Jake Cuenca on rumored girlfriend Melissa Ricks: "Sobrang suwerte ko na binibigyan niya ako ng oras at panahon."

Nakatapos na ng isang indie film si Jake Cuenca, ang H.I.V., at meron pa siyang ginagawang dalawang pelikula—Super Inday and the Magic Bibe ng Regal Films at Huling Sayaw ng Star Cinema. Bukod dito, ginagawa rin niya ang primetime series na Green Rose para sa ABS-CBN.


Sa kabila ng kanyang busy schedule, at kahit may bakas pa siya ng sore eyes, dumating pa rin si Jake Cuenca sa press conference ng kanyang indie film, ang H.I.V., sa San Lazaro Hospital, Manila, kahapon, November 9.

Ang akala namin ay isang Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) victim ang character na ginagampanan ni Jake sa movie. Pero siya pala ang masigasig na nagre-research tungkol dito at sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) victims.

"Definitely, kinailangan kong aralin ang HIV, ang symptoms. So, panoorin n'yo po ang movie. Ayokong i-spoil ang movie for anyone. But definitely, inaral ko po ang mga symptoms.

"I had to stay with Wango [Gallaga]. Kinailangan ko siyang obserbahan para magampanan ko nang tama ang role ko," banggit ng 22-year-old actor.

Si Wango ang anak ng direktor na si Peque Gallaga na HIV-positive. Sa kanya ibinase ang istorya ng indie film na pinagbibidahan ni Jake.

Ngayong marami na siyang alam about HIV, mas naging conscious ba siya tungkol sa sakit na ito?

"Nakakatakot!" sambit ng young actor. "During the whole movie, wake-up call siyang talaga. At the same time, awakening.

"Pero again, ang pelikula rin namin, hindi naman siya panakot. Nagbibigay rin siya ng hope na kahit may HIV ka, hindi po ibig sabihin, mamamatay ka. Hindi po ganoon yun.

"Mapapanood n'yo sa pelikula namin kung paano rin mabuhay nang tama, paano mabuhay nang normal kahit na may HIV ka."

Gaya ng nabanggit, unang indie film ito ni Jake at nagustuhan niya raw agad ang script nito.

"Kumbaga, ginawa ko ito bilang actor. Hindi ko ginawa ito, sabihin na natin because of financially [sic].

"Ginawa ko po ito dahil ito ang isinigaw ng puso ko. Sobrang na-magnetize ako from the moment na nabasa ko ang script," saad niya.

LAGARE KING. Lagare ngayon si Jake sa paggawa ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ang H.I.V. ay ipalalabas na sa December 1, may tinatapos siya ngayong dalawang pelikula—ang Super Inday and the Magic Bibe ng Regal Films at Huling Sayaw ng Star Cinema.

Sa Super Inday, na entry sa 2010 Metro Manila Film Festival, si Jake ang leading man ng bidang si Marian Rivera.

Sa Huling Sayaw, na ipalalabas early next year, ay siya ang magiging ka-love triangle nina Angel Locsin at Aga Muhlach.

How is it working with Marian na isang Kapuso?

"Wala akong masabi tungkol kay Marian," sambit ng Kapamilya actor.

"Sobrang bait na tao. Si Marian ay parang one of the boys talaga na sobrang daling pakisamahan.

"At first, nakaka-intimidate kasi si Marian ang makakatrabaho ko. Pero ang dali, e. I don't have to make an effort at all na maging kaibigan siya.

"Sobrang nag-click yung friendship agad, yung team-up para sa akin. Na-enjoy ko lahat ng shooting. At ngayong patapos na ang shooting, parang bitin pa nga."

Nakasama ba niya si Marian noong pareho pa silang nasa bakuran ng GMA-7?

"Si Marian, naalala ko ang una niyang guesting, sa SiS pa, ako ang nakasama niya noon. Pero never kaming naging magkaibigan. Naging magkaibigan na lang kami rito sa pelikula," ani Jake.

Sa telebisyon naman ay busy rin si Jake sa pagte-taping ng bago niyang primetime series sa ABS-CBN, ang Green Rose. Makakasama niya rito sina Jericho Rosales at Anne Curtis.

"Opo, that's for next year also," banggit pa niya.

Sa dami ng ginagawa niya ngayon—tatlong pelikula at isang TV series—nakakatulog pa ba siya?

"Trabaho nang trabaho," nakangiting sabi ni Jake.

"Tulad nga ng nangyari sa akin, nagka-sore eyes ako for one week straight. At meron pa akong blood clot sa eyes kaya nga po naka-shades ako ngayon."

USAPING PUSO. Sa sobrang dami ng kanyang ginagawa, tila hindi kapani-paniwala na naisisingit pa rin niya ang kanyang love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ba niya nagagawa 'yon?

"Ang sa akin ano, yung mga ganyan, kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.

"At saka kapag mahal mo talaga ang trabaho mo, pagkagising ko ng umaga, ganado akong magtrabaho dahil mahal na mahal ko ang ginagawa ko.

"At isa pang natutunan ko sa pelikula rin namin na H.I.V., kada araw ko sa buhay ko, e, blessing."

Kumusta na nga ba sila ng rumored girlfriend niyang si Melissa Ricks?

"Maayos naman, okay naman, masaya naman," sabi niya tungkol sa samahan nila ng 20-year-old actress.

So, happy sila?

"Masaya at saka siyempre, busy rin siya. Tine-tape niya ang Noah at marami rin siyang susunod na proyektong gagawin.

"Pareho lang kaming nagsusuportahan. Pareho lang kaming ginagalingan ang trabaho namin. Sa ngayon, busy talaga, e."

Sa mga salita niya, tila sila na nga ni Melissa. Ibig bang sabihin nito ay inaamin na niya ang kanilang relasyon?

Natawa muna si Jake at sinabing, "Basta, mabuti na yung slow... Sa aming dalawa, inuuna muna namin ang priorities namin.

"But definitely, sobrang special siya sa akin. Sobrang suwerte ko na binibigyan niya ako ng oras at panahon."

There was a time na tila nagkalabuan sina Jake at Melissa. Ito ay noong pumasok sa eksena si Jolo Revilla at nabalitang nililigawan si Melissa.

So, sa huli, sina Jake at Melissa pala talaga?

"Actually ano, ang sa akin naman, tulad nga ng sinabi ko dati, wala naman akong karapatang magselos, or wala naman akong karapatang sabihin sa kanya na huwag kumausap ng iba. Siyempre, she's entitled to do that.

"She's a young lady. Alam n'yo yun, bata pa siya, e.

"Hindi ko rin naman siya pine-pressure, minamadali. Pero tulad ng sinabi ko, may kurot yun. Minsan, nakakaselos din naman.

"Suwerte lang din ako na binibigyan niya ako ng oras at panahon. Suwerte rin ako na kinakausap niya ako araw-araw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey na ba sila ng mommy ni Melissa? Tanggap na ba siya nito?

"Okay naman," sagot ni Jake.

"Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi puwedeng magmadali. At saka, ang babaeng tulad ni Melissa, hinihintay. Ganoon siya kaespesyal at ganoon siya kabait."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN