Rey PJ Abellana reminds daughter Carla Abellana, "Show business is a very risky life."

Whenever Rey PJ Abellana gets the chance to talk to his daughter Carla, he gives her career-related advice.

He says, "I advised my daughter of my past experiences. Yung napagdaanan ko, yung naituro sa amin ng manager ko rati na si Alfie Lorenzo, to the extent na kinakandado kami, hindi kami pinapalabas ng bahay para lang ma-program kami sa mabuting patakbo."


Masaya raw si Rey PJ Abellana dahil malaya siyang nakakapagtrabaho sa dalawang competing networks, ang ABS-CBN at GMA-7.

Mula sa Siyete, kung saan naging bahagi siya ng seryeng Langit sa Piling Mo, kasalukuyang nakikita siya sa Juanita Banana ng Dos.

Nakangiti itong sumagot nang usisain siya sa press conference para sa Bianca Manalo-starrer series kahapon, November 8, sa ELJ Building. Kapamilya ba siya o Kapuso?

Aniya, "Ako naman, freelancer ako. So, kapag nabakante ang oras ko, kung saan ako matitiyempo na project, yun, gumagawa rin ako sa Channel 7 dahil yung huli ko sa kanila was Langit Sa Piling Mo with Heart Evangelista."

Sa Juanita Banana, nagkaroon daw sila ng reunion ni Lito Pimentel, ang kasabayan niya sa Liberty Boys, isang grupo ng mga aktor noong mid-80s.

May posibilidad ba na magkaroon sila ng reunion project?

"I hope so," ang mabilis niyang sagot. "Gusto ko sanang mangyari 'yan dahil pabor sa amin 'yan dahil unang-una, yung camaraderie namin, yung samahan namin na Liberty boys, solid yun. It only happened na si Edgar Mande, nasa Amerika. Given the chance, why not? I suppose, magiging willing ang apat na Liberty boys na magsasama-sama."

Mga tatlong taon na hindi gumawa ng anumang movie or TV project si PJ dito sa Pilipinas. Pero hindi raw ito dahil sa inayawan niya ang showbiz na nagpasikat sa kanya.

Ang mahaba niyang kuwento, "Ako, hindi ko naman iniwan ang show business. Sometime ago, I was away, mga three years back, nawala ako rito ng mga three years.

"Hindi sa iniwan ko ang pag-arte or show business. I was abroad doing singing stints. I was confident at that time na kaya kong mag-absent dito nang medyo matagal because bago ako umalis noon, bago ako nawala rito, may mga projects akong natapos, pelikula at may mga TV shows din akong iniwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, okay lang na mag-absent ako rito dahil kahit mag-absent ako rito, may mapapanood sila sa mga pelikulang natapos ko. It happened, at the same time, unexpectedly na it's not majority of those na mga projects na natapos ko rito bago ko nawala, e, parang hindi nag-showing rito. Parang naibenta lang sa video... So, unfortunately, parang hindi naipalabas dito.

"Kaya at the same time, parang affected ako at parang nawala ako talaga, at pagkakaalam ng lahat, parang umayaw na ko at hindi na ako mahagilap."

At pagbabalik niya, aminado siyang nangapa siya sa simula. "Nagbago na rin ang generation ng mga staff, mga bata, yung wala nang access sa amin. So, naging disadvantage sa akin. Yung pumalit na mga staff, bago na at hindi na familiar sa amin," aniya.

PACKAGE-DEAL ISSUE. Mariing itinanggi naman ng dating matinee idol noong '80s ang report na package deal sila ng anak na si Carla Abellana.

"Hindi, hindi...First of all, sa Rosalinda nga, yung pinaka-una niyang show, wala ako ro'n, e. Umpisa pa lang, hindi na kami magkasama na supposedly nga, dapat pagsasamahin yun...Freelancer naman ako," ang paliwanag aktor.

At sakali mang magkaroon uli siya ng project with his daughter, wala raw kaso sa kanya ang mga usapin tungkol sa "package deal."

Ayon kay PJ, "Hindi ako affected at all because knowing me, both of us, Carla and I, hindi naman totoo ang isyu na 'yan. I suppose, nakikita ng marami 'yan na hindi naman totoo ang isyu na 'yan. That remains to be seen."

LIPATAN RUMOR. Tungkol naman sa balitang lilipat raw ang anak from GMA-7 to ABS-CBN, "I suppose, hindi," ang sagot ni PJ.

Dugtong niya, "Imposibleng mangyari 'yan. Unang-una, may kontrata 'yan doon, e. Exclusive contract siya ng Seven and I believe, alagang-alaga siya ng Channel 7."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya raw ang tatanungin, masaya siya sa nangyayari sa career ng anak.

Ang sabi ng gumaganap sa karakter ni Boy sa Juanita, "I'm very happy, I'm very thankful. Nasabi ko na 'yan beforehand sa past interviews ko, nagpapasalamat ako sa lahat ng concerned na nag-aalaga at nagbibigay-pansin sa anak ko at sa takbo ng career niya, especially GMA now, well, she's right there now.

"Maganda ang flow ng career niya. Too soon and too good. Continuous prayer and everything...magtuluy-tuloy na maganda ang takbo ng career niya."

CARLA'S LOVE LIFE. With regard to his daughter's love life, hindi raw siya masyadong updated.

"Honestly, hindi ko alam 'yan. Ang alam ko riyan, sa mga lalim na 10 feet, e, nasa five feet lang," natawa nitong sabi.

Dagdag pa niya, "Alam niyo, artista ko, e. Ang artista, malihim 'yan, e, when it comes to personal life. Lalo pa at may iniisip kang mga advantages and disadvantages. So minsan, may mga instances na meron kang ilalabas sa publiko, meron kang isisikreto."

Ang concern naman ni Rey ay ang kapakanan ng anak.

"Ako kasi, much experienced ako sa show business. Twenty-eight years na ako sa loob, so, ang concern ko [is] for my daughter. My concern is not only as a father to her but at the same time, kung ano ang kinalalagyan niya.

"Kasi, ang kinalalagyan niya ngayon, obligado siya, may kontrata nga siya riyan. It's her obligation, her duty na kailangan alagaan niya para ma-please rin niya yung nagbibigay ng opportunity sa kanya," paalala niya sa 24-year-old na dalaga.

Aniya pa, "You know, show business is a very risky life. May programming ang show business. Hindi porke't nag-artista ka, artista ka na. Hindi...may mga inalagaan kang bagay-bagay. May mga lugar kang hindi puwedeng puntahan. May mga tao kang hindi dapat samahan at may mga tao kang pinipiling kaibiganin at hindi. Maraming Dos and Don'ts..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN