Survivor Philippines: Palau alumna Jef Gaitan loses boyfriend Marvin Kiefer; now seen often with singer Mark Bautista

"We go to church together. Kasi nagkasama po kami sa workshop ng Viva. And then na-open up ko sa kanya na, I am a Christian, but wala na 'kong chance to go to church. So, he invited me [to his church]. But... I don't think we're dating. I don't think may panliligaw na," says Jef Gaitan about being seen often with singer Mark Bautista.


Hindi pa man siya nakakasali sa Survivor Philippines: Palau, Viva Artist Agency (VAA) talent na si Jef Gaitan. Dati pa nga raw siyang member ng VAA-managed group na Eurasia, ang all-girl singing group na binubuo ng naggagandahang babae na may model-look.

"And then, dumating nga yung Survivor Philippines. So, sumali muna 'ko dun," simulang kuwento ni Jef sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang miyembro ng press na umiinterbyu sa kanya sa pocket presscon na inihanda ng VAA.

Kasama si Jef sa limang bagong VAA female talents na kinabibilangan nina Jill Yulo, Zyrene Parsad, Sam Pinto, at Meg Imperial na ipinakilala sa media. Naganap ang presscon sa Jay Jay's Steak House sa Timog, Quezon City nung Miyerkules, October 27.

WHERE IS MARVIN? Pero bago pa man makapagbigay ng karagdagang tanong ang press, kinumusta muna kay Jef si Marvin Kiefer, ang kasamahan niya dati sa Survivor Philippines: Palau na naging boyfriend niya.

"Wala na po. Break na po kami," ang medyo nahihiya pang tugon ni Jef sa mga nagtanong.

Nagtaka tuloy ang mga naroong kausap ni Jef dahil nang huling makita silang magkasama ay sweet na sweet pa sila.

"E, gano'n po, e... Wala pong third party. We just need time apart...na nadagdagan pa ng mas mahabang time, hanggang sa nawala na talaga, ha-ha-ha," natatawang sabi ni Jef.

Bandang April or May raw sila nagkahiwalay ni Marvin, at sa ngayon, ayaw na raw muna niyang magka-boyfriend para mag-concentrate sa kanyang career.

SEEN WITH MARK. Pero ano itong mga "sightings" sa kanya at ng singer na si Mark Bautista?

"Hoy..! Saan nyo po nakita? Ang bilis naman ng tsismis!" ang medyo gulat na reaksyon ni Jef nang hiritan siya na nakikita silang magkasama ng male singer.

Mabilis namang nilinaw ni Jef na hindi nanliligaw sa kanya si Mark.

"Nakakahiya naman sa kanya," sabi pa niya. "We go to church together. Kasi nagkasama po kami sa workshop ng Viva. And then na-open up ko sa kanya na I am a Christian, but wala na 'kong chance to go to church.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So he invited me [to his church]. And since then I think, slowly, nandun pa rin kami sa process of getting to know each other. But... I don't think we're dating. I don't think may panliligaw na."

Miyembro ng Victory Christian Fellowship si Mark, kunsaan miyembro rin ang iba pang mga showbiz personalities tulad nina Piolo Pascual, Sam Milby, Toni Gonzaga, Rica Peralejo, Carmi Martin, at Connie Reyes.

Baka nga raw yung nakikitang magkasama sila ni Mark ay kapag uma-attend lang sila ng church service.

Pero kung manliligaw nga sa kanya si Mark, may pag-asa ba?

"Mark is a good guy. I would want to get to know him more. Yung closeness, nandodoon. Pero kung sa love... Pahinga na po muna tayo sa love.

"Ang maganda lang kasi ngayon with Mark, he's also a Christian. So, talagang magkasundo po kami," sagot ni Jef.

FEWER LIMITATIONS NOW. Sa usaping career naman, ine-explore pa raw niya at ng Viva kung saan siya ilulugar.

Pero, ang sigurado, dahil sa paglabas niya sa October issue ng FHM Philippines—kunsaan kasama niya sa cover ang Pinoy Big Brother Season 2 alumna na si Wendy Valdez—mas nadagdagan na raw ang puwede niyang gawin.

Hindi na lang siya ngayon pang-wholesome roles.

"Puwede na rin po akong magpakita ng kahit konting skin, but not too much na bold-bold. Pero at least, yung limitation ko, nabawasan," nakangiting sabi ni Jef.

Okey lang din daw sa kanya kung mailagay siya sa kontrabida roles. "Wala pong problema. Basta trabaho, trabaho lang po."

Sa ngayon, bukod sa pagkakalagay sa cover ng FHM, halos every Sunday ay nasa Party Pilipinas si Jef.

Pero ang rebelasyon ng Survivor Philippines: Palau third placer, may sorpresang dapat daw na abangan mula sa kanya.

"Basta po. Itong November po siya lalabas," pahaging ni Jef.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN