Rochelle Pangilinan understands life in showbiz is filled with uncertainty

Rochelle Pangilinan insists that all's well between her and long-time manager Joy Cancio. The Sexbomb Dancer leader refutes persistent rumors that she's on the lookout for a new handler.


Muling nilinaw ni Rochelle Pangilinan na nasa pangangalaga pa rin siya ng long-time manager niyang si Joy Cancio.

Hanggang ngayon kasi ay patuloy pa rin ang usap-usapang balak na ni Rochelle na tumiwalag sa pangangalaga ni Joy at lisanin ang SexBomb Dancers.

Ayon pa sa balita, humahanap na raw ng bagong manager si Rochelle ngayong maganda ang itinatakbo ng kanyang acting career.

"Naguguluhan ako kasi hindi lang naman kayo ang unang nagtanong sa akin niyan," bungad ni Rochelle nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ito ay naganap noong November 11, sa thanksgiving party ng GMA-7 primetime series na Ilumina, na ginanap sa Celsius Gastrolounge sa Tomas Morato, Quezon City.

"Hindi pa naman sumasagi sa isip ko," ang pambungad niya, na ang tinutukoy ay ang pagpalit ng manager.

"Kung sakali naman sigurong lilipat ako, hindi na naman ako bata... Kasi ilang taon na rin naman kaming magkakasama at hindi lang din naman ako 'yong unang humiwalay sa grupo.

"Tsaka ganun talaga, ang babae lalo na, hindi mo alam kung anong mangyayari bukas. Iba-ibang level ang pinagdadaanan ng isang babae. Hindi katulad ng lalaki na kahit magkaanak nandiyan lang, di ba?"

GOOD THINGS NEVER LAST. Ngayong gabi, November 19, ay magwawakas na ang Ilumina matapos ang tatlong buwan na pamamayagpag nito sa ere.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Rochelle ngayong mawawala na ang programa. Ngunit mas nais daw ng SexBomb dancer leader na mag-focus sa masasayang alaala at achievements ng serye.

"I'm happy kasi naging part ako ng Ilumina," nakangiting pahayag ni Rochelle. "Lahat naman ng bagay ay may katapusan."

Binanggit niya rito ang Daisy Siete, "Daisy Siete nga na pagkahaba-haba, natapos! Siyempre, happy ako kasi natsatsambahan ko ang mga show na nagna-number one."

Ang Daisy Siete ang dating afternoon program na pinagbibidahan ng SexBomb Girls. Tumakbo ang programa mula September 1, 2003, at tuluyang nagpaalam sa mga manunood noong July 2, 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Blocktimer ang programa sa GMA-7. Ibig sabihin nito, iba ang nagpro-prodyus ng programa, hindi ang network. Sa kaso ng Daisy Siete, ang Focus Entertainment ni Joy Cancio ang prodyuser. Ngunit nang hindi na ni-renew ng GMA-7 ang kanilang kontrata, biglang nagtapos ang programa matapos ng halos pitong taon.

Very proud pa rin si Rochelle sa malayong narating ng Daisy Siete.

Kahit noon naman daw ay hindi nila pinapansin ang mga kritiko dahil alam naman nila na marami ang sumusubaybay at napapasaya ng programa.

"Kahit papaano naka-survive kami ng pitong taon. Maliitin ninyo na kaming lahat, kaya lang, wala akong masasabi kundi naka-survive kami ng pitong taon.

"Seven years is seven years, at mahirap 'yon dahil from Mondays to Fridays 'yon, at hindi lang siya isang season," pagmamalaki ni Rochelle.

Malawak ang pang-unawa ni Rochelle pagdating sa industriyang kanyang ginagalawan.

Kumpara raw noong bago pa lamang siya sa showbiz, ngayon ay nauunawaan niya na hindi permanente ang lahat ng bagay at anytime ay puwede ring mawala ang mga ito.

Ganito rin ang sinusunod niyang pananaw pagdating sa mga programa niya at sa hinaharap ng grupong kanyang kinabibilangan.

"Actually, nauna kong natanggap 'yan nung nawala 'yong Daisy Siete. Masakit siyempre and hindi ako nagpapa-interview masyado nun kasi mangiyak-ngiyak ako at mahirap tanggapin," pagbabalik-tanaw ni Rochelle.

"Natanggap ko na lang nung nawala 'yong seven years ng Daisy Siete na halos every day kaming magkakasama.

"Doon ko lang natanggap talaga na lahat ng bagay ay may katapusan at hindi mo mayayakap lahat—hindi mo puwedeng ipilit lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN