto ko. Kahit support lang kami, basta maganda yung film. At saka baka one for the books na rin 'yan, e."

How is Albert Martinez as debuting film director?

"Magaling si Albert. Mabusisi. Nagdidirek na siya sa TV. Pero sa film, first niya ito. Baby niya ito, e."

Sa back story ay sila ni Phillip Salvador ang magkasama bilang 1930s couple. Sino naman sa present time?

"Si Dolphy naman ang sa present time," pagtukoy ni Eula sa isa sa mga kabilang sa napakalaking cast ng nasabing MMFF 2010 entry.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN