Jake Roxas glad to be a Kapamilya on his return to showbiz

"Kahit anong role, okay sa akin. Wala akong pipiliin. Basta kaya ko, gagawin ko. Walang pili-pili," says comebacking actor Jake Roxas.


Almost six years ding namahinga sa kanyang showbiz career ang aktor na si Jake Roxas. Pero ngayon ay mas desidido na raw siyang ituluy-tuloy ang kanyang career.

Sa kanyang pagbabalik, mas visible ngayon si Jake sa bakuran ng ABS-CBN. Kasama siya sa cast ng Imortal, bagamat sa GMA-7 siya unang nakilala bilang isa sa mga mieymbro ng defunct teen-oriented show na T.G.I.S.

Ang sitcom na Beh, Bote Nga pa raw ang last regular show niya sa GMA-7

"After that, wala na. Meron na lang pasulpot-sulpot na lang," sabi ni Jake sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

LIFE AWAY FROM THE LIMELIGHT. Noong nawala siya sa showbiz, nag-concentrate na lang daw siya sa family life niya, nag-business, at tumira sa ibang bansa. May tatlong anak na ngayon si Jake.

"Siyempre, dumating din ang time na nami-miss mo ang ginagawa mo," sabi niya. "Nagtrabaho rin naman ako, nag-business, umibang bansa kami, sa Amerika. Almost four years din kami sa U.S. Pero nagkaroon ng crisis kaya kami bumalik.

"And then, nangarap ulit na makabalik ng industriya at nabigyan naman ng pagkakataon. Sana dire-diretso na."

Na-miss ba niya ang showbiz?

"Oo, na-miss ko," pag-amin niya.

"Nainggit na sana gumagawa pa rin ako, yung gano'n. Pero hindi naman inggit na personal. Siyempre, inggit lang na gusto mo yung mga role na ganito, ganyan. Pero nothing personal na naiinggit ka sa isang tao."

JAKE'S COMEBACK. Si Direk Chito Roño, na isa sa mga direktor ng Imortal, daw ang naging daan niya para makabalik siya sa showbiz.

Kuwento ni Jake, "Nagkita kami ni Direk sa isang local flight. Nagkasabay kami pauwi. And then, yun, noong nagkita kami, nagkausap kami. Sabi niya, meron siyang bagong character na ilalagay sa Magkano ang Iyong Dangal.

"And then, sabi ko, 'Talaga po Direk? Thank you po, Direk. Aasahan ko po 'yan. Kailan po 'yan?' Gumano'n pa ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, Tuesday siguro yun, then, Friday, pumunta na ako ng ABS at tiningnan na ako ng buong production. And then, Sabado, first taping, tapos dire-diretso na."

At ngayon nga ay kasama si Jake sa primetime series na Imortal, kung saan gumaganap siya bilang leader ng mga bampira.

Hindi ba siya nanibago after six years na umaarteng muli?

"Hindi naman," sagot niya. "Na-enjoy ko naman na kinakabahan kasi big project. Tapos, kakabalik mo pa lang, medyo rusty ka pa. Tapos, ang hahaba ng linya na malalalim. Pero masarap."

Sa ngayon daw, kahit anong role ay willing siyang gawin.

"Kahit anong role, okay sa akin. Wala akong pipiliin. Basta kaya ko, gagawin ko. Walang pili-pili."

Kinumusta rin namin kay Jake ang working experience niya with John Lloyd Cruz and Angel Locsin sa Imortal.

"Si John Lloyd, kalog, e. Nagkakaintindihan kami kasi pareho kaming nagba-bike. Nagkasama na rin kami sa bike. Tapos, ano siya, kuwela rin kausap. Walang dull moments.

"Si Angel naman, talagang malambing. Aasikasuhin ka. Tataba ka kay Angel kapag kasama mo," saad niya.

GLAD TO BE A KAPAMILYA. Sa presscon ng Imortal ay nakapagbitiw ng salita si Jake na natutuwa siya na sa pagbabalik niya sa showbiz ay sa Kapamilya network na siya.

Bakit niya nasabi yun?

"Natuwa ako dahil, unang-una, yung mga friends ko sa high school, na hindi ko na nakikita, kahit sa Facebook hindi ko na nakikita, biglang nabuhay dahil napanood ka. Parang, 'Wow, okay 'to a!'

"So, happy ako dahil promo pa lang namin, hanggang first day, markado na. Iba..."

Napapanood daw kasi siya kahit sa The Filipino Channel (TFC).

"Hindi ko naman inaano, pero nakita ko na iba yung naramdaman ko rito sa ABS," sabi ni Jake.

Hindi kaya masabihan siya na ungrateful dahil nagsimula siya sa GMA-7 at bago siya mawala sa sirkulasyon ay isa siyang Kapuso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman, kasi hindi naman ako Seven talaga. Pero siyempre, doon ako nagsimula and thankful ako do'n. Kaya lang, mas maganda yung pasok ko ngayon dito. Yung casting, director..." paliwanag ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN