ABS-CBN posts P2.9-billion profit in first nine months of 2010


Malapit nang maabot ng ABS-CBN ang P3-billion target income nito para sa taong 2010.

Sa katunayan, mahigit-kumulang P100 milyon na lamang ang kailangan ng nasabing network para maabot sa target.

Inihayag ito ng mga opisyal ng network sa isang briefing kaninang umaga, Nobyembre 12, sa ELJ Building ng ABS-CBN sa Quezon City. Dumalo dito ang PEP (Philippine Entertainment Portal), ilang miyembro ng business press, at ang mga business partners at investors ng ABS-CBN.

Base sa isang presentation na pinamunuhan ni Charles Gamo, head ng investor relations ng network, P2.9-billion na ang profit na nakuha ng ABS-CBN. Ito ay datos daw mula Enero hanggang Setyembre lamang ng taong ito.

Samakatuwid, mahigit-kumulang P100-million na lang ang bubunuin ng network mula Oktubre hanggang Disyembre para makuha nito ang target na P3 billion.

Sa parehong period noong 2009, P1.3 billion lamang ang nakuhang profit ng ABS-CBN—nangangahulugang mas mataas ang kinita ng ABS-CBN ngayong 2010.

Mas mataas din ang consolidated revenue ng nasabing kompanya mula Enero hanggang Setyembre nitong 2010 kaysa noong 2009.

Nagtala ng P24.7 billion consolidated revenue ang ABS-CBN ngayong 2010, na mas mataas nang 35% noong isang taon.

ADVERTISING REVENUE. Ayon kay Gamo, nagtamasa raw ang ABS-CBN ng mataas na advertising revenue noong unang quarter—Enero hanggang Marso—ngayong 2010.

Napanatili naman daw ito ng ABS-CBN hanggang third quarter—o mula Agosto hanggang Setyembre.

Sa P24.7 billion na revenue, 68% dito ay nanggaling sa advertising, habang 32% naman ay galing sa consumer sales (kita galing sa subscription sa ABS-CBN Global o TFC, Skycable, at iba pang platform).

Paliwanag ni Gamo, tumaas daw ang advertising revenue dahil sa pagtaas din ng mga political ads ngayong taon, dahil na rin sa nakaraang eleksyon.

Kung susumahin, P16.9 billion ang total advertising revenue ng ABS-CBN sa lahat ng platform at subsidiaries mula Enero hanggang Setyembre 2010. Mas mataas ito ng P6.2-billion, o 58%, sa parehong period noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumaas din ng P3.9 billion ang advertising revenue mula sa mga regular na advertisers. Samantala, P2.3 billion naman ang kinita ng network sa political advertisers.

Tumaas din ng 46% ang total advertising minutes ng ABS-CBN, kung ikukumpara sa parehong period noong isang taon.

Ang 93% ng total advertising minutes ay nanggaling sa regular advertisements, habang 7% lamang ang nanggaling sa election-related advertisements.

RATINGS DOMINANCE. Ayon din sa report ni Gamo, tinatamasa pa rin ng ABS-CBN ang ratings leadership kung pagbabasehan ang datos mula sa Kantar Media.

Ayon sa Kantar Media, mula Agosto hanggang Setyempre, 41% ang average ratings na nakuha ng ABS-CBN—mas mataas nang 7% sa competitor nitong GMA-7.

CONSUMER SALES. Tumaas din daw ang consumer sales, o kita mula sa subscription sa ABS-CBN Global, Skycable at iba pang platform ng ABS-CBN.

Umabot ito sa P7.8 billion ngayong taon, mas mataas nang P160-million kaysa sa kita noong 2009.

Tumaas ng 8% ang revenue ng ABS-CBN Global kung dolyar ang figures na pinag-uusapan. Ayon kay Gamo, sa mga bansang Canada at Australia raw lumakas ang subscriptions sa ABS-CBN Global.

Tumaas naman ng 10% ang revenue sa Skycable, mula sa pagtaas ng subscription sa cable TV at broadband services.

EXPENSES. Pagdating sa gastusin, inamin ng network na nitong 2010 ay tumaas ang kanilang expenses nang P3 billion, o 21%, dahil sa pagtaas din ng production cost at general and administrative expenses.

Umabot sa P17.4 billion ang suma-total ng expenses ng ABS-CBN mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Sa nasabing period, 1.2 billion, o 26%, ang itinaas ng total production cost.

Nasa P5.9 billion na ito ngayong taon, dahil na rin sa 36% na pagtaas daw ng bilang ng in-house produced primetime dramas, afternoon programs, at variety shows ng ABS-CBN, dahil rin umano sa viewer needs at advertiser demand.

Dahil sa nasabing demand, tumaas nang P1.3-billion, o 36%, ang cash production cost.

Kasama na sa pagtaas na ito ang increase sa talent fees at sahod at benepisyo ng production personnel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumaas din ang equipment rental at service fees, pati na rin ang gastos para sa mga set, transportasyon, at catering.

Samantala, P49-million, o 1%, lamang ang pagtaas ng presyo ng sales and services.

Malaki naman ang inakyat ng General and Administrative Expenses (GAEX), na tumaas nang 46% o P1.9 billion.

Umaabot naman ang EBITDA (Earnings Before Interest, Taxes, Depreciation and Amortization) ng P6.9 billion sa ngayon, mas mataas nang P1.7 billion, o 33%, sa unang siyam na buwan ng 2009.

Bumaba naman ang capital expenditure at film-and-program-rights acquisitions mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito.

Ito ay P2.5 billion na lamang ngayon, mas mababa nang P367 million, o 13%, sa parehong period noong 2009.

LOAN. Noong Oktubre 29, 2010, nakakuha naman ang ABS-CBN ng isang syndicated term loan na umaabot sa P10 billion. Gagamitin ito para sa pag-refinance ng ilan nang existing debt facilities na umaabot sa P6.6 billion.

Gagamitin din ang nasabing loan upang mapondohan ang ilang working capital requirements.

Ang nasabing loan ay unsecured at unsubordinated. May interes ito na 3-month PDST-F plus 0.65% per annum para sa floating rate portion nito.

Samantala, 7-year PDSTF plus 0.65% per annum naman ang interes para sa fixed rate portion.

Ang loan ay may amortization na may final maturity sa November 9, 2017.

Ayon kay Rolando Valdueza, ABS-CBN Chief Financial Officer, ang loan na ito ay magpapataas ng financial performance ng network.

"[It] takes advantage of prevailing low interest rates and the Company's stronger financial performance in recent years to lower its cost of debt and fund its expansion requirements.

"Consequently, ABS-CBN's effective interest cost on all its interest-bearing debt will go down by about two percentage points, from which the Company expects to generate savings in annual interest expenses of over P90 million.

"Apart from the savings that will be generated, the new loan agreement also incorporates more relaxed covenants," paliwanag ni Valdueza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag naman ni Mike Villanueva, ABS-CBN Treasury Head, nakapag-avail na ang ABS-CBN ng P6.9 billion mula sa loan facility noong November 9, 2010.

Ito ay may pantay raw na bahagi mula sa fixed-rate funds at floating-rate funds.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN