Carol Banawa clarifies her remark about Kaye Abad that unwittingly stirred intrigue

Balik-Pilipinas na si Carol Banawa pagkatapos ng ilang taong pagkawala sa industriya. Sa kanyang pagbalik ay nakatikim agad siya ng intriga dahil sa isang sinabi niya diumano tungkol sa kaibigang si Kaye Abad.


Ang aktres at mangangawit na si Carol Banawa at namumuhay na nang tahimik sa U.S. kasama ang asawa at anak, ngunit mukha yatang makikita ulit siya sa telebisyon dahil sa intriga na nakakabit sa pangalan niya.

Aktibo ang career ni Carol sa musika at pelikula noong 1996 hanggang 2006. Matatandaang lumabas noon sa pelikulang Tanging Yaman si Carol noong 2000, at sa mga programa ng ABS-CBN tulad ng Tabing Ilog (2000) at Sa Dulo ng Walang Hanggan (2001).

Naglabas din siya ng albums tulad ng Carol (1997), Carol: Repackaged (2000) at Follow Your Heart (2003).

Tuluyan nang nawala sa showbiz si Carol noong 2006 at akala siguro ng mga tagahanga na hindi na nila maririnig ang idolo nila.

Subalit heto siya ngayon at sa pagbalik niya sa Pilipinas ay may kasamang intriga. Siya raw diumano ang nagkalat na may anak na ang kaibigan niyang si Kaye Abad, at ang ama raw ay ang dating boyfriend na bokalista ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.

Lumabas si Carol sa The Buzz kahapon, November 7 at nilinaw ang intriga na nagdawit sa pangalan niya.

Napabalitang binanggit niya na, "...si Rica na lang ang walang anak sa barkada" sa welcome presscon niya noon na nagpasabog ng intriga na lumalabas diumano na may anak na si Kaye Abad [mababasa ang ang kuwento dito].

Ang mga kaibigan nga pala ni Carol ay mga kababata niyang sina Rica Peralejo, Camille Pratts, Kaye Abad, Sarah Abad [kapatid ni Kaye], Melissa Avelino.

"Nagulantang kami ng nanay ko kasi the weekend before that, e nagkikita pa kaming magbabarkada," paliwanag ni Carol. "Nagkuwentuha kami kasi nga si Kaye lang doon ang hindi pa nanganganak. Si Rica ang hindi nakapunta sa reunion. So sinabi ko ang line na iyon na without thinking na baka mali ang mai-interpret nila. Mali ang pagkasabi ko po. Dapat sinabi ko na 'Si Rica, wala pang anak' at hindi iyong 'Siya na lang wala pang anak.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOTOONG RASON SA PAG-UWI. May balitang umuwi si Carol dahil may sakit ang ama niya. Totoo ba ito?

"Iyong papa ko po, e matagal na may sakit na," paliwanag ng aktres. "It's a condition na nade-deteriorate. He's been fighting for 11 years and still fighting. He is already 63. At this point kasi, thankful kami na nadirito siya."

Kamusta siya at ang pamilya niya?

"Sige lang nang sige," sabi ni Carol. At hindi napigilan maiyak si Carol nang sinabi niya, "One day at a time...Pinili naming makauwi para makilala niya ang apo niya. Alam namin na pagod na siya, so basta nandito kami at tina-try naman namin."

Napag-alaman din na isa sa mga rason kaya umalis ng showbiz si Carol, ay para makapag-focus sa pag-aalaga sa ama.

"That time kasi, e may nakakausap kaming doktor sa States that they were willing to help talaga and willing to bring him there para matignan," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN