Marvin Agustin encourages foreign artists to visit the Philippines

"Sa simula, I have to be honest with them [fellow jurors], and sabi ko, medyo late bloomer ako pagdating sa film, so don't expect too much from me. But during the deliberation, napapakinggan naman ako and natutuwa naman ako na when I say something, nakikinig naman sila," actor-entrepreneur Marvin Agustin narrates his stint as a juror at the recently concluded 37thBrussels International Film Festival.


Kahapon, November 16, ay nagsimula nang mag-shooting si Marvin Agustin para sa GMA-7 primetime series na Beauty Queen.

Gagampanan ni Marvin and papel ng isang mayamang negosyante na magkakagusto sa main character ng story, portrayed by award-winning actress Iza Calzado.

"Young tycoon daw ako na parang mala-Donald Trump," nakangiting bungad ni Marvin. "Di ba, si Donald Trump meron siyang Miss Universe franchise? So, parang dahil sa pagmamahal ko kay Iza, gagawan ko siya ng isang beauty pageant.

"Sobrang interesting kasi ng character. Magsisimula ako na parang I'll rescue Iza sa lahat ng panggugulo sa buhay niya, until I get obsessed with her.

"Maganda 'yong twist ng character, so nakaka-excite, and then Direk Joel Lamangan pa ang magiging guide ko. I'm nervous but happy and excited."

Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters ng pagkakataon na makausap si Marvin noong November 15 sa Johnny Chow restaurant sa Resorts World Manila, Pasay City.

Marvin is a business partner of the resto, making it the tenth brand tucked under the young actor's chain of restaurants scattered around the metro.

FAIR DELIBERATION. Hanggang ngayon ay may afterglow pa si Marvin dulot ng kanyang recent visit sa Belgium para magsilbing juror sa 37th Brussels International Independent Film Festival.

Ginanap ang international film festival noong November 2 to 7. Dito rin nanalo ang kababayan nating aktres na si Meryl Soriano ng Best Actress award para sa kanyang pagganap sa pelikulang Donor.

Nasungkit naman ng Filipino director na si Brillante Mendoza ang Visionary Award para sa kanyang kontribusyon sa pagpapalawig ng independent film projects. (CLICK HERE to read related article.)

Sinabi ni Marvin na hindi niya naimpluwensiyahan ang resulta ng botohan in favor of Donor. Naging maingat pa nga raw siya sa pagboto dahil ayaw niyang isipin ng mga kasamang jurors na biased ang kanyang pagbibigay ng grado para paboran ang film entry ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would always be the last to say something kasi meron tayong pelikula. In fact, sa Best Screenplay category, I went with the judges na lang.

"Kasi, there were two movies na walang English subtitle and may nagta-translate lang sa akin, so hindi ko nakukuha 'yong buong screenplay. So, sa simula pa lang, sabi ko, 'I don't think I have the right to vote for screenplay and I'll just go with the jury.'

"Kung sino 'yong majority, then dun din ako," paliwanag ni Marvin.

PROMOTING THE PHILIPPINES. Maraming nakilala at natutunan si Marvin sa kanyang pagpunta sa Brussels International Independent Film Festival.

"It is something that I never imagined myself doing," sabi niya. "Kasi parang nung una na nga, di ba, kaya naman ako nag-artista is just to really help my family. Then, na-develop na lang talaga na gusto ko 'yong ginagawa ko.

"Tapos, I found myself sitting down with film enthusiasts, sitting down with passionate people like directors, producers, and actors from different counties. Mag-isa lang akong Asian boy sa jury, lahat sila Americans, Belgians, Mexicans..."

Meron nga raw mga grupo ng filmmakers at producers ang nagpahayag ng kagustuhan na dumalaw dito sa Pilipinas at kung sakali ay gumawa ng pelikula.

Laking gulat nga daw ni Marvin nang sabihin ng mga ito na balak nilang dumaan agad sa darating na Disyembre.

"Lumaki ang mundo ng pelikula para sa akin," pahayag ng negosyanteng aktor.

Aware si Marvin sa mga lumalabas na balita tungkol sa diumano ay travel advisory na pinapakalat ng ilang bansa sa kani-kanilang mamamayan na nag-iisip bumisita sa Pilipinas.

Pinapaalalahanan daw ang mga foreigners na mag-doble ingat sa pag-iikot dito sa bansa dahil sa panganib na dulot ng krimen at terorismo.

Nagmistulang ambassador naman ng Pilipinas si Marvin dahil todo-engganyo raw siya sa mga foreign artists sa Belgium na mamasyal dito at kumuha ng posibleng materyal na magagamit nila sa paglikha ng kuwento at pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ikinuwento ko sa kanila siyempre kung gaano kaganda ang Pilipinas at kung gaano ka-safe. Kasi nagkakaroon tayo ng image na hindi tayo safe, so I have to tell them na it's very safe. Ako nga, sabi ko, naglalakad ako kung saan-saan na mag-isa lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN