Gabby Eigenmann tells sister Maxine: "I'll always be there, even if I wait a long time"

"Actually, kung tatanungin mo ako kung kino-confirm ko ba or ano, honestly, I'm not in the position [to say anything]," Gabby Eigenmann says on the rumor that his sister Maxine is a few months pregnant.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gabby Eigenmann kagabi, November 7, sa birthday party ni Jolina Magdangal sa Thaipan Restaurant. Sina Gabby at Jolina ay parehong mga artists ng PPL Entertainment.

Nagpaunlak naman ng interview si Gabby kunsaan kinamusta siya ng PEP tungkol sa napapabalitang kalagayan ng kanyang kapatid sa ama na si Maxine Eigenmann. Noon pa nga nababalitang nagdadalang-tao si Maxine, pero never pa nitong inamin or kinumpirma.

Pero bago makausap ng PEP si Gabby, nakarating sa amin ang balita na ang ama raw nila na si Mark Gil ay tila inamin na rin ang kalagayan ng anak sa isang talk show.

Unang tanong namin kay Gabby, kumusta nga ba ang kanyang kapatid?

"Okay naman siya, sa pagkakaalam ko, siyempre, with all that's been happening, I'm just waiting for her. Hindi pa kami nagkakausap. Hindi dahil sa galit ako sa kanya. Hindi dahil galit siya sa akin.

"Ako naman... ayokong makialam kasi, may kanya-kanya naman kaming buhay. Kung anuman ang naging kapalaran niya ngayon, nandito lang ako. Kung kakailanganin niya ko, I'll always be here," ang sabi ni Gabby.

Nalaman lang ba niya ang balitang buntis si Maxine dahil sa mga balitang naglabasan or nakumpirma niya muna ito before the news came out?

"Before pa naman, before pa lumabas 'yan. Ako naman, pagdating sa mga ganyan, hindi talaga ako nakikialam. Ang sa akin, nandito lang ako kung kailangan ako tumulong."

Ilang buwan na raw ang dinadala ng kapatid?

"I have no idea, e... four, five months?"

NOT SURE. May pangalang lumabas na siyang ama raw ng ipinagbubuntis ni Maxine-si Jay Server raw?

"Kilala ko siya... pero, hindi ako sigurado kung siya talaga."

Bakit yun ang pangalan na lumalabas?

"Siguro nagkataon dahil sila ang magkasama noong mga panahong yaon. Pero maaaring, hindi siya kasi, prior to that, may mga nakakasama rin naman siyang iba noon. So, hindi pa namin nata-tackle kung sino talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diniretso na namin si Gabby dahil ang naiiwang impression sa amin ay tila hindi pananagutan ng guy ang pagbubuntis ni Maxine.

"Ang sa akin, kasi, kung kay Jay talaga, it's easy for him to contact me or Sid [Lucero na kapatid ni Maxine] kasi, magkakakilala naman kami. We're not that close but we have common friends.

"Kung siya nga ang ama, I think he would call us or let us know kung anuman ang plano niya. And since wala, ayokong siguraduhin. Hindi pa confirm kumbaga kung sino," ang sagot ni Gabby.

Sa mga hindi nakakaalam, si Maxine at Sid ay anak ni Mark Gil and Bing Pimentel. Half sister nila si Andi Eigenmann.

Dugtong pa ni Gabby, "Nagkita kami ni Sid noong binyag ng anak ni Ryan [Eigenmann] pero, hindi naman namin napag-usapan. Sabi ko nga, when everyone is ready to talk about it, then we'll talk about it."

Bilang kuya, naikuwento na noon ni Gabby kung gaano siya ka-protective sa mga kapatid niya, lalo na sa mga sisters niya. So, hindi ba siya nag-attempt na tumawag kay Maxine?

"Hindi, kasi, we hardly see each other, we hardly communicate. Ako naman, protective ako. Kapag may naninira sa kanya, ide-defend ko. Kapag may nambabastos sa kanya, ide-defend ko. But when it comes to decisions in her life, hindi ako nakikialam. Unless kausapin niya ko or humingi siya ng advice or tulong.

"Feeling ko, what she's going through is not a joke. Kung kinakailangan at gusto niyang ma-involve kami, siya ang gagawa ng paraan, hindi kami. Si daddy ko naman... I don't know kung nakapag-usap na sila ni Maxine.

SECOND TIME. Lumabas na rin na ikalawang pagbubuntis na pala ito ni Maxine at may anak na ito.

Hindi na rin ito itinanggi pa ni Gabby nang makausap nga ng PEP.

Aniya, "Yun nga, lumabas na yung dinadala niya ngayon, e, pangalawa na niya. Noong nangyari yung una, she was young. We just had to support her. Sabi ko nga, napagdaanan na niya yun, e. I'm sure malalagpasan niya rin ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung unang anak naman raw ni Maxine ay nasa poder at pangangalaga nito. Boy raw ang eldest niya at around five years old na.

Dugtong pa ni Gabby, "Actually, kung tatanungin mo ako kung kino-confirm ko ba or ano, honestly, I'm not in the position [to say anything]. But since lumabas na, sana nga, manggaling na din sa kanya. I'm sure naman, she's been telling a few friends na and I'm sure, she'll eventually talk."

Nanghihinayang ba siya sa career ni Maxine?

"It's not nanghihinayang... disappointment is a strong word. Kasi, itong pamilya [namin], tight naman talaga, eh. We support each other. Wala kaming crab mentality, wala kaming inggitan. Ang sa akin lang, na-surprise kami. Na-surprise ako.

"Kung anuman ang ginagawa niya sa career niya, maliban sa, when she posed for FHM, walang nakakaalam sa mga nangyayari. Ako, bilang kuya, medyo sumama ang loob... pero, sabi ko nga, may kanya-kanyang diskarte na 'yan. She's of age. She can do whatever she wants. If she needs us, if she wants to talk to us, we'll always be here," sabi ni Gabby.

May message ba siya for Maxine?

"Ite-text ko na lang siya," natawa niyang sabi. "Wala e... wala akong masasabi."

Galit ba siya?

"Hindi ako galit. Nandoon ang tampo, pero, mawawala rin yun. Ang sa akin lang, I'll always be here, even if I'll wait a long time. Kontakin niya ko or kamustahin niya ko. I'm here."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN