Paolo Contis says there's no reason why he will not end up with partner Lian Paz

"You have a great partner. Inaalagaan ako. Nakita ko kung paano alagaan ang anak ko. So, walang rason para hindi si Lian. Mahal na mahal niya ako. Mahal na mahal niya ang anak ko," says Paolo Contis about partner Lian Paz.


Hindi pa sigurado si Paolo Contis kung kontrabidang-kontrabida ang role niya sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Little Star. Sa umpisa daw kasi ay mabait naman ang character niya.

"Pero alam ko, ang pagka-bad ko, unlike yung panggabi mong trabaho na killer, action-star, bad. 'Eto, medyo dramatic. Nakaka-isang taping pa lang ako kaya hindi ko pa masyadong alam.

"Pero ano siya, kumbaga, sakim lang ako sa pera, mataas ang pangarap ko. Yun lang naman kaya ako gagawa ng bad," paglalarawan ni Paolo sa kanyang role sa presscon ng Little Star kagabi, October 21.

Sabi ni Paolo, kaya siguro ibinigay sa kanya ng GMA-7 ang Little Star dahil baka matagalan pa ang next project niya at next year na ito sisimulan.

PAPA PAOLO. Bilang ama naman sa anak nila ni Lian Paz na si Xonia Aitana, sinabi ni Paolo na sobrang hands-on siya. Madalas nga raw ay isinasama niya ang anak sa taping dahil hindi raw niya ito matagalang iwan.

"Kapag taping ko ng Show Me Da Manny, kasama ko. Noong pilot taping ko lang ng Little Star hindi kasama kasi kailangan ko pang pag-aralan yung lugar [location]," banggit ng aktor.

Bakit kailangan talaga niyang isama ang anak?

"Nami-miss ko kasi," sagot ni Paolo. "At saka medyo daddy's girl siya. At saka, sabi ko sa kanila, baka mamaya magsalita, wala ako, mami-miss ko. So, sorry kayo! Kapag nagti-taping ako, sa akin siya.

"Pero dito sa soap, baka hindi. Kasi more on squatter area, tapos meron akong kulungan. So, baka hindi ko rin maisama."

Mag-e-eight months na raw si Xonia. Very proud ngang ipinakita ni Paolo sa PEP ang picture ng anak sa kanyang cell phone.

"Nakakaloko ang anak ko! Ang ganda ng anak ko. Saan kayo nakakita ng ganyang bata?" pagmamalaki pa niya sa anak.

LIAN IS THE ONE. Very proud din naman si Paolo sa kanyang partner na si Lian. Kung hands-on man siya kay Xonia, gano'n din daw si Lian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Super hands-on yun. Pero selosa ang anak ko, e. Gusto ako, e. Pero hands-on siya sa anak ko, sobra."

Hindi naman kaya dahil tutok na tutok na ang atensiyon niya sa anak, nagkukulang naman siya ng time for Lian?

"A, hindi," sabi ni Paolo. "We make it a point na kaming dalawa lang. Ginagawa namin yun. Siyempre, nagta-travel kami with baby. Pero yung mga date-date, puwede namang iwan sa bahay."

Naikuwento rin ni Pao sa PEP na normal naman daw na nade-delay ang monthly period ni Lian, pero hindi raw ibig sabihin na masusundan na agad si Xonia.

"E, normal naman na nade-delay kasi nga, breastfeeding siya."

Yung wedding, napag-uusapan na ba nila?

"Malapit na yun...malapit na," sambit ni Paolo. "Sabi ko nga, kapag nakapaglakad na yun, e, di ano, tingnan natin."

Pero sigurado na ba siya na si Lian na talaga ang gusto niyang makasama habambuhay?

"Yes, we're on the process of saving. We're on the process of building the house. Gusto namin na mauna na ang bahay. Kumbaga, sa wedding namin, nandiyan na yun. Nandiyan na ang lahat. Uuwi na lang kami after ng kasal."

Ayon kay Paolo, nang dumating sa buhay nila ang anak na si Xonia, mas lalo silang naging "sure" sa isa't isa ni Lian.

"Yes, because what's the point of... I mean, anong rason? You have a great partner. Inaalagaan ako. Nakita ko kung paano alagaan ang anak ko.

"So, walang rason para hindi si Lian. Mahal na mahal niya ako. Mahal na mahal niya ang anak ko," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN