No gag order yet to prevent Kris Aquino from making statements on her annulment case

"Mahirap awayin ang taong binabayaran ng ex mo. I mean, anything I say will be misinterpreted," says Kris Aquino, after Atty. Lorna Kapunan complained that Kris has been using the media to voice her concerns about the annulment of her marriage to James Yap.


Ini-report ng StarTalk TX ng GMA-7 kahapon, November 6, na hindi nag-isyu ang Makati City Regional Trial Court ng gag order laban sa aktres at TV host na si Kris Aquino.

Ayon pa rin sa iniulat ng StarTalk TX, layunin ng naturang gag order na patahimikin si Kris sa pagsasalita tungkol sa isyu ng pagwawalang-bisa sa kanilang kasal ni James Yap.

Gayunman, sa isinagawang hearing noong Biyernes, November 5, hindi naglabas ng desisyon ang Makati RTC Branch 140.

Hiniling kasi ng kampo ni Kris na bigyan sila ng sampung araw upang magkomento sa isinampang mosyon ng basketbolista.

Hindi nakarating sa hearing ang estranged couple at tanging ang legal counsel lamang ni James na si Atty. Lino Kapunan ang humarap sa media.

"If granted, the parties, their counsels, their representatives will be prohibited from making statements, public statements which will be aired in any form of media; all forms of media including Tweeter and Facebook," ang pahayag ni Atty. Kapunan.

Sakaling mag-isyu ng gag order ang korte, maging si James at ang mga abogado nito ay pagbabawalan ding magbigay ng pahayag tungkol sa kaso.

Ipinagtanggol naman ni Atty. Lino ang pagpapa-interview ni Atty. Lorna Kapunan sa media.

"Yeah that's true, but Atty. [Lorna] Kapunan, if you analyze the interviews on whatever, on YouTube, [on] videos, you can see that Atty. Kapunan's comments are always responsive to Mrs. Yap's [Kris'] comments, which are always initiatory."

Samantala nang tanungin tungkol sa gag order na inihain ng abugado ni James, ang naging pahayag umano ni Kris ay... "Mahirap awayin ang taong binabayaran ng ex mo. I mean, anything I say will be misinterpreted."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN