Regine Velasquez admits getting depressed when original venue of her wedding with Ogie Alcasid backed out

"When they backed out, we have to redo everything down to the invitations... Kumbaga, we have to start from the beginning. And they backed out three months before the wedding date," says Regine Velasquez about the cancellation of the first venue of her wedding with Ogie Alcasid.


Tuloy pa rin ang kasalang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa December, pero sa ibang lugar na ito gaganapin at hindi na sa unang venue na pinili nila.

"It's a different venue dahil inayawan kami ng first venue. It's a totally different venue now," sabi ng Asia's Songbird nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikula niya with Aga Muhlach sa Manor Super Club sa Eastwood, Libis, Quezon City, last week.

Inamin din ni Regine na na-depress siya nang kanselahin ang kanilang reservation sa isang beach resort sa Batangas.

"Actually, ikinasama pa nga 'yan ng loob ko," sabi niya. "Iniyakan ko pa nga 'yan ng two weeks

"Kasi, hindi ako masyadong involved sa wedding, di ba? Kasi ang hands-on talaga ay si Ogie. I asked my sister Cacai to be my representative.

"Kasi, I don't wanna stress myself out sa mga details. Even down to the plate, to decide what kind of plate we're gonna be using.

"Parang ang dami kong ginagawa ko. I just don't wanna be dealt with that. So, I just told them what I wanted, except for the place. Kasi ang place lang talaga ang ipinagpilitan ko atsaka yung gown ko.

"Kasi ako yung pumili ng place, e. Kasi may condo kami doon, e. So, pumunta kami doon at na-realize ko na ang ganda pala.

"Actually, at the beginning, I told you I didn't want a big wedding. But when I saw the place, it was the place that kinda convinced me to have a big wedding instead. Tapos, bigla silang nag-back out," tuluy-tuloy na kuwento ni Regine.

THE REASON. Ano ang rason na ibinigay sa kanila ng management ng venue kung bakit sila nag-backout?

"Hindi raw nila kaya," sabi ni Regine. "Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin no'n. Kasi we're not using naman their facilities. I mean, we're bringing everything—food, security, everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron kaming sariling kuryente, kasi naka-generator naman yun. We're not supposed to use that.

"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nila ng hindi nila kaya. E, it's an open space. It's a beach."

Hindi na ba sila nag-abala ni Ogie na malaman ang totoong dahilan ng pagba-backout nung venue?

"What for? Sasama lang ang loob namin, particularly me," tugon ni Regine.

Saan na gagawin ang wedding?

"Sa Batangas din, malapit lang. Malapit-lapit lang ng konti."

May rason si Regine kung bakit sumama ng todo ang kanyang loob nang ipagdamot ang napiling unang venue para sa wedding niya.

"I felt really bad kasi I really love the place," sabi niya. "Kasi no'ng nagpunta ako doon, na-imagine ko na, e. Na-envision ko na dito ako lalakad. Tapos dito sa kabila yung reception. 'Saka lahat naka-base sa lugar, pati yung mga invitations.

"When they backed out, we have to redo everything down to the invitations... Like yung tables, na-decide na namin kung anong table. Kumbaga, we have to start from the beginning. And they backed out three months before the wedding date.

"Yung invitation, hindi pa naman napi-print. Pero nasa planning stage na kami. Muntik nang i-print na. Buti na lang. Pero still, a lot of work kasi ngayon naantala na naman kami.

"So, ngayon, magde-decide na naman kami kung ano yung mga...alam mo yun? Yun ang mahirap, yung decision-making, kung anong kulay ng...yung mga little details. Mahirap intindihin."

Pero ayon kay Regine, hindi raw magbabago ang date ng kasal nila ni Ogie.

Yung sama ba ng loob niya ay dahil sa nasirang ilusyon ng kung paano magaganap ang wedding sa unang venue?

"Not so much sa ilusyon, e. Nainis ako dahil since hindi ako masyadong involved... At the very, very beginning, I've already told them what I wanted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako yung nag-decide ng invitation. Sabi ko, 'Ganito na yung invitation.' Doon lang ako naging involved kasi nakabase sa lugar. Lahat yun, nawala. E, doon nga ako involved, tapos nawala?

"Siyempre, hindi ko naman puwedeng ipasa yun kay Ogie dahil ako nga yung visual. Trabaho ko talaga yun bilang ako yung bride. So, I had to do that again.

"Ayoko na ngang ma-stress doon dahil three months ago pa namin pinagdesisyunan, di ba?" paliwanag pa ni Regine.

OGIE'S DILEMMA. Naaawa raw si Regine kay Ogie kapag naaalala niya ang pinagdaanan nito bago sinabi sa kanya ang balita tungkol sa pagka-cancel ng venue sa kanilang kasal.

"Hindi nga niya alam kung paano niya sasabihin sa akin. Kawawa nga, e," sabi ni Regine.

"I called him first. Kasi tinext ako ng kapatid ko [Cacai], 'Alam mo na ba?' 'Anong alam ko na?' 'A, nakausap mo na ba si Ogie?' Sabi ko, hindi pa.

"Pati kapatid ko, takot. E, normally, terror yun. Pero takot siya. Kasi alam nilang doon lang ako sa venue involved.

"Sabi ko, hindi pa. 'O, sige, kausapin mo na lang si Ogie.' Sabi ko, 'Ano kaya yun?' E, ayoko ng gano'n kasi kinakabahan ako sa gano'n.

"E, naggu-golf siya [Ogie]. Tinawagan ko siya sa cell. 'Hon, ano yung sinasabi ni Cacai? What's happening.' 'Ahmm...ahmm... I'll talk to you soon.' Sabi ko, 'No, no! You tell me now!'

"Kasi alam niyang ayoko ng gano'n na binibitin ako. Naiinis ako sa gano'n. Normally naman, I don't make him abala when he's playing golf. That day, 'No, no! You talk to me!'

"Hindi pa niya sinabi yung full details. Although no'ng ikinuwento niya sa akin, wala rin namang detalye dahil yun din naman ang sinabi sa kanya. Nag-back out nga raw yung venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero no'ng time na yun," patuloy ni Regine, "it really didn't sink in pa. So, sabi ko, 'Babay.' Sabi naman niya, 'It doesn't really matter where it's going to be. The important thing is we get married. Yun lang naman ang gusto ko. Yun naman yun, e.'

"But then, after I put down the phone, umiyak ako. Kasi naisip ko lahat ng plano nawala, kaya naiyak ako... Hindi lang isang linggo, dalawang linggo!

"Pero I'm okay now. For a while he was really worried about me. Kasi he knew that at first I was not very happy with the place. Kasi hindi siya tumawag sa akin hangga't hindi niya nasosolusyunan, e. Ayaw niya akong tawagan.

"Siyempre, pinagdesisyunan na niyang dito na tayo. I wasn't so happy with it. So, hindi ko ma-hide ang feelings ko. So, he was really worried. But he kept on saying na 'I promise, really special at really beautiful for you.'"

Ano ang ginawang pambawi ni Ogie para maibsan o mawala ang lungkot niya?

"He kept telling me na... Kawawa nga siya dahil during that time, he was preparing for his concert, e. So, he was trying to parang...inuuto niya talaga ako nang bonggang-bongga para hindi na ako ma-feel bad.

"Finally, we went there [the new venue]. No'ng nakita niyang happy na ako, parang naging relax na siya.

"Kasi, for a while, natatakot na siya. And he kept asking me, 'You don't like the place?' Pero no'ng nakita niyang happy na ako, na-relax na talaga siya," nakangiting kuwento ni Regine.

Maliban sa venue, wala na raw nabago pa sa iba pang detalyeng may kinalaman sa kasal kaya nga relax na uli si Regine.

"Oo, ayaw kong ma-stress. Nagtatrabaho pa ako, e," sabi niya.

"Actually, in a way, it's a good distraction na I'm working. Kasi ang hirap na yun lang iisipin mo, e, tapos maliliit na detalye yung pag-iisipan mo, na pag nasa wedding na, mapapansin pa ba yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Saka ayokong gawin yun. Gusto kong mag-enjoy. Yun bang mga plato, terno-terno? Knowing me na kung ako magde-decide no'n, aalamin ko.

"So, mas mabuti pang huwag ma-involve. Kasi gano'n ako, once I get involved, I'll make it sure that everything is there and well-prepared."

RED GOWN. Alinlangan si Regine noong una na sabihin sa amin kung ano ang kulay ng kanyang wedding gown. Pero dahil nga lumabas na ito sa diyaryo, sinabi na rin niyang "pula" ang kulay ng kanyang gown na disensyo ng pamosong Hollywood designer na si Monique Lhuillier.

Nainis ba siya sa pagkaka-leak ng balita tungkol sa kulay ng kanyang gown?

"Hindi naman. E, gano'n talaga! Nasulat na nga sa kolum ni Tita Lolit [Solis]. Okey lang, okey lang," napapangiti niyang sabi.

Balitang isang milyong piso raw ang halaga ng kanyang gown. Totoo ba ito?

"Ay, no, no... Basta, hindi siya gano'ng kamahal," diin ni Regine.

Kailan darating yung gown niya?

"Hindi ko alam, pero tinawagan lang ako...tinext pa lang ako ng secretary. In-email pa lang sa akin yung sketch. So, hindi ko pa alam.

"Siguro dapat November 'yan para at least may time pa kung may kailangang i-repair. Isi-ship na lang 'yan.

"But I don't know if she's [Monique] coming home. Kasi every year, dito sila nagki-Christmas, e.

"'Saka yung parents niya, ninong at ninang namin ni Ogie. Kasi kilala yun ni Ogie. Di ba, siya yung ano [endorser ng M Lhuillier]? Matagal na niyang kilala yung mga Lhuillier."

Dadalo ba sa kasal nila si Monique Lhuillier?

"Well, I'm not sure if she'll be able to make it to the wedding, but I'm hoping. Of course, she's invited. Siyempre, parents niya ninong at ninang namin sa kasal.

"Siyempre, we want her to be there. Pero hindi nga lang kami sure kung kaya ng powers niya bilang... Siyempre, vacation niya yun, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nadagdag pa ba sa mga sponsors nila?

"Actually, dalawa lang, e. Pero dati kasi nine pairs. Dalawa yung nadagdag, so 10 lang. Ten pairs. Pareho pa rin yung lineup kung ano yung na-mention ni Ogie."

Ang official na kakanta sa wedding march ni Regine ay ang grupong TUX. Hindi pa makumpirma ni Regine kung kakanta rin ang kanyang groom-to-be dahil wala pa siyang natatanggap na update tungkol dito.

Kinumpirma rin ni Regine na puro kantahan ang magaganap sa reception dahil marami ngang mga kaibigan nila na singers ang nagpiprisintang kumanta sa wedding nila ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN