Meryll Soriano won't accept work from ABS-CBN while network's conflict with her dad Willie Revillame is ongoing

"I don't think na magandang tingnan. Alam mo yun? Sa gitna na nagdedemandahan sila sa isa't isa, nandoon ako. Ako na ang tumanggi. Respeto ko yun sa papa ko. Alam mo yun? Pangit naman talagang tingnan," explains Meryll Soriano about her decision not to accept any projects from ABS-CBN, including letting go of a role in the upcoming remake of Mara Clara.


Tuloy na tuloy na ang pangarap ni Meryl Soriano na mag-aral sa London.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktres kamakailan, dinetalye niya ang lahat ng may kinalaman sa kanyang pag-aaral ng Industrial Design sa London.

"I'm applying sa Central St. Martins [College of Arts and Designs] or sa Camberwell College of Arts. Sister schools naman sila," bungad ni Meryll sa mga London schools na gusto niyang pasukan.

"Yung first year, Foundation Studies of Art and Design, 'tapos Industrial Design. Design lang lahat ng gamit. Design ng cellphone, plato...lahat. Kasi nga gusto ko lang, ang target ko, magkaroon ng Muji sa IKEA. Yun ang gusto kong pag-aralan, yun talaga ang gusto ko, e."

Ang Muji (short for Japanese Mujirushi Ryohin or "no brand quality goods" in English) ay ang sikat na line of products (from stationary, bags, clothes to furniture) na kilala sa simple at minimalist na mga disensyo na walang tatak na brand, habang ang IKEA naman ay ang sinasabing "largest furniture retailer in the world."

"Mag-i-start yung klase, 2011 pa. 'Tapos two years kong pag-aaralan yung course ko. Pupunta ako doon, a-attend ako ng open days. Yung parang inquiry about sa requirements ng mga international students. Kasi ang vague kasi no'ng mga sites, e. And maganda na, nandoon na ako para makita ko yung itsura ng mga universities.

"Aalis ako ng October 25, after ng opening ni Papa [Willie Revillame's show, Willing Willie sa TV5]. Pagkatapos no'n pupunta ako ng Brussels [Belgium] for the Film Festival. Tatawid lang ako para sa Donor, yung pelikula ko with Mark Meily," kuwento ni Meryl.

Kasali ang Donor at isa pang 2010 Cinemalaya film na Sigwa sa 37th Brussels International Film Festival na gaganapin sa Brussels,.Belgium on November 2 to 7. (CLICK HERE to read related article.)

FINANCIAL SUPPORT FROM PAPA WILL? Ayaw pa munang magsalita ni Meryl tungkol sa financial support na ibibigay sa kanya ng kanyang amang si Willie para sa nasabing pag-aaral niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, hindi ko pa alam. Kasi ayaw niya akong paalisin, e. Ako naman, kasama na sa pag-alis ko yung pag-i-inquire ng mga grants, scholarships. Kasi titingnan ko how it works. Kung mas makakatipid, mas maganda yun," sabi pa ni Meryll.

Bakit kailangang magtipid samantalang mayaman ang kanyang Papa Willie?

"Kasi ayoko namang humingi sa kanya nang humingi ng pang-doon... Ewan ko! Wala lang," may pagkailang na banggit ni Meryll.

Hindi ba nag-offer ang papa niya na ito na lang ang tutustos sa pag-aaral niya sa London?

"Hindi naman," mabilis na tugon ng indie films actress. "Ang in-offer niya, sagot raw niya lahat ng film festivals. Lahat ng tickets ko [airfare] pag film festival. Tuwang-tuwa naman ako dahil pangarap ko rin yun. Hello! Mag-gown kaya?" excited niyang sabi.

Aminado naman si Meryl na may kamahalan ang magagastos niya para sa kanyang pag-aaral abroad.

"Oo nga e, kaya nga kailangan kong mag-work, work, work!" diin ni Meryl kasunod ng pagpapaalala namin sa kanyang maliit lang yun sa yaman ng kanyang Papa Willie.

"Kung gagawin niya yun nang kusa, okey sa akin. Pero kung hihingiin ko? Nahihiya ako. Kasi nung last time, hindi ako natuloy. Ayaw kong maulit yun. Na-trauma... Na-trauma ba ako? Ha-ha-ha-ha! Di ba 18 ako that time? London din sana yun or New York.

"Ayaw talaga niya ako paalisin, gusto niya dito lang ako. Feeling niya hindi na ako babalik," kuwento pa ni Meryll.

LEAVING LITTLE ELI. Naiisip pa lang niyang maiiwan ang anak niya dito sa Pinas na si Eli (short for Elijah), nagsisimula nang malungkot si Meryl.

"Oo nga, e. Pero iiwan ko naman siya kay Mama [Becbec, ang ina niyang nakakatandang kapatid ni Maricel Soriano]. Pero sana nga yung second year.. .gusto ko lang muna malaman how everything works there. Kung dalhin ko man siya. E, three years na old siya, e. Saka mabilis lang naman yung dalawang taon, di ba?" sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko sana siyang isama!" bulalas na asam ni Meryl. "Pero parang hindi na kaya ng expenses ko, ang mahal-mahal na!"

Maliban sa pag-aaral, gusto ni Meryl na pumasok munang intern sa isang industrial product design company. Kung hindi raw siya magkakaroon ng chance, hahanap siya ng paraang makapagtrabaho, dahil may 20 hours siyang free para makapagtrabaho.

"Excited akong mag-work. Gusto kong mag-work sa isang bookstore, kasi paborito ko yun, e."

Posible bang iwanan muna niya ang pag-arte kung palaring gumanda ang kalagayan niya sa London?

"Oo. Kasi ang gusto ko lang talaga umarte sa pelikula. Yun talaga ang medium ko, e. So, parang ganon, in the meantime," saad pa niya.

NO LOVELIFE FOR NOW. Inamin ni Meryl sa TV5 showbiz talk show na Paparazzi last Sunday ang pakikipag-break na nito sa kasintahang si Joem Bascon. Aniya, hindi niya kaya ang long-distance love affair at naka-set na siya ng kanyang mga priorities sa buhay.

"I already have my priorities. Kumbaga, after ng mga nangyari sa aking katangahan noon, alam ko kung ano yung mga priorities ko. Yun ang point ko. Alam naman niya ever since na pangarap ko yun. Hindi pa feasible yung plans. Alam na niya kung ano talaga ang gusto ko.

"E, ako parang maaga pa naman, e. Kumbaga, hindi naman ako yung titira na roon. So, two years lang yun, no!"

Kaya raw ni Meryl na iwan muna ang lovelife para lang sa kanyang pangarap na makapag-aral.

"Kung ang anak ko, e, maiiwan ko, lalake pa? Ano ba? Pero, di ba? I mean, kailangan ko itong gawin for myself. Siyempre, ayoko rin namang hintaying maging mayaman ako dahil mayaman ang papa ko.

"Siyempre, gusto ko may sarili akong ginagawa. Gusto ko maging mayaman ako sa sarili ko. Ma-pride ako, e!" diin pa ni Meryll.

Pinanghinayangan din ni Meryl ang naudlot na pag-alis niya para mag-aral abroad noong dalaga pa siya. Noong hinahanap na raw niya ang Papa Willie niya para nga hingan ng tulong, nawala na ito. Alam naman daw kasi niyang ayaw talaga ng Papa Willie niya na umalis siya ng Pinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang yun, I think that was a blessing in disguise, sabi nga nila. Kasi nga parang hindi pa rin ako ready that time. I would have been a different person back then than right now na mas focused," paliwanag pa niya.

ACTING IN LONDON. Isa rin sa naiisip ni Meryl ang i-showcase ang kanyang acting talent sa London.

"Bakit naman hindi, di ba? Gusto ko nga every weekend mag-intensive weekend class nila roon ng mga acting. Kasi nga pag hindi ako nakapasa sa art school, magda-drama school na lang ako. Yung portfolio ko buung-buo, di ba? Siguro naman makakakuha akong scholarship sa gano'n," punung-puno ng pag-asang nasambit ni Meryl.

Mga film festivals muna ang pinagkakaabalahan ni Meryl sa kasalukuyan. Isinasantabi muna niya ang paglabas sa mga TV drama series.

"In reality, ayoko na. Pero I know hindi naman mawawala sa sistema ko yun, di ba? 'Saka wala pa akong pera to say na ayoko na. So, kailangan kong mag-work."

RELATIONSHIP WITH ABS-CBN. Karamihan ng proyekto sa TV ni Meryl ay sa ABS-CBN na mistulang home studio na niya. Hindi ba siya nag-aalala na maka-receive ng "cold treatment" mula rito, dahil sa kasalukuyang conflict nito sa Papa Willie niya?

"Actually, hindi naman yun talaga ang home studio ko, dahil wala naman akong studio. Freelance ako ever since. Wala akong network na doon ako nakakontrata, per project ako. So, I don't mind kung meron silang cold treatment sa akin, because, you know, really, naiintindihan ko kung sakaling gawin nila yun sa akin. Pero it doesn't bother me," kibit-balikat niya.

Pero may in-offer nga bang TV series sa kanya ang Kapamilya network?

"Dapat yata Mara Clara. Yung nanay ni Mara, yung mabait. Pero this was happening nung time ni Papa sa network.

"I don't think na magandang tignan. Alam mo yun? Sa gitna na nagdedemandahan sila sa isa't isa, nandoon ako. Ako na ang tumanggi. Respeto ko yun sa papa ko. Alam mo yun? Pangit naman talagang tingnan," paliwanag ni Meryll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi pa muna ako tatanggap ng kahit na anong work sa ABS-CBN 2. My loyalty is with my father. Okey lang kung sa TV5 or GMA-7. Work is work. As of now na may emotions pang involved, ang hirap namang saktan ang papa ko, e."

STRESS-FREE WILLIE. Natutuwa naman si Meryl sa magandang kundisyon ngayon ng kanyang ama.

"Naku, masaya siya, mataba nga, e. Sabi ko nga magpapayat ka naman. Excited siya. Grabe!" natatawa niyang kuwento.

"Madalas kaming magkita. Sobra. Pinupuntahan ko siya sa bahay at saka si Eli, gustung-gusto niya yung anak ko, yung apo niya. Sobra! Aliw na aliw siya. Feeling niya laruan niya si Eli.

"Sinasabi niya roon na raw kami matulog sa bahay niya. Sabi ko, 'Pa! Ano ka ba? Hindi puwede yun, no?' Sinasabi nga niya, 'Tabi tayo, Eli, matulog.'

"Tanong ko sa kanya, 'Kaya mo bang magpalit ng diaper?' 'Ay, hindi! hindi! Sige, okey lang' [sagot ni Willie]. Pero natutulog kami sa bahay niya. Nagsu-swimming kami.

"Nagkaroon kami ng bonding ngayon, after nung Wowowee. Kasi may time na siya, 'tapos wala nang masyadong stress. Nakakapagpahinga na kasi siya. Kapag pinupuntahan ko siya, hindi na mainit ang ulo niya.

"Nung nasa Wowowee siya, grabe talaga yung stress sa kanya no'n. So, after no'n, lagi kaming nagkikita, okey na okey kami ngayon.

"Hindi naman kami nag-aaway. Noon, hindi lang talaga kami nagkakaintindihan nung mga panahong yun. Wala pa kasing basehan kung paano kami sa isa't isa.

"Pero ngayon dahil naiintindihan ko na, sobrang saya ko, actually. Sobrang saya ko." nakangiti pa niyang sambit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN