Boy Abunda confirms Kris Aquino's upcoming project with GMA Films; says he and Kris have long talks every day

Does Boy Abunda miss Kris Aquino, who used to be his co-host in The Buzz?

His reply: "Oo naman...I mean, we've been doing this for so long. Pero araw-araw naman kaming magkausap din."


Si Boy Abunda mismo ang nagbalita na tuloy ang paggawa ni Kris Aquino, isang ABS-CBN talent, ng pelikula sa ilalim ng GMA Films, ang film arm ng karibal na network. Pero nilinaw nitong hindi siya ang nagha-handle ng mga pelikula ni Kris.

"I don't know the details 'cause I don't handle the movies. I handle the commercials of Kris," ang bungad ng host/talent manager/columnist sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Dagdag niya, "Of course, alam ko, nakipag-meeting, alam kong gagawa, pero hindi ko alam ang detalye...But well, sa films, oo...yung Dalaw, a co-production between Star Cinema and Cine Media [of Deo Endrinal]. Ang ganda-ganda ng kuwento!"

Nagawi ang usapan sa personal na buhay ni Kris. Bilang kaibigan at manager ng bunsong kapatid ni Presidente Noynoy Aquino, ano na ang estado ng pakikipaghiwalay nito sa cager na si James Yap?

"It's hard," sagot ng The Buzz host. "I mean, I don't know. It's medyo tahimik. It's with the lawyers...It's never easy. Even for James."

At sa panahong ito, he makes it a point to talk to his friend daily.

Aniya pa, "Separation is always hard lalo na 'pag may naiipit na bata [Baby James or Bimby] in the middle. Mahirap 'yon.

"But we talk every day, kung anu-ano...Sabi ko nga, hindi na tayo magkasama sa show pero, ang haba [ng usapan], every day! We talk about, you know, our contracts, maraming mga bagay-bagay."

BEST EMCEE AND TEACHER. Sa naganap na 23rd Aliw Awards noong October 19 sa Manila Hotel Ballroom, nagwagi si Boy bilang Best Emcee.

Hindi nakadalo sa gabi ng parangal si Boy kaya ang tumanggap ng trophy para sa kanya ay isang kaibigang nagngangalang Ryan.

Ang sabat ni Boy, "Nagpapasalamat ako kay Ryan, but I wasn't able to go 'cause I was shooting for a commercial."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi lang ang parangal na ito ang maituturing niyang magandang regalo para sa kanyang kaarawan ngayong araw, October 29.

Isa ring achievement para sa kanya ang citation na nakuha bilang propesor sa College of Mass Communications ng Philippine Women's University (PWU). Radio and Television Principles and Practices ang subject na kanyang itinuturo.

Nasa Top 4 ang Kapamilya celebrity sa overall Top 10 Faculty in Student Evaluation para sa unang trimester. Nagtamo si Boy ng grado na 4.88, with 5 being the highest. Mahigit 129 faculty members raw ang isinailalim sa evaluation.

"Ang sarap namang pakinggan," ang sambit ng 55-year-old host. "At ako talaga ang pumuri sa aking sarili!"

NO SHOWBIZ TALK. Bilang isang guro, isinasantabi raw ni Boy ang kanyang buhay showbiz sa tuwing nagtuturo siya sa klase.

Ang kuwento niya, "Hindi kami nag-uusap...Wala naman sa mga estudyanteng nagsasabing, 'Sir, gano'n-gano'n...Wala!' We really talk about radio and television, kasi 'pag klase, klase talaga!

"Ang nire-require ko lang sa mga estudyante ko, dapat, handa sila na pumupunta sa klase ko at dapat nakikinig. Pero okay lang sa akin 'pag sinabi ng estudyante, 'Sir, hindi ko kaya...' Okay sa akin 'yon."

Ano yung mga ayaw niya sa isang estudyante?

"Ayoko ng nagdudunung-dunungan," ang mabilis nitong sagot. "O kaya, nakikipagdaldalan habang nagkaklase. Pero sinasabi ko nang deretsahan, 'You listen to the lecture, mahalaga ang aking oras!'

"Hindi ako nambabagsak, pero suwerte rin ako sa kanila. Yung first class ko, okay sila. Magagaling. At saka, at the end of the course, yung first course ko, mga nagsasalita. Okay sila, magagaling!"

POTENTIAL BOY ABUNDA. Sa kanyang mga estudyante, may nakikita ba siyang susunod sa kanyang mga yapak bilang TV entertainment host?

"Kung maaari..." ani Boy. "Ako ba naman, nung estudyante ako, pag-iisipan mo ba naman akong maging TV host, di ba? Anything is possible."

Ang pagiging entertainment writer-publicist ang naging daan upang marating ni Boy Abunda ang estado niya ngayon bilang TV host/ endorser. At ito raw ang rason kung bakit hindi pa rin niya maiwan-iwan ang pagsusulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kahit abala sa maraming bagay, "sinisikap" niyang magsulat, pagtukoy pa niya.

"Yun nga ang frustration ko ngayon, because I'm not able to write as much as I'd like to. Kasi, thesis pa lang, grabe! Hindi naman mahirap isulat yung tungkol sa sasabihin mo, pero yung format ng thesis, ang hirap talaga!

"Phenomenology ang aking research—either that or attribution. Actually, I finished the first three chapters already. Yung first three chapters na ito, isa-submit mo ito ngayon sa adviser mo.

"Magnu-notes ngayon ang adviser mo before you proceed to data gathering and to your conclusions. Five portions 'yan, e.

"Diyos ko, para talagang lumuluhod na ako! Yung defense, wala akong problema doon. Yung writing talaga ang mahirap," ang sabi pa ni Boy.

Ang target ng tinaguriang King of Talk ay matapos ang kanyang master's degree sa International Relations on Public Diplomacy sa taong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN