Rocco Nacino sustains eye injury in boxing scene for Koreana

"If I follow in Aljur's footsteps, that would be very fulfilling for me, kasi ang layo na rin ng nararating ni Aljur, e. So, kung magagawa ko rin yung mga nagawa niya, it will be a very nice achievement for me," says Rocco Nacino about being compared to Aljur Abrenica.


Namumula at namamaga pa ang kanang mata ng young actor na si Rocco Nacino nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Koreana sa Sta. Maria, Pampanga noong Lunes, November 8.

Sa taping kasi ng naturang GMA-7 afternoon soap nakuha ni Rocco ang pinsala sa kanyang mata. May eksenang nagbo-boxing sila ng co-star niyang si Suzuki Sadatsugu at aksidenteng napuruhan ang kanang mata ng StarStruck V Second Prince.

Kuwento ni Rocco tungkol sa mga pangyayari noong Nobyembre 5, "Last Friday, when we taped our boxing scene—'yon yung boxing scene na ginawa namin—and I just recovered from sore eyes kasi. So, medyo weak pa yung mata ko. So, nasabak agad sa physical stress, ganun, tapos boxing pa.

"E, siyempre, for camera trick, sabi ni Direk [Gil Tejada Jr.], 'Ayan, sige, medyo totohanin n'yo na para ano... Tiisin n'yo na lang.'"

Nasangga naman daw niya ang mga suntok ni Suzuki. "Pero, siyempre, aksidente, may nakakalusot pa rin na sapak. So, na-trauma ang mata ko, nabugbog, bumigay ang ugat, pumutok!

"Hindi siya talaga nagdugo, pero sa loob namaga [ang mga ugat]. So it started here [gilid ng eyeball] and eventually pumunta siya sa gitna.

"Slowly, nawawala na siya," sabi pa ng 23-year-old actor.

Pinatingnan daw agad ni Rocco sa doktor ang mata niya.

"Dun sa pinsan kong doktor, sabi niya, 'Eventually mawawala siya.' Pero sobrang tagal daw 'yon. Naka-one week na ako. Tingin ko aabot pa ng two weeks ito."

Ipinakita nga ni Rocco sa PEP ang mata niya. Pulang-pula pa rin ito at medyo namamaga pa rin bunga nga ng naturang boxing scene na kinunan sa Amoranto Stadium.

Hindi naman daw nagalit si Rocco kay Suzuki.

"A, hindi po, hindi po. Nag-sorry naman siya agad, e."

Ano ang sabi ni Suzuki sa kanya pagkatapos ng aksidente?

"Lumapit siya sa akin, sabi niya, 'Uy, okay ka lang? Nasaktan ka ba?' Nag-sorry naman agad siya, sabi ko walang kaso yun, aksidente. Accidents happen, so it's all right."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After the scene, hindi raw agad napansin ni Rocco na may matindi siyang tama sa mata.

"Tapos, sabi ko, 'Ano ba 'to?' Akala ko coloring lang kasi may effects po kami [sa mata]. E, di hinugasan ko, 'Aba bakit ayaw nitong matanggal?' Yun pala, dugo na pala!

"The following day, sumakit po yung ulo ko dahil yun nga sa mga tama at saka sa katawan ko. Tapos naging cloudy nang konti, a few minutes siguro.

"Dun ko kinontak yung pinsan ko na doktor po. Kasi that time, sobrang kinabahan po ako. Pero sinabi naman niya, continue ko lang yung medication ko sa sore eyes na may anti-inflammatory, tapos warm compress lang."

Hindi naman daw nagkaroon ng panganib na baka mabulag si Rocco, na isang licensed nurse.

"Wala, wala naman, it's far from that situation naman," aniya.

SUNOD SA YAPAK NI ALJUR. Ano naman ang masasabi ni Rocco na tila naikukumpara ang takbo ng kanyang career ngayon kay Aljur Abrenica, na Ultimate Hunk naman noong Batch 4 ng StarStruck?

"It's flattering!" sambit ni Rocco. "Ilang tao na rin ang nagsabi sa akin niyan, so it's very flattering na 'yan ang observation ng iba.

"If I follow in Aljur's footsteps, that would be very fulfilling for me, kasi ang layo na rin ng nararating ni Aljur, e.

"So, kung magagawa ko rin yung mga nagawa niya, it will be a very nice achievement for me.

"Kasi, siyempre, as an artist, gusto ko ring marating yung napuntahan niya. Pero at the same time, I look up to Aljur naman, e."

Magkaibigan ba sila ni Aljur?

"Oo, close kami," sagot ni Rocco.

Gumigimik ba sila na magkasama?

"Hindi pa, e. Busy kami pareho, e. Pero nagkikita kami sa Party Pilipinas. Minsan nagkukumustahan kami sa text, nagyayayaang mag-basketball.

"Masyado lang kaming busy kaya tuwing may Party Pilipinas lang kami nagkikita," sabi ng guwapong aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga pagkakataong nagkikita sila, nagbibigay rin daw ng payo sa kanya si Aljur.

"Before pa, parang nagbibigay siya ng advice na parang, 'O, ganito ang showbiz. Huwag kang mabibigla sa mga ganito. Mag-ingat ka sa mga ganito.'

"He is more of a friend kesa sa ano... Siyempre, ganun talaga, it's a business, showbiz. May competition talaga. Pero nung sinabi niya 'yon, mas tumaas ang respeto ko kay Aljur."

MATAAS NA RATINGS. Consistent ang mataas na ratings na nakukuha ng Koreana, na pinagbibidahan nila nina Kris Bernal at Steven Silva. Kaya naman tuwang-tuwa ang lahat ng may kinalaman sa programa.

Sa parte ni Rocco, sinabi nitong, "Very happy ako na naka-contribute ako sa show. So, mas lalo pa kaming na-motivate para pagandahin pa lalo ang show na ito."

Noong araw na binisita ng PEP ang taping ng Koreana ay kinunan ang eksenang hinaharana ni Rocco (as Benjo) si Kris (as Jenna).

Kinabahan nga raw si Rocco habang ginagawa ang eksena kung saan kinanta niya ang "Ngiti" ni Ronnie Liang. First time daw kasi niyang gumawa ng eksena na nanghaharana siya.

"Medyo kinabahan ako, first time kasi. Pero okay naman, nag-enjoy naman ako, nagawa ko naman nang maayos," nakangiting sabi ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN