Vivian Velez on saying Marian Rivera's acting was a disappointment: "May karapatan naman siguro ako dahil pelikula ko yun. Ako ang gumanap dun."

"Opinyon ko lang naman yun. Baka yung iba naman, nagandahan, pero ako, yun lang naman ang sinabi ko. Parang kulang sa anghang," says Vivian Velez about Marian Rivera's acting in the TV remake of the 1980's movie, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, which starred Vivian.


Matapos ang matagal na panahon ng pamamahinga mula sa show business, ngayon ay regular nang napapanood sa Imortal ang tinagurian noong 1970s na "Ms. Body Beautiful"—si Vivian Velez.

Maaaring hindi na maalala ng mga batang movie fans ngayon, ngunit si Vivian ay nagsimula bilang hot at sexy starlet noong bandang 1978.

Mas pinag-uusapan noon ang kanyang love life sa ka-live in na si Rudy Fariñas, na ngayon ay representative ng First District ng Ilocos Norte, kaysa sa kanyang pagganap sa pelikula. At noon ay hinandugan pa si VV, na naging tawag din kay Vivian, ng kanta ni Rico J. Puno, na pinamagatang "Kartada 10," dahil nga sa ganda ng katawan ng aktres.

Sa pagdaan ng mga taon, nahasa na si Vivian sa pagganap. Noong 1984 ay nagkamit na rin ito ng best actress award mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) para sa Pieta (1983 release) at noong 1986 ay isa pang best actress award mula naman sa FAMAS para sa Paradise Inn (1985 release).

Sa kanyang pagbabalik, makikita sa Imortal si Vivian sa papel na Lucille Zaragosa, ang pinakamalakas at mahigpit na pinuno ng mga taong lobo, o tinatawag na Waya.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vivian sa thanksgiving/halloween party ng Imortal sa Fuel Up bar ni Angel Locsin noong Oktubre 24, sinabi nitong matagal na niyang gustong makasama si Angel sa isang proyekto.

Kaya nga raw laking-pasasalamat niya nang mapasama siya sa cast ng Imortal, na pinagbibidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa unang tambalan ng dalawang batang artista.

ON MARIAN RIVERA. Hindi naman nagustuhan ng mga tagahanga ng Kapuso star na si Marian Rivera ang naging pahayag ni Vivian kamakailan.

Lalo na nga't ang itinatapat pa rin ng fans kay Marian ay is Angel at vice versa. (CLICK HERE to read related article)

Sabi kasi ni Vivian, disappointed siya sa naging acting ni Marian sa GMA-7 remake ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ang 1980's movie na pinagbidahan ni Vivian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito nga ang naging kasunod na topic ng PEP kay Vivian nang gabing iyon sa Fuel Up.

"Alam ko, naging issue nga 'yan. Ang daming nagagalit sa akin na Marian fans because of my opinion," saad ni Vivian.

"Alam mo kasi, nag-filmmaking din kasi ako. Nag-aral din ako ng filmmaking for two years. Nakalimutan ko na nasa showbiz pa pala ako.

"Kailangan maging plastic ako. Hindi tamang magbigay ng tamang opinion. Nagkamali ako dun," pauna ni Vivian.

"Ako lang naman, sinasabi ko lang naman kung ano ang opinyon ko, wala naman akong masamang sinabi. May karapatan naman siguro ako dahil pelikula ko yun. Ako ang [unang] gumanap dun.

"Puwede ko naman sigurong sabihin kung nagustuhan ko o hindi.

"Not for anything else, I don't want to hurt anyone. Sana hindi naman siya masaktan kasi nung nag-uumpisa rin naman ako, marami rin naman ang nagsabi sa akin na di ako marunong umarte, but hindi ako nagalit.

"Pinagbuti ko ang craft ko. Sabi ko, I have to prove myself. I think that's the way any other actress or any other actor should take it.

"Opinyon ko lang naman yun. Baka yung iba naman nagandahan, pero ako, yun lang naman ang sinabi ko. Parang kulang sa anghang," pahayag pa ng comebacking actress.

ON ANGEL LOCSIN. Puro magagandang salita naman ang binitiwan ni Vivian para sa lead stars ng Imortal na sina John Lloyd at Angel.

"Talagang masasabi ko na I am so lucky to be working with these people. Kasi isa nga yun sa mga reasons kung bakit ako bumalik. It's because of them—especially, Angel.

"And hindi ako nagkamali, sobra pa yung expectations ko sa mga nakita ko. They really welcomed me at ang babait ng mga bata!"

Ayon pa sa aktres, naramdaman na niya noong simula pa lang na magiging instant hit ang Imortal. Hindi biro raw kasi ang dedication sa trabaho ng lahat ng taong involved, at maski siya raw ay nakapag-adjust na sa tough working schedule ng teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga offers before sa akin, pero wala talaga, e," aniya.

Wala raw siyang tinanggap sa mga offers sa kanya noon. Hanggang sa dumating nga ang offer para ma-cast sa Imortal with Angel and John Lloyd.

"Parang this project came at the right time. Lahat talaga perfect for me.

"'Saka alam ko, from the start when it was offered to me, alam ko na maghi-hit siya, kasi nandun lahat ng right ingredients. Nandun lahat.

"But my husband was telling me na 'wag lang akong magkakasakit. Dahil pag once na nagkasakit ako, yun na," sabay ngiti ni Vivian.

Patitigilin daw siya ng mister niya kung makukumpromiso lang ang kalusugan niya. Di kasi biro ang mga oras ng taping ng isang teleserye; puyat ang totoong kalaban dito ng mga artista.

Pero ani Vivian, ang mister niya rin ang nagsabi noon na tanggapin na niya ang offer sa Imortal dahil naramdaman din daw nito na magiging big hit ang show.

"Well, he's the one who advised me na siguradong this will be a successful show, and he was right, and I was right also," sabi pa ni Vivian.

LIKES WORKING WITH ABS-CBN. Nang tanungin kung tatanggap siya ng iba pang proyekto ngayong nakabalik na siya mula sa matagal na pamamahinga, sinabi nitong depende ito sa offer.

"Alam mo, depende talaga yun. Depende sa project. But, so far kasi, ang ganda ng trato sa akin ng ABS. Ang sarap nilang katrabaho. Talagang napaka-supportive nila, from the management...lahat!

"Ang sarap nilang katrabaho. Parang di nga trabaho sa akin ang lahat kasi nag-e-enjoy ako," sabi pa ni Vivian.

Tinanong din ng PEP si Vivian kung sino sa mga young stars ang gusto niyang makatrabaho, bukod kay Angel.

"Si Bea Alonzo, isa siya sa pinakamagaling na artista ngayon," sagot agad ng aktres.

"I think the ABS management kasi take it seriously na ang isang artista nila, hindi lang dapat sikat o maganda. Kailangan talaga dapat marunong umarte," papuri ng aktres sa network na pinagtratrabahuhan niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN