Ryan Agoncillo talks about the very private, almost "secret" christening of Baby Lucho

Father Tito Caluag officiated the christening of Juan Luis Santos Agoncillo or Lucho at the Sacred Heart Parish in Hillsborough, Alabang on November 14, 2010. The reception was held at a restaurant at The Fort.


Last Sunday, November 14, bininyagan na nga ang anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Juan Luis Santos Agoncillo or Baby Lucho.

Si Father Tito Caluag ang nag-officiate ng christening sa Sacred Heart Parish sa Hillsborough, Alabang, at sa isang restaurant naman sa The Fort ginanap ang reception.

Sa Startalk kahapon, November 20, isang exclusive interview ang ginawa ng program co-host na si Joey de Leon kay Ryan habang nasa dressing room sila ng Eat Bulaga. Si Ryan ay co-host sa naturang lunchtime show ng GMA-7.

Ang binyagan ay naging napaka-pribado at halos sikreto sa karamihan, walang kaibahan nang maganap din ang church wedding nina Juday at Ryan.

Ayon nga kay Ryan, "Unang-una po, gusto kong magpasalamat sa staff ng Eat Bulaga, Pinoy Henyo at kay Joey at kay Bossing [Vic Soto] sa ipinambayad namin sa binyag. Marami-raming shower 'yun," biro niya na natatawa.

At dahil pribado nga ang naganap na binyagan, unang tinanong ni Joey kay Ryan ay kung sino-sino ang mga ninong at ninang na kinuha nila para kay Lucho.

Aniya, "'Yung mga ninong at ninang na kinuha namin—si Beth Tamayo, best friend ni Juday. Pero proxy lang kasi, wala siya sa Pilipinas ngayon. Tapos, yung kuya ko, si Kuya Dondi, nag-iisa kong kapatid. Siya ang kinuha naming ninong. Si Yohan kasi, yung panganay namin, puro ang mga ninong at ninang, kay Misis.

"Ngayon, kay Lucho, sa amin naman, sa amin naman nakuha."

Nagawa rin ng mag-asawang Ryan at Juday na hindi muna maipakita or maglabas ng picture ng almost one-month-old nilang baby simula nang maipanganak ito ni Juday noong October 7. Pero tinupad din nila ang promise na pagkabinyag ng bata ay ipapakita at ipapakita na nila ang picture ng anak.

LUCHO HAS RYAN'S EYES. Ang madalas nga raw itanong ay kung sino ang kamukha ni Lucho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Joey, sa TV raw, si Juday ang kamukha, although sa personal, mas si Ryan naman.

Naniniwala si Joey na magbabago pa rin daw ang features ni Lucho. Sa ngayon, kapansin-pansin lang na ang mata ay kuha kay Ryan.

Natawa si Ryan sabay sabi nang, "bilog na bilog, bright na bright."

Gumigising din ba siya at nag-aalaga sa madaling-araw?

"Sa ngayon, e, moral support support lang ako. Nakikiusyoso lang, nakiki-nerbiyos. Nagbi-breastfeed po kasi."

May kuwento rin si Ryan para raw hindi masyadong makaramdam ng selos si Yohan sa pagdating ng kanyang baby brother.

Sabi nga ni Ryan, "May itinuro sa amin si Ruby [Rodriguez, co-host sa EB]. Kapag nasa lap, lagyan lang ng unan para may feeling si Yohan na involved siya sa pagpapalaki kay Lucho, para responsible siya."

Tinanong din ni Joey si Ryan kung totoo gang gusto na raw ni Juday masundan agad si Lucho para magkakabarkada na?

"E, basta ba may go-signal na ng doctor, e," natatawa niyang sabi.

Mas gusto rin ba niya na dikit-dikit ang ages ng mga baby?

"Ako pa ba ang tatanggi? E, okay lang, maganda naman ang kinakalabasan, e."

PRODUCT ENDORSEMENTS. In terms of commercials and endorsements for baby products, meron na raw bang offer kay baby Lucho?

"Sa ngayon, ang alam ko, meron na," prangkang sagot ni Ryan. "Pero si Mommy ang nakikipag-usap, e. Pinapabayaan ko na si Juday ang makipag-usap. Kasi, hindi ko na ano yun, e, mas linya na niya yun."

Sa huli, nagpasalamat si Ryan sa mga taong nakinig at sumunod daw sa naging request nilang maging pribado ang binyag ng anak.

Aniya, "Sa mga nag-grant po ng request namin and to those who patiently waited sa picture ni Lucho, maraming salamat po sa paghihintay... and to all the well-wishers, marami pong salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN