Dingdong Dantes, youth ambassador for the arts

Dingdong Dantes was chosen "for his invaluable support to the arts and culture sector, as well as his positive and wholesome image," according to the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) citation.


Dingdong Dantes, one of today's bankable actors, is Youth Ambassador for the Arts. Napili siyang youth ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at inihayag ito sa media, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, November 6, sa Cerchio Restaurant, sa Scout Limbaga, Tomas Morato in Quezon City.

Ayon sa NCCA citation, "the charismatic actor was chosen for his invaluable support to the arts and culture sector, as well as his positive and wholesome image."

Si Dindong Dantes ang kakatawan sa youth sector, sa buong bansa, sa selebrasyon ng Philippine International Arts Festival 2011, isa sa mga flagship projects ng NCCA.

Sa press conference, bilang pag-announce sa bagong katungkulan ni Dingdong Dantes, para sa pamahalan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, ay buong lugod na humarap ang aktor sa media, kasama ang iba pang ugnay sa NCCA, tulad ni Ms. Shirley Halili-Cruz, ng National Committee on Dance, at dating NCCA Chairperson, Ms. Cecile Guidote-Alvarez, na dumalo dahil hindi nakarating ang kasalukuyang pinuno ng naturang ahensiya, na si Ms. Vilma Labrador.

Naroon din ang mga kinatawan ng PMAP (Philippine Management Association of the Philippines) at ng YesPinoy Foundation na isa si Dingdong sa mga aktibong supporters.

YOUTH EMPOWERMENT. Matapos bumati sa mga dumalong press people at magpasalamat sa mga kinatawang nabanggit, nagbigay ng maikling mensahe ang aktor.

"Siguro, lahat ho [ay] nagulat sa isa pang dimens'yon ng pagiging celebrity ko, bukod sa pagiging aktor," simula niya, "and that is my commitment, of course, to empowering the youth and [also] to nation-building.

"Kung napapansin n'yo po, all these advocacies are related to one another. And I commit my full support, of course, unang-una, sa PMAP, which is, in fact, the largest management association in this country, and more importantly, sa NCCA.

"Dahil po sa dalawang 'yan ay ibinibigay ko ang buong suporta ko... [sa mga nasabing proyekto]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas dinitalye ni Dingdong ang mga naunang pahayag sa mga hiwalay na interview ng media. Mahalaga ang tunguhing ito ng NCCA, at katulong na mga ahensiyang PMAP at ng YesPinoy Foundation, para sa youth sector sa buong kapuluan, na magiging mas aktibo sa mga makasining na gawain, simula sa unang buwan ng 2011.

At si Dingdong Dantes nga ang kanilang kinatawan, dito at maging sa mga Pilipinong nasa labas ng bansa.

"One of the advocacies," sabi pa ng Kapuso actor, "is to promote our talent not just here but also abroad. So, everything starts from... siguro, sa isang tao; sa akin, bilang isang aktor, [na] du'n ako nagsimula."

"So, lahat 'yon may kinalaman sa isa't isa - the arts, which is related to youth empowerment, all under one great umbrella, which is nation-building."

OUT OF HIS COMFORT ZONE. Binanggit din ni Dingdong ang isa sa mga napiling proyekto ng NCCA, kaugnay ng Philippine International Arts Festival next year. Sa susunod na buwan [Disyembre] ang paglulunsad nito.

"We will launch a campaign next month: video-making contest, para sa mga kabataan," ani Dingdong. "This is to encourage the youth to go out of their comfort zones na hindi lang porke't nag-aaral ka, e, tama na 'yon.

"Gaya ng nasabi ko, [you] must not be one-dimensional... kailangan lumabas ka sa kakayahan mo, at sumubok ng iba. Para mas madalian ka sa buhay, sa hinaharap."

At dito pumapasok ang kahalagahan ng PMAP, sa pag-assure sa mga kabataan ng mas tiyak na trabaho, o employment, para sa mga magtatapos sa kolehiyo.

"Because, [based on] statistics, mga 40 percent of graduates do not get accepted in job interviews because they lack communication skills, they lack the initiative, they lack critical thinking... mga ganu'ng bagay."

POLITICAL PLANS. PEP asked Dingdong kung ito bang pagiging isa niyang ambassador for the arts ay isang "panimulang hakbang" sa mas malawak na planong pagpasok sa pulitika, sa mga darating na taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi," sagot niya. "Wala namang kinalaman 'yan, e. Like what I said, we all have to get out of our comfort zones, na hindi porke't kuntento na tayo sa trabaho natin, e, titigil na tayo ro'n.

"Kung meron namang kakayahang gumawa ng iba, at kung may kakayahan na tumulong sa ibang cause, e, bakit hindi?"

ENCOURAGEMENT FROM MARIAN RIVERA. Ayon kay Dingdong, mayroon siyang kaukulang moral support, mula sa nobyang aktres na si Marian Rivera.

"Sa lahat naman ng ito, sa kanya [Marian] ko kinukuha 'yung inspirasyon," wika ni Dingdong. "Kumbaga, sabi nga nila... [being an artist] starts from someone. It starts from an inspiration. And then, there lies greater things. So du'n talaga nagsisimula ang lahat."

Good news to Dong-Yan fans, magkakasama ang mag-sweethearts sa mga activities na pangungunahan ni Dingdong, bilang youth ambassador.

"Dapat! Tulad ngayon..." positibong wika niya.

STRONGEST POINT. Ano ang masasabi ni Dingdong sa mga usap-usapan, kung mayroon man, na lately ay hindi maayos ang relasyon nila ni Marian?

"Hindi totoo," sagot ng aktor. "In fact, we're at our strongest point right now in our relationship.

"At hindi namin nararamdaman na... I'm very confident, kasi we're very much in love and nothing is wrong. I mean, we're not in a perfect relationship, but there are more positive things than we have negative things.

Dingdong explained further: "Hindi ko alam kung saan nagmula ang [usap-usapan]... kasama rin 'yung... it's part of our roles, part of our packaging, because we share with the public, with the media, a part of our relationship.

"So, medyo, dapat expected din sa amin, kung merong konting stumbles... hindi naman siya mapapalaki pero maaaring ma-misinterpret. That's why, probably, it's also my responsibility to clarify things," pahayag ni Dingdong.

Sa personal niyang buhay ay nananatiling si Marian ang namumukod-tangi sa puso ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kanyang pagiging aktor, abangan ang susunod na screen romances ni Dingdong Dantes with Regine Velasquez, sa teleseryeng I 'Heart' Kita [to be directed by Andoy Ranay] and with Kris Aquino, sa pelikula ng GMA Films na sisimulan nang i-shoot sa susunod na taong 2011.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN