Thirteen-year-old Bea Binene not yet ready to fall in love

"Sayang naman kasi yung magandang nangyayari sa career ko kung magko-concentrate lang ako sa boys. Kaya trabaho po muna ako, 'tsaka na yung boyfriend-boyfriend," says Bea Binene.


Last November 4 ay nagdiwang si Bea Binene ng kanyang 13th birthday. Pero kahit tumuntong na siya sa teen-age bracket ay ayaw pa nitong magpaligaw o ma-in love.

"Naku, kahit 13 years old na po ako, ayaw ko po munang magka-boyfriend o kahit paligaw man lang. Magagalit sina Mama at Papa!" natatawang sabi ni Bea nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center noong Linggo, November 7.

Ayon pa sa Tween Hearts star, gusto muna niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career.

"Ang tagal-tagal ko na sa showbiz. Nagsimula ako noong bata pa ako sa Starstruck Kids, tapos nag-Lovely Day ako.

"Ngayon lang yung talagang masasabi ko pong nakikilala na talaga ako. Kaya naman mas gusto ko po munang mag concentrate sa career ko.

"Ayaw ko munang isipin yung mga boys!" tawa niya ulit.

Paliwanag ni Bea, "Sayang naman kasi yung magandang nangyayari sa career ko kung magko-concentrate lang ako sa boys. Kaya trabaho po muna ako, 'tsaka na yung boyfriend-boyfriend."

NO BIRTHDAY CELEBRATION. Sanay sa magarbo at malaking birthday celebration si Bea. Pero this year ay hindi siya nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

"Ewan ko ba, siguro parang nagsawa lang ako. Kasi halos taon-taon, may big birthday party ako," sabi niya.

"Kaya this year, hindi na ako nag-celebrate kasi nasa taping naman ako ng Tween Hearts. Kaya nung birthday ko, nasa trabaho ako.

"Binigyan lang nila ako ng cake at nag-greet silang lahat sa akin ng happy birthday. Para sa akin, masaya na ako no'n. Parang sa akin, ma-experience ko naman na walang party this year."

Kahit post-birthday party ba ay wala siyang balak?

"Sila Mama at Papa gusto nila. Pero ewan ko ba, ako kasi, parang ayaw ko na... Bahala na," sagot niya.

Tatlo lang daw ang wish at gustong maging regalo ni Bea sa kanyang 13th birthday: ang magkaroon ng magandang showbiz career, good health sa kanya at sa kanyang buong pamilya, at isang iPad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If ever daw na mabibigyan siya ng solo project ng GMA-7, wish daw ni Bea na magkaroon ng soap na may temang action o kaya ay isang magazine show.

JHAKE'S GIFT. Ano naman ang regalo sa kanya ng kanyang ka-love team na si Jhake Vargas noong birthday niya?

"Wala, pero baka nag-iisip pa ng ireregalo sa akin!" natatawang sabi ni Bea.

"Pero si Tonton [Kristoffer Martin], meron. Pero hindi ko na sasabihin kung ano ang regalo niya. Isa kasi si Tonton sa pinaka-close kong lalaki sa showbiz, lalo na't magkasama kami sa Tween Hearts.

"Sabihin ko na lang po sa inyo kung ano ang magiging regalo ni Jhake pag natanggap ko na!" tawa niya ulit.

"Joke lang po!' bawi ni Bea. "Okey lang naman sa akin kung wala siyang gift. Ang mahalaga, okay naman kami as friends."

SPORTS. Kahit medyo busy si Bea dahil sa kanyang showbiz career, binibigyan pa rin niya ng time ang kanyang pagkahilig sa sports. At nasisiyahan siya sa biyaya nito: magandang katawan.

"Kahit tatlo yung regular shows ko sa GMA-7—Ilumina, Tween Hearts, at Party Pilipinas—at mga shows sa labas, binibigyan ko pa rin po ng oras yung wushu at mountain climbing.

"Like, next year, baka lalaban ako sa ibang bansa sa wushu. Kaya kailangan ko ulit ng rigid training para manalo ako at makapag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas.

"Hindi ko rin kinakalimutan ang pagma-mountain climbing. Every time na may oras ako, umaakyat talaga ako ng bundok kasama pa ng ibang mga kaibigan kong umaakyat din ng bundok.

"Alam naman po natin na tabain ako. Kaya yung mga sports na kinahihiligan ko ang dahilan kung bakit maganda na ang katawan ko at hindi na katulad ng dati na mataba!" tawa ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN