Andi Eigenmann takes on the role of Galema for her next TV series; says "I really, really like what I'm doing!"

"They've taught me to love it, to just stick with it, and be passionate about it. You know, na hindi ko talaga siya kaya talagang iwan at walang ginagawa kung hindi just strive and be better in this industry. I really, really like what I'm doing!" said Andi Eigenmann about the support she's been getting from ABS-CBN executives.


Lubos na nagpapasalamat si Andi Eigenmann dahil tuluy-tuloy ang pagbibigay ng proyekto sa kanya ng ABS-CBN.

Matapos ang kanyang launching teleserye, Agua Bendita, muli namang lumabas si Andi sa lingguhang mini series na Your Song.

At pagkatapos nito, gagampanan ng dalagang anak ng mga kilalang aktor na sina Mark Gil at Jaclyn Jose ang bidang karakter sa komiks na Galema, Anak ni Zuma.

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki niya ang pagiging Kapamilya.

Aniya, "Like any other artist in ABS-CBN, kapag inaalagaan nila, kapag sinabi nilang kanila, talagang mamahalin nila at hindi nila pababayaan. That's what I love about them."

Kaya naman nagpahayag ng pasasalamat ang dalaga sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa Style Soirée ng kanyang clothing endorsement na The Ramp kahapon, Nobyembre 15, sa Society Lounge, Makati City.

Nakangiting sinabi ng batang Eigenmann, "Of course, I'm so happy. I'm so thankful to the management—from Ma'am Charo, Ma'am Cory, and of course Sir Deo—for taking care of me, na pumasok ako dito sa industriya not knowing where this would take me."

Ma'am Charo is, of course, Charo Santos-Concio, ABS-CBN President; "Ma'am Cory" is Cory Vidanes, ABS-CBN Channel 2 Head; and "Sir Deo" is Deo Endrinal, Business Unit Head, who put together Agua Bendita.

Sabi pa ni Andi, "Gusto ko lang talaga subukan and they've taught me to love it, to just stick with it, and be passionate about it.

"You know, na hindi ko talaga siya kaya talagang iwan at walang ginagawa kung hindi just strive and be better in this industry.

"I really, really like what I'm doing!

"Kaya sobrang nagpapasalamat nga ako sa ABS-CBN because they really believe in me, they trust me.

"After Agua, I got Your Song, then I'll get a new show right away, and everything is just tuluy-tuloy lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nakikita ko na talagang hindi nila ako pababayaan."

NO RIVALRY WITH EMPRESS. Sa kabilang banda, ipinagkibit-balikat naman ni Andi ang bali-balitang napupunta sa kanya ang ilang proyekto na dapat sana ay kay Empress Schuck, na isa pang ipinakikilalang bagong leading lady sa mga teleserye.

Aniya, wala naman daw siyang inaagaw na anumang proyekto kahit kanino.

Paliwanag ni Andi, "She was launched a few months after I was. All I got was Agua, Your Song, and that new teleserye. Tatlo lang 'yon so, hindi kay Empress 'yon.

"Hindi sa kanya nanggaling 'yon. Your Song 'yon, all of us will have our time to do Your Song. So, wala akong inagaw sa kanya."

Nilinaw din ng 17-year-old actress na magkaibigan sila ng kapwa niya Star Magic talent.

Sabi nga ni Andi, "Sa aming dalawa, wala kang mararamdamang awkward rivalry or any sense of rivalry o ng kumpitensya sa isa't isa.

"Ang turingan naman namin ni Empress, oo, pareho kaming kapwa artista, pero hindi as that. Turingan namin ni Empress para talagang magkaibigan, hindi 'yong naglalaban sa industriya for something."

Kung si Andi ay tinaguriang "Heiress of Drama," si Empress naman ang tinatawag na "Empress of Drama" ng ABS-CBN. Parehong pinapakilala ngayon ang dalawa bilang mga bagong leading lady sa mga teleserye. Kamakailan lamang natapos na ang fantaserye na Rosalka ng ABS-CBN's Hapon-tastic.

HAPPY FOR SISTER MAXINE. Samantala, nitong nakaraang linggo, inamin ni Mark Gil, ama ni Andi, na buntis ngayon si Maxine Eigenmann, ang kanyang ikalawang anak.

Para kay Andi, ang balitang ito ay hindi naman talaga itinatago. Bagkus, aniya, "It's just something that when you ask her, she'd say 'yes.'"

Nabanggit pa niya, "Bakit ko naman itatago 'yon, na buntis ang kapatid ko? We're happy about it and we trust my sister, okay? And if she thinks that she's happy about it, that she can do it, she can take care of herself and the baby...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, we'll love the kid just like my other nephew. Di ba, kaya 'yon ng ate ko, so siyempre suporta. Kaya nga nangyari sa ate kasi gusto niyang mangyari.

"Nandito lang kami para sa kanya basta kailangan niya kami. Mahal na mahal naman namin ang ate ko at saka siyempre ang nephew ko."

Si Maxine ay anak ni Mark Gil sa aktres na si Bing Pimentel, na mga magulang din ng aktor na si Sid Lucero.

Naging parte si Maxine ng mga dating television series na Tiyagong Akyat at Kung Tayo'y Magkakalayo. Naging cover din siya ng June 2010 issue ng FHM magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN