Claudine Barretto on Martin Castro issue: "Sana tapos na."

Claudine Barretto, a special guest during the 15th anniversary of Startalk TX, confirms she will appear in a movie with ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez.


Isang masayang Claudine Barretto ang bumungad sa Startalk TX noong Sabado, October 23, which also celebrated its 15th anniversary.

Nagkuwento ang aktres tungkol sa kasal ng kanyang best friend na si Jenny Miller.

Proud si Claudine sa kanyang pagtayo bilang ninang for Jenny and Jenny's husband Cupid Feril.

"Ninang, pero naka-ano," natatawang bungad ng aktres, referring to her short white cocktail dress.

"Oo, parang bagets na ninang," sabi pa niya.

Ibinalita rin ni Claudine na hindi sa telebisyon matatapos ang pagsasama nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez dahil magtatambal rin ang dalawa sa pelikula.

"Malapit na yung movie namin [ni Markl]. It will start this November," pagkukumpirma ng aktres.

ON MARTIN ISSUE. Samantala, kinumusta ng Startalk ang damdamin ni Claudine sa isyung namagitan sa kanila ng dating kaibigang si Angelica Panganiban na nauwi sa maaanghang na palitan ng mga salita ng magkabilang kampo.

Kung matatandaan, si Angelica ang umano'y natukoy ni Claudine na pinagmulan ng isyung na-involve daw si Claudine sa isang Martin Castro, na matalik na kaibigan ng nobyo ni Angelica na si Derek Ramsay.

In her interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) last month, sinabi ni Claudine, na kasal sa aktor na si Raymart Santiago, na ang pakay ni Angelica ay sirain ang pagkakaibigan ng boyfriend nitong si Derek at ng non-showbiz guy na si Martin.

Dagdag pa niya in that interview, Angelica told dinner guests that Claudine's sister Gretchen Barretto reportedly was giving expensive gifts to Angelica's boyfriend Derek.

Ngunit nang makausap ng PEP ang asawa ni Martin Castro, na si Cris, diretsang sinabi nitong walang ganoong ikinakalat si Angelica. Nalaman nga lang daw niya na may ganoong tsismis kay Claudine na rin, na nagsusumbong sa kaniya. Hindi naniniwala si Cris na may anumang sinabi si Angelica sapagkat siya ang nag-host sa dinner party na tinutukoy ni Claudine na pinagmulan ng usap-usapan, at wala raw itong narinig ni anuman kay Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa StarTalk, ang naging reaksyon ni Claudine, na ngayon pa lang harapang natanong ukol sa isyu, ay pagtawa lamang.

"Si Raymart na lang ang sasagot," tanging nasambit ng aktres habang natatawa.

At ang naging simpleng pahayag ng mister ni Claudine, tungkol sa isyu ay...

"Matagal na... actually matagal na iyon kumbaga, sana tapos na."

DEREK REACTS. Sa isang event naman, nagbigay ng kanyang pahayag si Derek sa Startalk TX.

"The last time nag-usap kami ni Raymart was a while back, but when we spoke, we're okay and we're quiet already, you know.

"And I don't really know much about... I don't wanna say anything about what happened, but I think it's all settled already and it's all good.

"So far nothing's going on so I hope it stays that way."

Ayon naman kay Claudine...

"Sana, sana tapos na.

"Pero habang may buhay, may problema na naman e. So it's how you handle yourself and the problems, siyempre."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN