Gladys Reyes gives birth to third baby at Asian Hospital

Gladys Reyes has named her baby Grant Carlin Sommereux. "Grant ay hango sa French word meaning 'great,' at Carlin naman ay nangangahulugan ng 'little champion,'" she says.


Yesterday, November 20, isinilang na ni Gladys Reyes via Caesarean operation ang ikatlong anak nila ng asawang si Christopher Roxas, sa Asian Hospital.

Sa pamamagitan ng text messaging ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gladys early this morning.

Ayon nga sa aktres, her third baby was born yesterday morning.

"Ang name niya is Grant Carlin Sommereux. He was born at exactly 9:36 AM at Asian Hospital. He weighs 6.8 lbs and 50 cms long."

Sinabi nito na ang Grant, ang first name ng baby nila, ay hango sa French word meaning "great," at ang Carlin naman ay nangangahulugan ng "little champion."

Nang tanungin namin si Gladys kung sino sa tingin niya ang kamukha ni Grant, walang pag-aatubiling sinabi nito na obvious raw na ang ama ang kamukha nito.

Aniya, "Obvious naman po kung sino ang kamukha. Sa lahat yata ng anak namin, itong si Grant ang pinaka-kamukha ni Christopher."

Feel-na-feel naman raw ng two older children nila na sina Christophe at Aquisha ang pagkakaroon ng additional member in the family.

Sabi nga ni Gladys, "Mga kuya at ate na sila."

Simula pa sa panganay na anak na si Christophe ay through caesarean operation na kung manganak si Gladys.

Aniya, ""From the start, CS na talaga ako kaya wala akong trauma sa panganganak. Walang labor. Naka-sked na agad. Yung O.B. ko, yun pa rin, si Dra. Madeline Florendo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN