Phillip Salvador cries foul over smear campaign against him

May 9, 2016
<p>Ikinagulat ng aktor na si Phillip Salvador nang makita mismo na nakasulat sa blackboard ng kanyang voting precinct na diskwalipikado na raw siya sa vice-gubernatorial race sa Bulacan.</p>

Kinumpirma ni Phillip Salvador sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balita tungkol sa smear campaign laban sa kanya na nangyari ngayong umaga, May 9 sa voting precinct 275A  Sta. Rosa Dos, Marilao, Bulacan.

Pinatotohanan ni Phillip ang balitang siya mismo ang nakabasa sa nakasulat sa blackboard nga huwag siyang iboto dahil disqualified siya sa vice-gubernatorial race sa lalawigan ng Bulacan.

“Nagsimula ang botohan ng ala-sais ng umaga at nagpunta ako sa voting precinct ng 9 A.M.

“Isipin mo na lang kung ilan na ang mga bumoto at pinaniwala na disqualified ako,” pahayag ng aktor.

Kumalat ang balitang disqualified na ang aktor dahil hindi naman daw totoong taga-Bulacan siya.

Nanindigan si Phillip na residente siya ng Bulacan dahil tagaroon ang kanyang pumanaw na ina.

Pinatotohanan naman ni Atty. Cristine Ruflo ang kuwento ni Phillip dahil nakita rin niya ang nakasulat sa blackboard.

“Tinanong namin ang lahat ng nasa loob ng voting precinct kung sino ang nagsulat sa blackboard na disqualified si Phillip, pero walang nagsalita sa kanila.

Continue reading below ↓

“Pati ang mga member doon ng Board of Election Inspectors [BEI], they are one and the same na walang masabi,” sabi ni Atty. Ruflo.

Kinunan ni Atty. Ruflo ng litrato ang nakasulat sa blackboard para may hawak silang ebidensiya.

Read Next
Read More Stories About
Phillip Salvador
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Ikinagulat ng aktor na si Phillip Salvador nang makita mismo na nakasulat sa blackboard ng kanyang voting precinct na diskwalipikado na raw siya sa vice-gubernatorial race sa Bulacan.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results