Nonoy Zuñiga on hosting a noontime show: "Parang nasa dream ako..."

"Even before sumampa kami sa Win Na Win, yung camaraderie naming apat, talagang solid. Kasi we've been together for eight years. Nag-train kami, tapos ito pala ang kalalabasan noon. Magkakaroon pala kami ng chance to host a show, kaming apat," says Nonoy Zuñiga about hosting Pilipinas, Win Na Win with his fellow Hitmakers.


Isang malaking hamon kay Nonoy Zuñiga ang pagkakapili sa kanya para maging isa sa main hosts ng Pilipinas, Win Na Win! ng ABS-CBN, kasama ang fellow Hitmakers niyang sina Rico J. Puno, Rey Valera, at Marco Sison.

Sila ang pumalit sa dating main hosts ng programa na sina Kris Aquino at Robin Padilla, na pareho nang iniwan ang magta-tatlong buwan pa lamang na noontime show.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nonoy matapos ang live telecast ng Win Na Win noong Biyernes, October 22, sa ABS-CBN compound.

Ayon sa balladeer, hindi siya makapaniwala nang una niyang malaman na gusto ng Kapamilya network na bigyan ng chance ang Hitmakers na maging hosts ng isang noontime show.

Even in his wildest dreams daw, di sumagi sa isip ni Nonoy na magkakaroon pa siya ng chance to host a noontime show. Ang naiisip lang niya ay mag-host ng isang musical talent show o ng isang singing contest, o kaya naman ay isang game show o quiz show.

"Of course, I was surprised kasi hindi naman ito solo stint kundi ang Hitmakers naman ang kinukuha nila. So, why not? Blessing pa rin naman ito," wika ng singer.

HOSTING A NOONTIME SHOW. Hindi naman bago kay Nonoy ang hosting. Ilang taon din siyang co-host ng public service show na Kapwa Ko Mahal Ko sa GMA-7. Pero kung pormal ang hosting sa nasabing public service show, ibang-iba naman ang naranasan ni Nonoy sa Pilipinas, Win Na Win!.

"Itong Win Na Win is an entertainment show, tapos sa tanghalian pa ipinapalabas. Iba ang energy level, pero kailangan ko pa rin mag-adjust nang konti bilang host ng Win Na Win.

"Noong una ay talagang parang nasa dream ako. Noong unang salang ko sa Win Na Win, para akong lumulutang. Hindi ko alam... 'Totoo ba ito? Nangyayari ba ito talaga?' Ganoon ang feeling ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, tamang-tama, galing ako ng abroad. So, may jetlag pa. Pero pagdating namin, meeting agad about the show. Right after the meeting, dry run na kami agad. Tapos, diretso na sa show.

"Kaya medyo nahirapan kaming mag-adjust. Nasa period of adjustment pa rin ako, pero konti na lang," lahad ni Nonoy.

Does he feel the pressure taking over the slot vacated by Kris Aquino?

"Hindi naman," sagot ni Nonoy. "Kris has her own style. Kami naman, we are a group na all-male.

"Medyo mas iba rin ang jokes namin dito sa Win Na Win compared sa mga live performances namin. Dapat pampamilya ang mga jokes namin. Tame dapat kasi maraming batang nanonood, saka ang MTRCB ay nanonood.

"Pero mabuti 'yon kasi natututo kami. We have to be careful with what we say. Pag live performance, iba rin kasi ang banat ng jokes. Kasi adults naman ang audience sa live performances namin, unlike dito sa noontime show na ginagawa namin ngayon."

Impressed din si Nonoy sa masayang audience ng Win Na Win at naaalala niya ang Wowowee kung saan ilang beses din nakapag-guest ang Hitmakers.

Feel na feel din nila ang energy level nito. Kaya naman ganun kasarap ang kanilang pakiramdam doing Win Na Win dahil mataas din ang energy ng audience.

"Since naumpisahan na, dapat mataas ang energy level sa show, kaya ganoon din dapat ang gawin namin para masaya ang show. Pero wala naman sa plano namin na one day ay maging host ng isang noontime show. Although ang wish namin dati ay maging guest hosts, we didn't imagine na magiging host nga kami ng isang noontime show," pahayag ni Nonoy.

NO PRESSURE. Ayon pa sa singing doctor, ayaw nilang i-pressure ang kanilang sarili na mapataas ang rating ng Win Na Win.

"Hindi naman talaga pressure. We just try to enjoy what we are doing and improve more on areas that we are not really strong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When we are performing, kayang-kaya na namin 'yan. Pero pagdating sa hosting, we need to improve.

"Siguro kailangan din na maging mas maging interesting ang games, mas masaya at mas malaki ang prizes. 'Pag nag-jive lahat 'yan, ang ganda-ganda ng show talaga," sabi niya.

Kaya naman daw every day ay nag-a-adjust silang apat dahil sa bawat araw na dumarating ay may pagbabagong ginagawa to improve the show. Kaya tinitingnan din nila kung ano ang right combination pagdating sa hosting at pagbabato ng jokes.

Wish ni Nonoy na ma-institutionalize ang Pilipinas, Win Na Win! at maging isang-family oriented show na may games at musical segments.

"Ngayon kasi ang mga shows, puro games. Pero dahil kumakanta kami sa show, 'yon ang kaibahan namin sa ibang game shows na napapanood sa TV. Kasi dito sa Win Na Win, may live singing," wika niya.

WAKING UP EARLY. Isang major adjustment daw na ginawa ni Nonoy ay ang gumising nang maaga para makarating on time sa Win Na Win.

"Dati, we are night people, lahat kami," banggit niya. "Pinakamaagang tulog namin ay 2 or 3 a.m. Ngayon, nag-adjust kami kasi we had to change our lifestyle. Hindi na kami puwedeng magpuyat.

"Natutulog na kami nang maaga, mga 12 midnight, so we can wake up at 6 a.m. Pero mahirap din matulog ng ganoong oras kasi minsan pagdating ng 3 a.m., nagigising ka na. Sana lang ay makatulog kami ng six hours straight. Kung wala kaming bonding sa bar ni Rico, kung saan we share our ideas, maaga na kami umuuwi.

"Sacrifice din yung mag-Internet ka sa madaling-araw kasi hindi ka puwede mapuyat kasi may trabaho ng tanghali. Huwag na muna mag-Facebook para magbasa ng comments ng mga tao. Nabawasan na rin ito pati ang pakikipag-usap sa friends sa madaling araw."

Pero okay lang daw ang adjustment na kanilang ginawa for the sake of their show kasi para rin naman ito sa kanilang ikabubuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What is important is that we are enjoying what we are doing," sabi ni Nonoy.

MOST FULFILLING PART. Ano ang most fulfilling part of being in Win Na Win?

"Being able to entertain the people in the studio and in the world," sagot ni Nonoy. "Kasi, di ba, napapanood ang Win Na Win sa abroad?

"Even before sumampa kami sa Win Na Win, yung camaraderie naming apat, talagang solid. Kasi we've been together for eight years.

"Nag-train kami, tapos ito pala ang kalalabasan noon. Magkakaroon pala kami ng chance to host a show, kaming apat. Iyon ang isa sa pinakamagandang nagagawa namin as a group ngayon."

Pero inamin din ni Nonoy na wala silang kontrata sa ABS-CBN for their stint sa Win Na Win. Kaya pakiramdam daw nila ay nakatali sila sa isang string at any moment ay puwede silang bitawan kung sakaling hindi nila naitaas ang rating ng show, o kung hindi sila nagustuhan ng mga tao, o hindi nila na-meet ang expectations ng mga bosses ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN