Dingdong Dantes nominated as Best Actor at 15th Asian Television Awards

Dingdong Dantes's portrayal of Cholo in Stairway to Heaven was noticed by the jurors of Asian Television Awards, which is now on its 15th year.


Nakakuha ng nominasyon ang Filipino actor na si Dingdong Dantes sa 15th Asian Television Awards (ATA).

Sa kategoryang Best Performance by a Drama Actor pumasok ang pangalan ng Kapuso star.

Dalawang aktor mula sa China, dalawa sa Malaysia, at tig-iisa sa Hong Kong at Taiwan ang makakatunggali ng ating pambato.

Nito lamang nakaraang Sabado, ika-13 ng Nobyembre, kinilala si Dingdong bilang Best Actor ng PMPC Star Awards for TV sa kanyang natatanging pagganap bilang Cholo sa Stairway to Heaven, kung saan napansin din siya ng mga hurado ng ATA.

Ang isang pang aktor mula sa Pilipinas na nominado ngayong taon ay si Michael V. Nominated siya sa kategoryang Best Comedy Performance by an Actor/Actress para sa Pepito Manaloto.

Samantala, sa mga programa naman, apat ang nakasama mula sa GMA-7.

Isa ay galing sa ABS-CBN. Ang Dahil May Isang Ikaw ng Kapamilya networkay nominado sa Best Drama Series. Tinampukan ito nina Gabby Concepcion, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Lorna Tolentino, at Sid Lucero.

Ang Bubble Gang naman ng GMA-7 ay kasama ulit sa kategoryang Best Comedy Program. Dati nang nanalo ang nasabing gag show noong 2004, at umani ng "Highly Commended" na citation noong 2003 at 2005.

Tatlong programa naman ng GMA-7 News and Public Affairs ang nominado sa iba't ibang kategorya:

- Ang "Maguindanao Massacre" coverage ng 24 Oras para sa Best News Programme. Dalawang shows na makakalaban nito ay mula sa CNN-India at CNN-Singapore, dalawa rin mula sa Al Jazeera-English ng Malaysia, at dalawa rin mula sa CNBC Asia Pasific ng Singapore.

- Ang Planet Philippines naman ay nakipagsabayan sa tatlong entries ng National Geographic-Asia, isa mula sa Discovery Channel ng Singapore, at isa rin mula sa PTS ng Taiwan, para sa kategoryang Best Natural History of Wildlife Programme or Docu-Drama.

- Ang ulat ng Reporter's Notebook tungkol sa "Ondoy's Wrath" ay kasama sa listahan ng Best Publis Affairs Programme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ika-9 ng Disyembre sa Pan Pacific Hotel, Singapore, magaganap ang gala dinner.

Ang Asian Television Awards, ayon sa website nito, ang "most significant and celebrated event, recognizing excellence in programming, production and performance" in Asian television.

Noong 2009, nakatanggap ang pamunuan ng ATA ng 1,020 entries mula sa labing-anim na bansa—Australia, Bangladesh, Cambodia, China, Hong Kong SAR, India, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, New Zealand, Pakistan, Philippines, Singapore, Taiwan and Thailand.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN