Mocha Uson says of people passing judgment on her being bisexual: "dapat ay hindi na sila magpaka-ipokrita"

"Ang sa akin, sana ay magpakatotoo na lang sila tulad ko. Mabuti na iyong nagpapakatotoo ako, kasi magustuhan man ako ng ibang tao o hindi, at least ay masaya ako," sabi ni Mocha Uson tungkol sa kanyang detractors.


Itinanggi ni Mocha Uson na may inggitan sa grupo nilang Mocha Girls, na kinabibilangan din ng dating EB Babe na si Mae dela Cerna at ni Jhane Santiaguel.

Sinabi rin ng morenang singer-actress na malabo sa isip niya ang mag-solo dahil mas enjoy siya sa kanyang grupo ngayon.

Aniya, "Very happy at very proud ako sa kanila, kasi unang-una, mababait sila. Pangalawa, very talented.

"Mabilis kaming nag-jive, mabilis, e. Hindi ko ine-expect na ilang buwan pa lang kami, pero parang pang-isang taon na yung mga ginagawa namin. Parang more than years na kaming magkakasama, nag-jive agad.

"So, malabo 'yong inggitan sa grupo dahil very cooperative sina Mae at Jhane. We work as a group talaga.

"Actually, puwede silang magbigay ng input...suggestions. Kunwari, si Jhane noong minsan ay gusto niyang maggitara, pinaggitara namin. Gusto niya ng Shakira, pinakanta namin siya ng Shakira.

"So, mas maganda kung mas maraming suggestions, mas okay."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mocha sa mini-presscon para sa show na Luv to Laff na gaganapin sa November 20 sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.

Makakasama ng Mocha Girls dito sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Aljur Abrenica.

Dagdag pa ng sexy singer, "Never kong gagawin ang mag-solo, kasi kung gusto ko talaga, sana noon ko pa ginawa.

"Pero ako kasi, hindi po importante sa akin 'yong solo, 'yong raket. Ang mas importante sa akin ay ang makapagbigay ng magandang show.

"And mas nagiging maganda ang show ko kapag nakakasama ko 'yong Mocha Girls, mas maganda po iyong performance.

"Ang kagandahan po kasi ngayon, nakakapag-solo ako, yung TV5 ko, and I can do the group thing sa gigs.

"Tapos silang dalawa ay nagte-taping din sila na sila lang dalawa. At saka rin napi-feature rin sila bawat isa sa FHM.

"So, hangga't may babae kasing gustong sumama sa akin, hangga't may mga babaeng gustong maging part ng group ko, tuloy-tuloy pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit may ginagawa akong solo projects, andito pa rin po ako sa Mocha Girls to perform as a group and to train the girls to be independent performers. Walang iwanan talaga ito."

CENTER OF ATTRACTION. Sinagot din ni Mocha ang isa pang intrigang siya lang daw ang sentro ng kanilang grupo, at pruweba raw nito ay pangalan niya ang ginagamit nila.

"E, wala na po tayong magagawa doon," sabi niya. "Ako po ang nagbigay ng pangalan namin, ako ang nagbuo nito.

"Kaya ko nga po ginawang Mocha Girls, because I wanted to give them a break, I included them in my album and because I consider them as my friends. So, instead na Mocha lang, Mocha Girls."

Wala bang nag-suggest na palitan na ang pangalan nila?

"Muntik na, muntik na talaga," mabilis niyang tugon. "Kasi sabi ko, sige palitan na nga natin... ganyan-ganyan.

"Oo, pumayag ako, pero nagkataon, ang nangyari, parang Mocha with blank and blank ang lalabas. Ang dami, so 'yong iba ay nagrereklamo kung bakit tatlo na 'yong pangalan diyan, tapos may pangalan pa ng band, ganyan...

"So, naguguluhan iyong mga kliyente kung ano ba talaga, ang gulo-gulo raw. So ang nangyari, nag-stick na lang kami sa kung ano 'yong mare-recall ng mga kliyente, para pare-pareho naman kaming may kita," paliwanag ni Mocha.

Paano kung intrigahin siyang bad influence kina Jhane at Mae dahil sobrang palaban at daring na sila ngayon, lalo na ang huli?

"Hindi naman masama kung naging palaban sila at naging liberated. Kumbaga, sila ay mas hindi naging problema sa grupo. Kasi, they are not judged, they can be themselves.

"Kumbaga, kung ganyan talaga si Mae, sweet siya pero may naughty side, bakit hindi natin hayaang i-explore niya ang kanyang sarili? Pati si Jhane, ganoon din, hayaan natin siyang i-explore ang kanyang sarili."

LIBERATED. Ano ang message niya sa mga nagsasabing "kadiri" ang pagiging bisexual at pagka-liberated niya sa sex?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ipokrita sila! Ipokrita sila!" madiin na saad niya.

"Kasi baka mas kadiri pa 'yong ginagawa nila kaysa sa akin. Mas pangit kasi kung hindi ako magpapakatotoo, di ba? Kasi, sila rin 'yong magiging malungkot, e.

"So, ang sa akin, sana ay magpakatotoo na lang sila tulad ko. Mabuti na iyong nagpapakatotoo ako, kasi magustuhan man ako ng ibang tao o hindi, at least ay masaya ako.

"Kaysa ginagawa nila yun na in the closet sila o kaya ay patago, so, ano yung purpose ng existence mo kung you cannot be yourself?

"So, dapat ay hindi na sila magpaka-ipokrita," diretsahang wika pa niya.

NUDE PAINTINGS. Bukod sa show na Luv to Laff sa Zirkoh Morato at PO5 sa TV5, paghahanda sa exhibit ng nude paintings niya para sa mga biktima ng breast cancer, at sa kanilang next album, may tinatapos ding indie film ang Mocha Girls ngayon.

"Yeah, it's called Ang Babaeng Ginahasa," banggit ni Mocha.

"Ang kagandahan nito, it's a digital movie to be released in Malaysia and parang true story. Kung ano po 'yong nangyayari sa ating bansa na parang masahistang babae, na nabibiktima ng mga employer na nagte-take advantage.

"Iyong tipong galing sa probinisya, nagpunta ng Manila para maghanap ng trabaho... Akala nila ay simpleng masahista lang, 'yon pala ay iba na ang ipinagagawa sa kanila.

"I'm with Rommel Padilla, at sina Mae at Jhane ay kasali rin sa movie.

"Bale ni-rape ako roon ni Rommel, boss ko kasi siya rito, e, tapos ni-rape niya ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN