Charice says she is fully recovered from bout with food poisoning; says she's returning to Glee (Season 2)


Asked to give a message to fans following her recent bout with food poisoning, Charice said: "Thank you po sa prayers, and okay na po ako ngayon, wala na pong dapat ika-worry."


Dinala sa isang Singapore hospital ang Filipina international singing sensation na si Charice Pempengco nang magtungo ito sa Lion City kamakailan para sa last leg ng David Foster and Friends Asian Tour.

Nagkasakit raw si Charice ng food poisoning matapos kumain ng sushi sa isang restaurant sa Singapore. Dinala ang Filipina singer noong October 30 ng hapon sa ospital.

Pero like a true professional performer, itinuloy ni Charice ang pagkanta sa naturang concert na ginanap rin ng gabing iyon sa Esplanade Concert Hall.

Kahapon, October 31, live na nakausap via phone patch ni Showbiz Central host Raymond Gutierrez si Charice, mula sa bahay nito sa Cabuyao, Laguna.

Una muna ay kinumusta ni Raymond ang kalagayan ni Charice.

"A, sobrang okay na po ako ngayon. I mean nung nangyari po iyon, siyempre medyo talagang nanghina po ako, pero right now sobrang balik na agad... Okay na kami, not only me, lahat po kami," bungad na pahayag ni Charice.

Ayon sa kuwento ng Filipina singer, that night ay kumain sila matapos mag-rehearsal para sa show.

"And 'yon nga po 'yong ihinanda nila, Asian food po.

"May sushi, may mga shanghai rolls and everything, and hindi naman po ako usually talaga kumakain ng sushi, pero that night I tried, and nung pong tinry ko, iyon...

"Hindi naman po marami ang kinain ko pero kinabukasan po, paggising ko, doon na talaga sumama 'yong tiyan ko.

"Actually, medyo talagang nahilo pa ako, meron pang time na talagang pinagpawisan ako nang sobra [kahit] sobrang lakas na ng aircon.

"Pero pinagpawisan ako, medyo umikot talaga 'yong tiyan ko, and then nagsuka pa po ako.

"Pero nung dumating na po sa ano... dinala po ako sa ospital, pina-check po ako. Okay naman po, lahat naman po kami naging okay naman agad.

"And 'yon nga po, si Sir David nagulat nga po... Lahat ng fans kasi, 'yon nga, nakita 'ata ako na nasa wheelchair daw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una raw ay ayaw ni Charice na dalhin siya sa ospital.

"Pero sabi kasi ano, sabi ko kay Sir David, huwag na, kasi hindi naman talaga ganun kagrabe. Pero sabi ni Sir David, of course, as a godfather, [sabi niya] responsibility niya po iyon."

At sa kabila nang nangyari, nag-perform pa rin si Charice sa very successful show nila sa Esplanade Theatre na may seating capacity na 9,000.

"Sobrang successful po, sobrang successful, I must say."

Hindi pa nga raw nila akalain na sa kabila ng naranasan nilang food poisoning, kinaya pa nilang magbigay-todo sa kanilang performance.

"Sobrang natatawa kami na that night, feeling namin, iyon pa 'yong the best... I mean sa lahat ng tour na ginawa po namin, feeling namin iyon pa ang the best na performance na ginawa namin!

"Not only me but lahat ng performers, sobrang ibinigay namin ang lahat kasi siyempre iyon na po ang last concert sa Asian tour namin. Pero sobra, sobrang successful po."



ON GLEE SEASON 2.
Isang linggo raw magpapahinga si Charice dito sa Pilipinas. "Then I'll go back to the States po [sa Los Angeles].

"Actually po, pag nakabalik na po ako sa States magre-recording po ako para po sa bagong single ko po and album, and iko-continue ko po yung shooting po for Glee [Season 2].

"And next year po, I'm going to have my own tour, so abangan na lang po natin."

Muling mapapanood si Sunshine Corazon, ang character ni Charice sa sikat na U.S. TV show na Glee.

Pero hindi muna ni-reveal ni Charice kung kailan.

"A, actually po, right now hindi pa po ako talaga puwedeng magsabi ng mga exact dates and everything, pero I guess ang masasabi ko lang po, panoorin na lang natin ang buong season,. Pero for sure babalik po si Sunshine Corazon."

Puring-puri ni Charice ang mga katrabaho niya sa Glee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang mababait po sila, sobrang mababait, hindi lang po 'yong cast, [pati] mga crew, director, sobrang comfortable po talaga makatrabaho po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN