Aga Muhlach denies rumored rift between wife Charlene Gonzalez and Toni Gonzaga

Aga Muhlach says he knows nothing about the rumored rift between his wife Charlene Gonzalez and Toni Gonzaga. "Kung meron man... Hindi totoo yun. Walang makakaaway ang asawa ko. Imposible yun."


Pormal na pinasimulan ni Aga Muhlach at ng Filipino fastfood company na Jollibee ang 16th Jollibee MaAGA ang Pasko Toy and Books campaign sa One Esplanade, Pasay City, kahapon, November 11.

Bukod sa pagsisimula ng kampanya ay pinangunahan din ni Aga, Jollibee officials, at ng hosts na sina Suzi Entrata-Abrera at Drew Arellano ng Unang Hirit ang investiture ceremony ng mga bagong "Toy Scouts" ng proyekto nila ng Jollibee.

PROJECTS LINE-UP, 2011 & 2012. Matapos ang programa, agad na kinapanayam ng mga naghihintay na media, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal), si Aga.

Kinumusta sa aktor ang status ng pelikula nila ni Angel Locsin.

"We're showing next year. Lahat naman ng ginagawa ko will show next year, pati na yung sa amin ni Regine [Velasquez]. Hindi pa nga lang namin natatapos yung sa amin ni Regine," balita na rin ni Aga tungkol sa pelikula nila ni Regine na may working title na Of All The Things.

"Actually, nauna pa ngang nag-start yun. Unfortunately, medyo nagkabitin-bitin. So, pasensiya na talaga. Next year, lalabas lahat yun.

"Plus yung first teleserye na gagawin ko... Well, we're still talking about it. So, ewan ko kung matutuloy."

Ibinalita rin ni Aga na gagawa sila uli ng pelikula ni Lea Salonga sa susunod na taon din. Huli silang nagkasama ni Lea sa pelikulang Sana Maulit Muli noong 1995, at unang nagkasama naman noong 1992 sa pelikulang Bakit Labis Kitang Mahal.

"Yung sa amin ni Lea, next year namin gagawin, 'tapos ipapalabas sa 2012."

Hindi naman halos nakapagsalita si Aga at nagulat pa nang malaman ang malagim na sinapit ng pamangkin ng kanyang Huling Sayaw leading lady na si Angel.

Biktima ng karumaldumal na pagpatay ang pamangkin ni Angel na si Rachel Marie Colmenares Salvador Sansan. Suspect sa pagpatay ang asawa nitong nagngangalang Fernando. (CLICK HERE to read related article)

"Sorry to hear about that... Hindi ko alam, sorry, ha," ang nasambit na lang ni Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumusta na lang sa aktor ang pakikipagtrabaho niya kay Angel.

"Okay... I mean, ayos, masaya. Iba yung the energy that she brings sa set. 'Tapos nagkataon pa, na napakahirap ng pelikulang ginagawa namin.

"And bilib ako sa kanya, dahil bukod sa pelikula namin, meron pa siyang ginagawa na Imortal, yung ginagawa nila ni John Lloyd [Cruz]. And I know how hard it is for her. Because she comes to the set, coming from her taping. So, it's hard. 'Tapos yung pelikula namin, e, napakahirap na pelikula rin."

Pero sa kabila raw ng mga hirap ay excited silang maipalabas na ang pelikulang pinaghirapan nila. Espesyal din daw ang Huling Sayaw para sa kanya.

"Parang reunion movie namin ito ni Direk Olive Lamasan na after Sana Maulit Muli, so, I'm really looking forward [sa showing ng movie]," banggit pa ni Aga.

RIFT NOT TRUE. Tinanong naman si Aga tungkol sa napabalitang samaan ng loob diumano nina Toni Gonzaga at ng asawa niyang si Charlene Gonzalez, na parehong hosts sa The Buzz kasama sina KC Concepcion at Boy Abunda.

Natawa muna ni si Aga bago sumagot, "Ha? Hindi ko alam..! Hindi totoo yun. Ang dami kong hindi alam, ah. Ha-ha-ha!

"Kung meron man... Hindi totoo yun. Walang makakaaway ang asawa ko. Imposible yun," nangingiti pang pahayag ng aktor.

ALTRUISM KEEPS GROWING. Tungkol naman sa proyekto nila ng Jollibee, hindi maitago sa mukha ni Aga ang kasiyahan nang makitang lumalaki na ang bilang ng mga gustong tumulong sa kanila at lumalaki na rin ang bilang ng mga natutulungan nila.

Mga estudyante mula sa 47 paaralan at mga lider mula sa 29 na organisasyon at mga kumpanya ang mga nagsidatingan sa One Esplanade upang sumumpa bilang mga "Toy Scouts" noong araw na iyon.

"Nakakagimbal, pero nakakatuwa. Kasi sabi nga ni Mr. Cuadrante [Albert Cuadrante, VP for Marketing ng Jollibee], Luzon pa lang ito—16 years na and still growing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paano pa sa next 16 years? Visayas at Mindanao naman. So, ngayon ko lang na-realize na lumalaki na talaga yung mga natutulungan at mga gustong tumulong," sabi ni Aga tungkol sa proyekto nila ng fastfood company.

HOW HE STARTED IT. Sa speech ni Aga noong nagaganap ang programa para sa pormal na pagsisimula ng toy-and-books campaign, ikinuwento niya kung paano niya sinimulan ang MaAGA ang Pasko.

"Papa'no ko ba sasabihin ito...how it started, sixteen years ago. I was...16 years old? Ilang taon ako no'n? Sixteen, ano? Tama, 32 na 'ko ngayon, puwede... Nagkaanak ako 12 yata ako," biro ni Aga.

Pero pagpapatuloy ng 41-year-old actor, nagsimula lang daw talaga ang lahat nang maisip niyang ipagdiwang ang kanyang birthday sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang live show, kunsaan ang gagamiting tiket ng mga manonood ay mga laruan.

"Kokolektahin ko yung mga laruan at ido-donate ko sa isang orphan house. Yun lang, as simple as that," kuwento pa ni Aga.

Gusto lang daw niya noon na makapagdulot ng saya sa mga bata, lalo na sa mga mahihirap na mga bata.

"Alam mo yung feeling na pag Christmas, yung regalo natin, yung saya na ibinibigay sa bata...yung saya lang na yun. Yun lang ang intention ko nung una talaga," patuloy niya.

"And the rest is history," aniya. (CLICK HERE to watch video of Aga's speech.)

GROWING BIGGER. At mula nga nang sinamahan na siya ng Jollibee noong 1995, unti-unti nang lumaki ang MaAGA ang Pasko toy-and-books campaign. At hindi na rin nga ang pagkolekta lang ng mga laruan at libro ang ginagawa nilang pagtulong.

Nitong nakaraang taon, matapos salantahin ng mga bagyong Ondoy at Pepeng ang Kamaynilaan at ilang bahagi ng Luzon, isinama na rin sa kampanya ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa iba't ibang maliliit na pampublikong paaralan.

At hindi lang tuwing nalalapit ang Pasko nila ginagawa ito, kundi buong taon na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang nakakatuwa sa Jollibee. Pag may idea ka, basta pagtulong sa kapwa, they will embrace it," pagpugay tuloy ni Aga sa fastfood company.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN