Fanny Serrano defends KC Concepcion against "maldita" tag

"Kasi naman, siguro pag ang talent laging 'po' at 'opo' lang, okay sa manager. Pero pag nag-disagree ka, o may question ka, maldita na? E, si KC, nag-aral 'yan sa France. Iba't ibang tao naman ang nakakausap niya, she has learned to deal with all kinds of people, e," opinyon ni Fanny Serrano tungkol sa napaulat na "kamalditahan" ni KC Concepcion (inset).


Bilang kaibigan, natural lang na maging concerned si Fanny Serrano sa mga artistang naging bahagi na ng kanyang salon business, tulad ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Kaya anumang issue na sangkot ang mga ito ay hindi niya puwedeng ipagwalang-bahala, although maingat din si Fanny na basta magbitiw ng mga pahayag.

Noong Lunes, November 8, ay sandaling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Fanny sa lilisanin niyang salon sa Scout Rallos St., Quezon City. Abalang-abala ang beauty guru dahil sa paglilipat na ginagawa sa bagong location ng kanyang Fanny Serrano Salon.

May meeting din ang PICA (Philippine International Cosmetologists Association) that early evening. Kaya habang naghihintay sa mga kasamahan, ay tinanong namin si TF (tawag kay Fanny) hinggil sa naging sitwasyon ni KC with her former manager, Shirley Kuan.

Bagamat may official statement na si Shirley, a.k.a. SK, ang naunang nagsilabasan ay mga blind items, na tukoy ang identity ng talent at ng manager. Malinaw na ang mga ito ay panay may nasty remarks laban sa batang artista.

Pinabulaanan naman ito ng dating manager ni KC, na nagsabing she wished her former ward well in all her showbiz plans. Ngunit nabahiran na ang pangalan ni KC.

SHARON, KC, AND SK. Una'y nagpaalam ang PEP na ma-interview kung maaari ang Megastar, through TF sana, pero umalis muli ng bansa si Sharon.

Sabi ni Fanny, "Ayaw pa niyang mag-comment, kakadating lang niya [from the U.S.], e, busy pa siya kahapon.

"Para sa kanya kasi, si SK [palayaw ni Shirley Kuan] ang mas magandang kausapin, kasi mas problema nila yun [ni KC]."

PEP told Fanny na nag-issue na ng statement si SK. But the initial news feeds in blind items kept saying KC was being "maldita."

Ang opinyon naman ni Fanny tungkol sa isyu:

"Kasi naman, siguro pag ang talent laging 'po' at 'opo' lang, okay sa manager. Pero pag nag-disagree ka, o may question ka, maldita na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, si KC, nag-aral 'yan sa France. Iba't ibang tao naman ang nakakausap niya, she has learned to deal with all kinds of people, e.

"At huwag na tayong lumayo. Noon, si Nora Aunor, na panay din talaga ang 'po' at 'opo' sa pagsasalita niya, na ganun din sa mga managers at advisers niya, na ang image sa publiko, e, masunurin.

"Di ba, kung paano din naman siya sabihang sobrang maldita daw? May hihigit pa ba sa sinasabing kamalditahan ni Nora Aunor?"

Naniniwala rin si Fanny na independent-minded si KC, na maaaring misunderstood lang ng kanyang dating manager.

Tungkol naman sa pagme-makeover ni Fanny sa unica hija nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, at pagsa-suggest na rin ng mga isinusuot nitong damit at ayos, mayroon daw mga komento si SK na taliwas sa gusto talaga ni KC.

"Minsan kasi, sasabihin ni SK, 'Naku, TF, si KC naman masyadong daring sa choice niya ng styles ng dress na isusuot. Parang hindi pa dapat for her age and status. Siguro, may mas proper time for that.'

"Hindi naman sa pagiging conservative, ano, pero SK felt hindi pa ito ang tamang panahon na magpaka-daring si KC," sabi ni Fanny.

Ngayon ay nasa pangangalaga na ng Star Magic si KC.

RAVES FOR TARIMA. On a lighter note, patuloy naman ang kasiyahan ni Fanny sa magagandang feedback at reviews sa pelikula at performance niya sa Tarima. Palabas pa sa ilang piling sinehan sa Metro Manila ang Tarima.

Para kay Fanny, wala nang hihigit sa mga matapat na assessment tungkol sa pelikula at sa pagganap nila ng mga artistang kasali sa cast— partikular ang mga hinahangaan niyang sina Ms. Gloria Romero, Ms. Rustica Carpio, at "leading man" na si Rocky Salumbides.

Not to mention comedian Chokoleit, na naging matulungin kina Fanny nang tinanggap nito ang role na tanggihan ng ibang gay actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN