Marian Rivera on being called Dingdong Dantes's "selosa" girlfriend: "Sa totoo lang, naririndi na ako!"

"Nakakatawa lang kasi after naman din ng mga isyu na 'yan, sa totoo lang, hindi ako affected at keber ko talaga. Kasi si Dong talaga ay very vocal after ng mga isyu na ganyan, nagsalita siya na very much in love kami sa isa't isa, masaya ang relationship namin, palagi kaming magkasama. So, kung yung partner ko nga ganun na yung sinasabi, bakit ko pa iintindihin yung mga nakapaligid na ganun?" says Marian Rivera about rumors linking boyfriend Dingdong Dantes (inset) to o


Proud si Marian Rivera na sabihing siya ang "lucky charm" ni Dingdong Dantes kaya sunud-sunod ang tagumpay na nakakamit ng kanyang boyfriend.

Kabilang sa latest achievements ni Dingdong ang pagkakapili niya bilang Youth Ambassador ng National Commission of Culture and Arts, ang pagkapanalo niya ng Best Drama Actor sa 24th Star Awards for TV, at ang huli ay ang nomination niya as Best Actor sa 15th Asian Television Awards.

"Siyempre, happy ako para sa kanya. O, di ba, simula noong dumating ako sa buhay niya, ako yung lucky charm niya!

"Kasi siya, lucky charm ko rin naman siya, e. Halos lahat nangyayari nang tama, maganda, maraming blessings.

"So, ibig sabihin talaga ay nagkaka-swak kami sa bawat aspeto ng ginagawa namin," pahayag ni Marian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikulang Super Inday and the Golden Bibe ,noong Lunes, November 15, sa Imperial Palace Suites.

Hindi naman daw nakakaramdam si Marian na napag-iiwanan na siya ni Dingdong.

"Bakit ako malulungkot na tumataas siya at dumarami ang achievements, e, lahat naman ng mga 'yan, ako ang inspirasyon niya para makuha yun? Okay lang po yun.

"Kasi kami naman ni Dingdong, hindi naman po kami nagko-kumpitensiya. Dapat nga po ikatuwa mo na yung partner mo, umaangat. So, dapat maging masaya ka para sa taong mahal mo.

"Kasi ako, pag may achievement din ako, siya ang nauunang natutuwa para sa akin, e. So, ganun lang din ako sa kanya," saad niya.

DIFFERENT LEADING LADY. Natutuwa raw si Marian na sa kanya inalay ni Dingdong ang Best Actor trophy nito sa Star Awards.

"Saan ka pa, di ba? Hindi na nga ako ang kasama niya sa soap, pero sa akin pa rin niya dine-dikayt. O, di ba, ang haba ng hair ko!" natatawa niyang sabi.

Ang kapareha ni Dingdong sa Stairway to Heaven ay si Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya na kung kailan hindi siya ang ka-partner ni Dingdong ay saka ito nanalo ng acting award?

"Mas okay, kasi at least, kung anuman yung binabatikos sa kanya, e, napatunayan niya sa sarili niyang pamamaraan. Masaya ako para sa kanya dahil hindi niya kailangan mag-rely lang sa tandem namin," sagot ni Marian.

Siya ba ay naghahangad namang manalo ng Best Actress?

"Ay, mahirap maghangad ng ganyan," sabi niya. "Ang importante ay enjoy ako sa trabaho ko.

"Nanalo rin [sa Star Awards] ang Show Me Da Manny na puro pang-aliw lang ang ginagawa namin. Tapos, maganda rin namang natapos ang Endless Love, marami rin naman ang pumupuri. Tapos, may gagawin pa akong epic-serye sa GMA.

"So, siguro hinay-hinay lang din. Hindi naman komo't yung partner ko ay ambassador na at best actor pa... Ganun siya, e.

"Ako, simple lang ang buhay ko. Artista ako, aarte ako, at masaya ako. Sekretarya na lang niya ako!" biro ni Marian.

NO TAMPUHAN, NO SELOSAN. Dahil nga kapansin-pansin ang pagiging maayos ng relasyon ni Marian kay Dingdong, naitanong tuloy ng PEP kung kailan sila huling nagkatampuhan ni Dingdong.

"Tampo, sa totoo lang, ang tagal na naming hindi nagtatampuhan ni Dong. Kasi, simula din nang maghiwalay kami sa Endless Love, wala nang dahilan para magtampuhan kami.

"Basta sa tuwing nagkikita kami, 'Oy, kumusta ka na?' Okay na okay kami sa isa't isa. Sabik na sabik kami. Miss na miss namin ang isa't isa.

"So, wala nang dahilan para magtampuhan pa, sayang yung oras. Love, love na lang," pahayag niya.

Hindi rin daw apektado si Marian sa mga isyu na nali-link si Dingdong sa ibang aktres.

"Hindi, e, keber ko ba diyan!" bulalas niya.

"Nakakatawa lang kasi after naman din ng mga isyu na 'yan, sa totoo lang, hindi ako affected at keber ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi si Dong talaga ay very vocal after ng mga isyu na ganyan, nagsalita siya na very much in love kami sa isa't isa, masaya ang relationship namin, palagi kaming magkasama.

"So, kung yung partner ko nga ganun na yung sinasabi, bakit ko pa iintindihin yung mga nakapaligid na ganun?"

Ano ang masasabi niya na ang tingin ng iba ay selosa siyang girlfriend?

"Siguro yun ang nakikita nila. Hindi naman natin sila masisisi.

"Pero kami ni Dong, alam namin kung ano yung totoo. Bukod doon sa bibig na niya nanggaling kung anong klaseng relasyon meron kaming dalawa.

"Sabi ko nga kay Dong minsan, 'Alam mo, Dong, magpanggap ka kayang bakla para wala na tayong isyu sa mga ganyan.' Tapos ako, tibo. Okay na ako doon!" natatawang sabi ni Marian.

Nagsasawa na raw si Marian sa mga isyu tungkol sa pagseselos niya sa mga babaeng nali-link sa boyfriend niya.

"Alam mo, pag nag-uusap nga kami ni Popoy [Caritativo, manager niya], 'O ano na naman 'yan? Selos na naman. Sino na naman ang bagong pinagseselosan ko raw?'

"Wala na bang alam na ibang isyu kundi puro selos? Sa totoo lang, naririndi na ako!

"Ano pa ba ang kailangang patunay? Nagsalita na ako, nagsalita na si Dong. So, ano pa ang kailangang patunay para sabihing hindi ako nagseselos?" saad niya.

JAKE IS OKAY WITH DINGDONG. Si Dingdong din daw ay hindi naman nagseselos sa mga ka-partner ni Marian sa mga projects niya. Katulad na lang daw ni Jake Cuenca na love interest ni Marian sa Super Inday and the Golden Bibe.

"Wala naman problema sa amin ni Dong, yun kasi mga artista naman kami. Alam namin na maipa-partner din kami sa iba.

"Si Jake nga, napag-usapan namin at okay na okay si Dong kay Jake. Magkakilala naman silang dalawa at nagkatrabaho din noong nasa GMA pa si Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit kami ni Jake ay nagkatrabaho rin noon sa isang episode ng Wag Kukurap. Although masasabi kong naging magkaibigan lang kami ni Jake dahil sa Super Inday at na-appreciate ko yun."

Wala naman daw reason para magselos si Dingdong kay Jake.

"Ang importante kasi ay wala akong ginagawa o ipinapakita para magselos si Dong," sabi niya.

"Kami nina Jake, Ate Pokwang at Sweet [John Lapus], nag-enjoy lang kami sa paggawa ng Super Inday."

Ayon sa isang interview kay Jake, sinabi ng aktor na wala siyang balak manggulo sa relasyon nina Marian at Dingdong. Sabi pa nito ay walang "talo-talo" raw.

"O, kita mo, si Jake na ang nagsabi niyan, a! At saka alam naman niya na taken ako. Ang alam ko, taken din siya.

"So, trabaho lang talaga. Happy na ako na naging kaibigan ko si Jake. Hanggang doon na lang yun."

SEPARATE PROJECTS. Pagkatapos ng Endless Love, nagpasya ang GMA-7 na paghiwalayin muna ulit sina Marian at Dingdong sa kanilang TV projects.

Nagte-taping na si Dingdong ngayon ng I Heart You Pare kasama si Regine Velasquez. Ayon kay Marian, never niyang pagseselosan ang Asia's Songbird.

"Hindi, 'no! Ang importante, between sa amin ni Ate Reg, alam na namin. E, kakagawa ko lang ng MTV para sa kanya, e.

"Sabi niya sa akin, 'Oy, Yanyan, ikakasal na ako.' Sabi ko nga, 'Kaya nga, Ate, kaya pag na-isyu pa tayo nito, ewan ko na lang.'

"Ang importante, kaming dalawa nagkakaintindihan."

Si Marian naman ay nakatakdang gawin ang isang epic-serye na umano'y mala-Jewel in the Palace at Queen Seon Deok ang dating. Pero hindi raw ito base sa anumang Koreanovela—Pinoy na Pinoy daw ito.

Wala pa raw siyang leading man sa kanyang epic-serye.

"'Yan ang hinahanap namin last week ng GMA. Nagpa-audition kami ng magiging leading man ko. Hindi ko alam kung nakahanap na sila. Marami rin naman ang nag-audition," banggit ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto niya ba ng isang baguhan bilang ka-partner niya?

"Ako, kung ano ang ikakaganda ng soap, kung ano ang ibibigay ng GMA sa akin, doon ako. Ang hirap din naman kasing mamili na ito ang gusto ko.

"Siguro ipapaubaya ko na lang iyan sa GMA. Alam naman nila kung sino ang babagay sa akin," sabi niya.

Mas okay ba sa kanya na magkahiwalay sila ni Dingdong ngayon?

"Hindi ko naman sinasabing okay. Syempre iba rin yung pag magkasama kami sa set. Mas marami ang bonding.

"Pero siyempre, hindi naman all the time kami ang magkasama. Tulad ngayon, kasama niya si Ate Reg, tapos ako may epic-serye.

"Ang importante, nabibigyan pa rin namin ng oras ang isa't isa kahit hindi na kami magkasama sa show," sabi ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN