ABS-CBN president Charo Santos-Concio leads launch of DZMM's TLC outreach program

Masayang binasa ng ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio ang isang kuwento para sa mga batang residente ng Angono, Rizal. Naganap ang reading session sa Teaching, Learning and Caring outreach program ng DZMM noong Sabado, November 6. (CLICK HERE to watch a video taken during the event)<


Noong October 6, dumayo sa Angono, Rizal, ang presidente ng ABS-CBN, na si Charo Santos-Concio, upang pasinayaan ang simula ng Teaching, Learning and Caring (TLC) project ng DZMM, ang radio station ng Kapamilya network.

Ang TLC project ay ang outreach program ng DZMM para sa mahihirap na komunidad sa bansa. Tampok dito ang dalawang truck na nagsilbing mobile clinic at mobile library.

Ginamit ang mga ito sa paghandog ng libreng serbisyong medikal at sa pagdaos ng reading session para sa mga residente ng Angono.

Sa reading session, kasama si Ma'am Charo, na siyang tawag ng industriya sa presidente ng ABS-CBN. Tuwang-tuwa ang mga batang nakinig sa kuwentong hatid ng ABS-CBN executive.

KIDS HUNGRY FOR KNOWLEDGE. Sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Allan Sancon, sinabi ni Ma'am Charo na maging siya ay natuwa sa reading session. (CLICK HERE to watch a video taken during the event)

"Yung attention nila focused na focused dun sa pagkukuwento mo. Natutuwa ako kasi nakikita mo yung natural aptitude nila for learning," kuwento niya.

"Nakakataba naman ng puso talaga na makisalamuha sa mga bata, lalong-lalo na kung magkukuwento ka sa kanila. Kasi nakikita mo, di ba, na very focused sila, very attentive, at saka kung mabibigyan talaga ng pagkakataon na mas madagdagan ang kaalaman, mas makakabuti yun sa ating kabataan. "

Pangalawang beses na raw nagbasa si Ma'am Charo para sa mga bata.

"I've done this for the Philippine Daily Inquirer," sabi niya. "So this is the second time, and it's always an enjoyable experience. Nang makita mo yung mga bata, makikita mo yun sa mga mata.

"They're so interested. They're hungry for additional knowledge. Gustong-gusto nilang makuwentuhan. Kaya nga lang, di ba, salat sila sa pambili ng mga aklat, ng mga gamit sa eskuwela."

Masayang-masaya daw siya sa proyektong naisip ng DZMM. Gayunpaman, hiling niya na maging mas malakas ang "community involvement" para magkaroon ng pangmatagalang bisa ang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga kay Peter Musngi, [ABS-CBN] VP for Radio, mas involved sa community para hindi yung pag-alis natin, makalimutan na. We want this to continue."

Dahil dito, naghahanap daw ang network ng marami pang magboboluntaryong doktor at mga guro para sa TLC.

"So, we're looking for volunteer teachers, volunteer doctors in the respective communities na pupuntahin natin para maipagpatuloy nila yung sinisimulan natin," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN