Bella Flores comes full circle with her Granny Hershey role in Trudis Liit

Bella Flores was part of the original movie, Trudis Liit. She became part of the afternoon television show of the same title on GMA-7 in the latter part of the series. "Katulad ngayon, itong Trudis Liit, nakadagdag na naman ako. Nakasama ako sa magandang ratings ng show, which I'm so proud," she said.


Maituturing na "full circle" ng aktres na si Bella Flores ang pagkakasama niya sa cast ng afternoon series na Trudis Liit, na magtatapos ngayong Biyernes, October 22.

Kasama kasi ang beteranang aktres sa original movie na lumabas noong February 1963. Gumanap siya bilang madrasta ng title role na ginampanan ng child actress pa lamang noon na si Vilma Santos.

"I am very, very lucky in this showbiz world that I have reached this. After 47 years, I am doing again this Trudis Liit. I am so glad that some other of my films, like Roberta and three more, were brought to television," sabi ni Bella nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving party ng Trudis Liit last week.

Maagang nagsimula si Bella sa mundo ng showbiz when she first appeared in the movie Tatlong Balaraw noong '50s.

May interesting story rin si Bella tungkol sa pelikulang Roberta noong 1951. Ayon sa aktres, 15 years old lang siya noon nang gumanap siya bilang stepmother ng bidang si Tessie Agana.

Dito sa updated version ng Trudis Liit ay hindi kontrabida ang role ni Bella bilang Granny Hershey, ang lola ni Trudis (played by new child sensation Jillian Ward).

"There is nothing that I can ask for more," sambit ni Bella. "I've played all kinds of roles. I played the madre roles. Meron akong mga action pictures...plus mga drama.

"Even on television, all of my TV shows got the highest ratings. Honest to God! Katulad ngayon, itong Trudis Liit, nakadagdag na naman ako. Nakasama ako sa magandang ratings ng show.

"I'm so proud and I'm so happy and so contented that after all those five decades, you know what I mean, I'm still standing up, not sitting down."

Marami nga ang naghahalintulad kay Bella bilang female counterpart ni Eddie Garcia sa patagalan sa showbiz industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They compare me always to Eddie Garcia when they interview me. It's true that we have the most respected names in the world of showbiz.

"Kapag sinabi mong Eddie Garcia, sold na lahat. Yari na ang lahat. Wala nang puwedeng ipalit. Ganoon din ang sinasabi nila sa akin," aniya.

Aminado naman si Bella na may mga pagkakataon din na hindi dumarating ang projects sa kanya.

"I like it because I can relax. I can socialize. Mahilig tayo mag-ballroom noong araw. Swing, tango... Lahat kaya ko. Puwede pa rin hanggang ngayon," sabi niya.

May payo rin ang former Sampaguita Pictures actress sa mga batang artista ngayon.

"There is a saying, it's nice to work well where the audience will like you for your nice work. If you just work well and maintain your position.

"It's not only na artista ka na aarte lang. You cannot just play around with one project. You have to have the self-control, dedication to your work. You have to love your work so you'll stay far. You will go far like me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN