Indie film actor Rocky Salumbides confirms he has nude photos on the Internet; says he posed naked in 2004 for a good cause

Indie film actor Rocky Salumbides, who is now part of ABS-CBN's teleserye Imortal, confirms he has nude photos circulating on the Internet. But he says the nude photos were from an exhibit he did back in 2004 for a Hong Kong-based photographer who was raising funds for tsunami victims.


Matapos magmarka sa dalawang gay-themed indie movies—ang Muli ni Adolf Alix Jr., at ang soon-to-be shown commercially na Tarima ni Neal Tan—abala naman ngayon si Rocky Salumbides sa teleseryeng Imortal ng ABS-CBN.

"Isa po ako sa mga bampira," banggit ni Rocky sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Ang nasabing teleserye, kung saan madalas niyang kaeksena ang baguhan ding aktres na si Maricar Reyes, ang halos pumupuno ng schedule ni Rocky sa buong isang linggo.

Mahigpit daw ang network sa work schedules, ayon pa sa actor-boyfriend ni Eula Valdez.

"Sobrang higpit po," sabi pa ni Rocky. "Alam mo naman sa ABS kung gaano sila kapulidong magtrabaho, di ba, kung gaano katagal yung taping?

"Minsan, kinabukasan na natatapos. E, bago lang ako sa ganyang trabaho. So, sinasanay ko talaga yung sarili ko sa puyat. Kinabukasan, konting tulog lang, bangon agad."

M-W-F (Mondays, Wednesdays, Fridays) ang taping schedules ni Rocky sa Imortal.

"Minsan, inaabot nang kinabukasan," pagtukoy pa niya. "So, yung tulog mo... at paggising mo, kinabukasan, call time na! Bampira ako dito. Yung ngipin ko, tumutulis! Sana matuwa rin sila, pag napanood nila yung mga eksena namin," pag-asam pa ni Rocky.

ON SEXY ROLES FOR MOVIES. Bilang isang sexy actor naipakilala si Rocky nitong taong ito.

Sa Muli ay mayroon siyang dalawang sexy exposures: isang bed scene with Sid, Lucero bilang gay lover; at isang shower scene, na kita ang buttocks ni Rocky.

Sa Tarima ay higit pa ang kanyang sexy exposures: isang shower scene na kitang muli ang kanyang buttocks; at isang mahabang love scene sa "tarima," na hubo't hubad silang pareho ni Fanny Serrano.

Ang tarima ay ang higaan, o silid, na gamit sa pagtatalik tuwing may conjugal visit sa loob ng isang city jail.

"Depende naman sa ikot ng istorya ng pelikula," katuwiran ni Rocky tungkol sa kanyang paghuhubad. "Meron namang iba, na kahit hindi ka naghubad e malaswa tingnan, dahil malaswa yung istorya. Yung gustong ipahiwatig."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rocky tungkol sa Tarima, "Dito, nung ni-review namin yung script, saka nung nag-meeting kami nina Direk, kinausap naman nila ako kung paanong atake ang dapat na gawin. So, yun yung pinaghandaan namin talaga."

Dagdag niya, "Kasi ang palabas na ito is about forgiveness, at love, di ba?"

Gumanap si Rocky bilang Bryan, ang "love interest" ni Roselo, ang gay character ni Fanny sa Tarima.

"Hindi naman siya bading," sabi pa ni Rocky tungkol kay Bryan. "May asawa't anak siya. Kumbaga, sinuklian niya ng pagmamahal yung tulong ni Roselo. Yun ang nangyari."

MISSING THE CATWALK. Nagpapasalamat si Rocky na maganda ang dalawa niyang exposure sa nabanggit na indie movies. Pero wala pa raw immediate followup sa mga ito.

"Ang plano ko po, sakaling matapos ako sa Imortal, plano ko lang, o option, na mag-abroad. Mag-model uli.

"Parang gusto ko pong rumampa... nami-miss kong maglakad ng catwalk! Yan talaga ang trabaho ko.

"Nakapag-Milan [Italy] ako, Asia, Hong Kong, China, Singapore. Yung pinakahuli, Cape Town, sa Africa," bida pa ni Rocky.

Masaya raw ang buhay-modelo, pero iba pa rin daw ang klase nang saya na kumikita ka nang mas malaki.

"Masaya din naman ako dito [sa showbiz], kasi continuous ang income. Yun ang importante, e. Masaya, 'tapos, may kinikita ka. Hindi yung masaya ka lang, na magugutom ka naman, kinabukasan."

ON ROCKY'S NUDE PHOTOS. Kamakailan ay nabalita ang tungkol sa nude photos ni Rocky na nag-circulate sa Internet.

"Ah, yung ano ho yun... nude po. Totohanan po yun," pag-amin naman ng baguhang aktor. "Parte po yun ng charity, para sa tsunami victims."

Taong 2004 nang kuhanan daw ang nude photos na iyon ni Rocky. Bahagi raw ito ng paglikom ng pondo para sa mga naging biktima ng nabanggit na catastrophe.

"Art din po yun," katuwiran pa ni Rocky. "Inilabas po ang mga nude photos sa art exhibit ng isang international photographer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hong Kong-based daw ang photographer, at sa opinyon ni Rocky, walang masama sa ginawa niyang paghuhubad.

"Nasa tumitingin na yon kung paano niya i-interpret," sabi pa ni Rocky.

"For art's sake!" sabad namin.

"Correct!" pagsang-ayon naman ni Rocky.

Ang mahalaga raw, walang malisya sa pagtingin ng tao sa hubad na katawan.

"Yun din ang sa akin. Hindi ko na problema kung paano nila titingnan yun," wika pa ng sexy actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN