Christian Bautista on doing a movie in Indonesia: "Masarap palang maging artista sa ibang bansa!"

"Kasi ang script na ito, it's not the usual love story. Hindi siya yung usual horror. Talagang it's an inspirational [film], that it doesn't happen a lot in Indonesia. Sa Indonesia raw kasi, ang palaging movie, about love, horror or sex-comedy," says Christian Bautista about his first Indonesian film, Jayden's Choir.


Pagkatapos maging triple platinum ng last album ni Christian Bautista na Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan under Universal Records, may bago na naman siyang handog sa kanyang fans—ang A Wonderful Christmas.

Magkahalong contemporary Christmas songs and traditional Christmas carols ang nasa album ni Christian, na galing pa rin sa Universal Records: "The Christmas Song," "Angels We Have Heard On High," "Silver Bells," "Little Drummer Boy"...

"Christmas Shoes," "The Gift of Christmas," "Christmas Time," "What A Wonderful World," "Amazing Grace," "Christmas Alphabet," "Last Christmas," "All I Want For Christmas," "Oh Come All Ye Faithful," "It Came Upon A Midnight Clear," at "Nakaraang Pasko."

Ayon kay Christian, "We wanted to make things different. Meron kasing ibang songs na appropriate pa rin for Christmas kahit hindi siya pang-Christmas.

"Like 'What A Wonderful World' and 'Amazing Grace,' kahit na hindi siya pang-Christmas, so that makes it more special.

"Ang message naman pong talaga ng Christmas is the birth of Christ, salvation, so 'Amazing Grace' mismo is the best song about salvation. That's why we have put in it."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Christian sa launch ng kanyang Christmas album sa Dunkin Donuts SM Megamall kahapon, November 18.

Ano ang personal favorite niya among the Christmas songs in his album?

"My personal choice is yung ginawa kong kanta. I wrote a song, yung 'Christmas Time,' with my brother and Ito Rapadas," sabi ni Christian.

INDONESIAN MOVIE. Bukod sa kanyang recording career dito sa Pilipinas, may blooming acting career din si Christian—hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa Indonesia.

He is currently filming a musical movie in Indonesia titled Jayden's Choir. Ide-deliver ni Christian ang lines niya sa English.

"It's not finished yet. Babalik ako do'n bukas [November 19] until the 24th.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's called Jayden's Choir. I am a struggling Filipino musician who has to go to Jakarta.

"Kasi, wala na akong family dito at nandoon na ang nanay ko na iniwan ako noong bata pa. Tapos I have to live there and, apparently, she's managing a school with special children.

"Pagdating ko do'n sa school, yung mga special children, noong tumugtog ako ng gitara, parang kumonek sila sa akin. Later on, I became a teacher of music at naging choir sila, kaya Jayden's Choir.

"It's an inspirational family movie under Nation Production," paglalarawan ni Christian tungkol sa kanyang pelikula.

Paano ba siya napasok sa Indonesian movie na ito?

"Nilapitan nila ako," sabi niya. "Nag-present sila ng script. Tapos, na-challenge ako.

"Kasi ang script na ito, it's not the usual love story. Hindi siya yung usual horror.

"Talagang it's an inspirational [film], that it doesn't happen a lot in Indonesia. Sa Indonesia raw kasi, ang palaging movie, about love, horror or sex-comedy."

FOREIGN STAR. Nakapag-establish na ng career si Christian sa Indonesia dahil sa mga awitin.

Kung magtutuloy-tuloy na ang offers sa kanya sa Indonesia, mag-i-stay na ba siya sa naturang bansa?

"Siguro, kung sino ang mauna," nakangiti niyang sabi.

Ikinuwento rin ni Christian ang experience niya sa paggawa ng pelikula in a foreign land.

"Masarap. Masarap palang maging artista sa ibang bansa!" natatawa niyang sabi.

"Mababait sila, very hardworking. Ang gaganda ng mga shots at saka marami silang budget."

Tinanong din ng PEP si Christian kung ano ang nakita niyang pagkakaiba sa paggawa ng pelikula sa Indonesia at dito sa Pilipinas? Although isang pelikula pa lang naman talaga ang nagagawa niya rito sa Pilipinas,ang Mano Po 5 (2006) ng Regal Films.

"They are very organized. Yung lahat ng artista, naka-block na ang schedules nila in two weeks. Tapos ni-run namin ang buong movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito, di ba, kung kailan ka lang available, do'n ka na? Doon, lahat naka-block. Aaralin mo ang scenes mo, aaralin mo ang sequence.

"Tapos, pagdating sa shoot, organized. Very smooth," pagkukumpara ng 29-year-old singer-actor.

Ayon kay Christian, posibleng maipalabas din ang Jayden's Choir dito sa Pilipinas.

STILL SINGLE. "Single pa rin, single pa rin!" ang natatawang sagot ni Christian nang tanungin naman ang kanyang lovelife.

Sa Indonesia ba ay wala siyang nahahanap na mamahalin?

"Wala pa," nakangiti niyang sabi.

Ang huling girlfriend ni Christian na si Rachelle Ann Go ay nali-link ngayon ng kasamahan ng singer-actor sa ASAP XV na si Christian Bautista.

Ano ang masasabi ni Christian tungkol sa nababalitang relasyon nina Rachelle at John?

"Oo nga, e. Kapag sa Twitter, nalalaman agad sa buong mundo. Sabi ko nga sa kanya, 'Kapag may na-link sa 'yo or sa akin, palagi tayong tinatanong," sabi niya.

Ito ay sa kabila ng three years nang break sina Christian at Rachelle, at nagkaroon na si Rachelle ng iba pang boyfriend—si Gab Valenciano.

Si Christian naman ay na-link din panandalian kay Cristine Reyes, na ngayon naman ay nali-link sa kanyang Kristine co-star na si Rayver Cruz.

Pero ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Cristine?

"Okay lang yun, okay yun, maganda yun. Kasi, nagha-hangout lang naman kami dati. Walang problema," sabi ni Christian.

Ibig bang sabihin ay hindi nag-prosper into something ang sa kanila ni Cristine?

"Wala, hindi... Kasi, malalaman mo naman if meron kang dini-date na, eventually, hindi mag-e-end-up sa 'yo. That just means na may someone pa."

Malamig ba o mainit ang paparating na Pasko sa kanya?

"Mainit na mainit sa pagmamahal ng pamilya, fans, at sobrang daming blessing ni God," maagad niyang sagot.

Hindi kakulangan ang walang special someone?

Sagot ng singer, "Yes, at gusto kong sabihin sa lahat na hindi naman natin kailangan ng relationship para maging mainit ang Pasko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN