Karen delos Reyes and Joey "Pepe" Smith: Are they a couple or not?

"Gusto ninyo ng Ka-Pe?" Karen delos Reyes (in photo) asks, making light of her so-called loveteam with Joey "Pepe" Smith. "Para manginig naman kayo?"


Iniuugnay ngayon ang legendary Pinoy rock star na si Joey "Pepe" Smith sa Survivor Philippines Celebrity castaway na si Karen delos Reyes.

Nagsimula ang lahat nang mag-guest si Karen sa game show na Asar Talo Lahat Panalo! at si Pepe Smith ang kanyang taga-suporta.

May mga nakapansin daw na magka-holding hands ang dalawa at sweet na sweet sa isa't-isa.

Tila nagselos pa nga raw si Karen ng akbayan ng Pinoy rock icon ang co-host sa game show na si Ellen Adarna.

At para malinawan ang kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa, live na nag-guest pareho sina Karen at Pepe sa StarTalk TX kahapon, November 6, at humarap sa apat na hosts ng show na sina Joey de Leon, Ricky Lo, Butch Francisco, at Lolit Solis.

Ang unang tanong ay tungkol sa tweet ni Karen sa kanyang Tweeter account: "I can't wait till weekend, I'm gonna do it and the truth will set everybody free."

Iyon ba ay ang pag-amin niya sa namamagitan sa kanila ni Pepe?

"Kaya nga ako nandito para linawin ang lahat na... Wala talaga, ano ba kayo?! My God!

"Kasi kaibigan ko ang mga anak niya e, so nakakahiya dun sa mga anak niya," umpisang paglilinaw ni Karen.

Ayon naman kay Pepe...

"Ba't ganun katsismoso ang mundo, noh? Alam mo, naging magkaibigan kami at binigyan agad ng kung anu-anong mga tsismis na... Diyos ko! Masama bang maging isang kaibigan... well maybe I can say na I like her."

Na ikina-react ni Karen ng, "Wow, ha! Huwag kang makulit!" habang tawa nang tawa.

Pagpapatuloy pa ni Pepe...

"Parang ito... I like her, I like Nicole Kidman, I like... masama bang mabighani sa isang tao, 'di ba?"

Na sinagot naman ni Karen ng...

"Baka naman natutuwa ka lang sa akin, huwag naman yung word na bighani. Ano ba ako? Talaga? Ang ganda ko naman!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling humirit si Pepe na...

"Ito na nga ang kinakaba ko e, namputsa naman, oo!

"May magandang pagkakaibigan ha, hindi pagkaka-'ibigan.'"

Na sinagot ni Karen ng...

"Napaka-showbiz mo, my God!"

Sumagot muli si Pepe na...

"No, no no, not only that. Alam mo, wala namang ano ito e, masama na intensyon or what, e putsa, baka mapurnada 'yung...

"Alam ninyo... Diyos ko naman, itong tanda kong ito, nahihiya ako sa kanya tuloy. Baka masira yung pagkakaibigan namin dahil sa mga tsismis ninyo, e."

FRIENDS NOT AVAILABLE. Ipinaliwanag naman ni Karen na kaya si Pepe ang kinuha niyang taga-suporta (mga kaibigan na magtsi-cheer) sa Asar Talo ay dahil hindi available ang mga kaibigang tinawagan niya, maging ang dalagang anak ni Pepe na matalik na kaibigan ni Karen.

At ang naturang anak ni Pepe pa ang nag-suggest na ang ama na lang niya ang kunin ni Karen, na pinaunlakan naman ng rock star.

May masama ba kung sakaling magkaroon sila ng relasyon?

"Ako? Ayoko! Kumbaga... hindi sa ayaw e, kumbaga nung nagkakilala kami, ang tawag ko sa kanya, Sir."

Kaya ikinaloka raw ni Karen na ginawa agad silang loveteam at binansagang Ka-Pe na hango sa kanilang mga pangalan.

"Gusto ninyo ng kape? Para manginig naman kayo? Umayos naman kayo," sinabi pa ni Karen.

Tinanong naman si Pepe: Given the opportunity, gusto ba niya si Karen?

"Wala na nga, sinabi ko na sa inyo, ayaw na nga niya, nasira na nga, e."

May gusto ba si Pepe kay Karen?

"Kaibigan, gusto ko siyang kaibigan," aniya. "Sinira ninyo e, kayo talaga, oo! Pinakialaman ninyo, e. Okay na okay na sana, medyo nagkaka..."

Nag-but in naman si Karen by saying, "Uy nakaka-warp kayo, promise!" patungkol sa mga nang-iintriga sa kanila ni Pepe.

Sinabi naman ni Pepe na...

"Hindi, pero tandaan ninyo 'to, kaibigan ko 'to. Ngayon kung may mangyari, magpapasalamat ako sa Diyos. Kung walang mangyari, magpapasalamat pa rin ako sa Kanya dahil kaibigan ko 'to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May posibilidad ba na ma-in-love si Karen with someone older than her?

"Oo! Nagkaroon ako ng parang online whatever-ever na relationship and right now he's 41 so..."

So, puwede sa kanya si Pepe?

"Hindi kasi... hindi ganun ang tingin ko sa kanya."

Sumingit naman si Pepe at tumatawang sinabing...

"Kaya lang, pag nagunaw ang mundo, kaming dalawa na lang ang nasa island..."

Kaya ba ni Pepe na manligaw sa katulad ni Karen?

"Alam mo sa age kong ito nakalimutan ko nang manligaw dahil sa dami ko ng relasyon noon, alam mo natatakot ako, kagaya ng ganyan.

"Hindi ako magkakaroon ng lakas [ng loob] na dahil parang... I can still love, I am able to do that, but I have to be careful in my choices," ang sagot ng Pinoy rocker.

"Who would accept me at mahirap yung... alam mo... gustung-gusto ko siya pero kinakabahan ako. Hindi ko alam ang mangyayari e, so ipinako ko na lang sa kaibigan muna."

Ayon kay Pepe, nagkaka-ilangan sila ngayon dahil sa isyu.

At ayon naman kay Karen...

"Ako nawa-warp."

Nagbiro pa si Pepe na...

"E yung nanliligaw sa akin na si Megan Fox, pinaki-alaman ninyo, ayan tuloy!"

Sa pagtatapos sa panayam sa dalawa, nagbigay ng mensahe si Karen...

"Ang kukulit ninyo, grabe! Hindi, totoo! Nung narinig ko itong isyung ito last week, na-warp talaga ako. Ang saya-saya namin tapos may kulay?

"Hindi, sana huwag na kayong makulit kasi ano e, kumbaga, sobrang taas ng respeto ko sa kanya na sobrang wow!

"I call everybody Sir and Madam, so pinagalitan niya ako. Sabi niya 'Don't call me Sir, call me Pepe.'"

Ang mga salitang huling binigkas naman ni Pepe ay...

"Rock and roll! Remember, age doesn't matter!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN