Luis Manzano has yet to talk to Mariel Rodriguez about his "tampong kaibigan"

"Ayoko nang palakihin pa dahil kung ano yung tampo ko sa kanya, very, very minor naman 'yon. Kumbaga, tampong kaibigan," says Luis Manzano about his issue with friend Mariel Rodriguez.


Hanggang ngayon pala ay hindi pa nakakausap ni Luis Manzano si Mariel Rodriguez magmula nang lumabas ang balitang nagtatampo siya sa dating co-host niya sa E-Live at Wowowee.

Hindi na nga raw maalala ni Luis kung kailan sila huling nagkausap ni Mariel. Pero nilinaw niya na "tampong kaibigan" lang ang nararamdaman niya para sa itinuturing pa rin niyang kaibigan.

"Kagaya ng sinabi ko sa E-Live, when I first talked about it, yung sa amin ni Mariel, it's basically ako, may tampo ako sa kanya. Hindi siya kasing-seryoso ng mga nagiging intriga ngayon na ibinabato sa kanila [Mariel and Robin Padilla] at sa mga nadamay sa issue. Yung sa akin, it's a very, very personal tampo lang kay Mariel."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Luis sa thanksgiving presscon ng Petrang Kabayo—na ayon sa Viva Films ay kumita na ng P107 million sa first six days of showing nito—kagabi, October 20, sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Hindi pa ba nawawala ang tampo niya kay Mariel?

"Hindi naman sa hindi nawawala, pero siguro the only way na ano...siguro if magkausap kami or kung anuman. Pero sa akin, okay naman ako. Yun nga lang, nagkaroon ako ng maliit na tampo sa kanya.

"Ayoko nang palakihin pa dahil kung ano yung tampo ko sa kanya, very, very minor naman 'yon. Kumbaga, tampong kaibigan.

"So, yung mga naka-issue nga niya—no matter what the issue may be—they chose to keep quiet about their respective issues. E, sino ba ako para magdada pa sa tampo ko? Yung sa amin, it's one of those things... Ako lang ang may tampo sa kanya," saad ni Luis.

Alam ba ni Mariel na may tampo ka sa kanya?

"I'm not sure," sagot ni Luis. "It may come as a surprise para sa kanya. Kasi I believe she was interviewed sa The Buzz, and sabi nga niya, she had no idea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, siguro, itong tampo ko, nalaman lang niya when I was interviewed in E-Live. So, siguro baka hindi niya ini-expect na may tampo ako sa kanya. So, I'm not sure kung at this point, alam na niya.

"First, coz she's very, very busy with sa kanila ni Binoe. Second, if I'm not mistaken, they're shooting a film. So, baka.

"Pero I'm guessing naman na she's still in the loop sa showbiz. So, siguro nabalitaan naman niya na medyo may konting tampo ako sa kanya."

WILL MARIEL RETURN? Bago nag-file ng indefinite leave si Mariel sa kanyang mga programa sa ABS-CBN ay magkasama sila ni Luis sa showbiz talk show na E-Live. May ideya ba si Luis kung babalik pa sa kanilang programa si Mariel?

"I honestly don't know," sagot niya. "Kumbaga, kaya nga siguro nag-reformat na rin ang E-Live, kasama sina Nikki [Gil], Cesca [Litton], at Mama Og [Ogie Diaz]. So, siguro that was our transition to a new E-Live.

"Pero sabi ko nga, isa si Mariel sa pioneers ng E-Live—silang tatlo [nina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales], ang Kuya's Angels. So I'm sure she'll always have a special place in E-Live.

"If she's coming back, kahit ako hindi ko masabi. Siguro ang makakasagot niyan ay ang E-Live management."

HOPING FOR A GOOD START. Tuwing nai-interview ng press si Luis, hindi nawawala sa usapan ang ex-girlfriend niyang si Angel Locsin. Balita kasing nagkakamabutihan ulit sila ng aktres kaya tinanong muli si Luis kung kumusta na sila nito.

"Okay naman," sagot niya. "Kami ni Angel, same answer. Kaya kong sabihin the same way na... Sinabi naman niya na hindi kami. Pero kumbaga, whatever things went wrong in the past, we're trying to patch things up.

"Kasi, ayoko lang kayong paikutin na ang magiging sagot ko lang dito is 'we're hoping for a good start.' Nakailang sabi na ako ng 'good start,' parang paulit-ulit na lang, nakakahiya naman sa inyo. Pero let's leave it at that na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ba ay nililigawan ulit ni Luis si Angel?

"Parang ganun. Sabi ko nga, we're trying to sort out kung anuman ang nangyari sa past, kung ano rin ang puwedeng mangyari.

"But, sabi ko nga, medyo gasgas talaga, I'm sorry, pero this is what I really, really feel... Kumbaga, right now, nalampasan na namin lahat yung galit, yung anger, yung bitterness, and everything. So, where it leads, I don't know. I wish I knew and I can't wait to find out."

Mahal niya pa ba si Angel?

"Kagaya rin ng isinagot ni Angel at sinagot ko, sa mga pinagdaanan namin, we will always have a special place in our hearts. And I'm very, very thankful na she feels the same way.

"Narinig ko sa isang interview niya, espesyal naman ako. So it goes to show na meron pa rin kaming konting puwang sa puso namin para sa isa't isa."

Naniniwala ba siyang puwede pa silang magkabalikan?

"Siguro it's not necessarily maniwala, pero siguro...hoping would be a good word. Naniniwala kasi masyadong kampante. So, siguro more on hoping, or puwede ring sabihin na curious what the future has in store para sa aming dalawa.

"Just step-by-step process na hindi puwedeng madaliin. I'm not getting any younger, same way na Angel is very, very busy. So, making sure na each step counts. Kumbaga, baby steps lang."

WILLING TO WAIT. Pero ano ang reaksiyon ni Luis sa pahayag noon ni Angel na wala siyang binalikan sa mga naging ex-boyfriend niya?

"Well, I completely respect that," sabi niya. "Pero sa akin lang naman is, sabi ko nga, we have no idea what the future has in store for us and there's always a first for something.

"Hindi ako nagiging kampante, pero ang sinasabi ko lang, one thing in life, it never fails to surprise us. So, minsan yung binitawan nating salita, whatever they may be, e, kinabukasan or after a few minutes, magugulat ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang kailan siya maghihintay?

"I wish I knew. Only time could tell," pagkikibit-balikat ni Luis. "Ayoko namang magbigay ng sagot, hindi ko pala masusunod.

"So, I'm taking everything in stride. Twenty-four hours a day, kung anuman ang mangyari sa 24 hours na 'yon, I can't wait for the next 24 hours.

"In terms of timetable, wala. I would be very unfair to myself kung maglalagay ako ng timetable sa mga ganung bagay."

ANGEL & CHITO. Bagamat magkaibigan na ulit ngayon sina Luis at Angel, nali-link naman ang aktres sa bokalista ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda. Hindi ba naaapektuhan si Luis kapag may naririnig siya tungkol kina Angel at Chito?

"Sabi ko naman, I was even the one defending them. Di ba, sinasabi ko naman na barkada sila? Kahit ako, nakakasama ko sila.

"And hypothetically lang, let's just say na may something sila, kunwari lang, I'm sure Angel would not put us into a situation na magkasama kami ni Chito. I'm sure ayaw niyang mailang si Chito, or mailang ako.

"So it goes to show na walang ganung nangyayari, barkada talaga," sabi ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN