Toni Gonzaga refuses to talk about Mariel Rodriguez or possible reconciliation with former best friend

"Alam niyo, kasi sobrang hirap magsalita. Pasensiya na po kayo. Tatapusin ko muna itong premiere night 'tapos tutungo tayo diyan," said Toni Gonzaga when asked about a possible reconciliation with Mariel Rodriguez. Mariel reportedly arrived from India, where she shot the scenes with Robin Padilla for an upcoming movie.


Positibo ang pagtanggap ng mga tao sa bagong pelikulang pinagtatambalan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz, ang My Amnesia Girl, na nagkaroon ng red carpet premiere kagabi, Nobyembre 23, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Bukod sa mga hiyawan sa bawat nakakakilig na eksena, maririnig din ang mga tagahanga nina Toni at John Lloyd na sumisigaw ng "Part two! Part two!"

Masasabing isang ginhawa ito para kay Toni, na aminadong kabado sa simula ng pelikula dahil wala siyang ideya kung ano ang magiging reaksiyon ng mga manonood.

Sabi pa ng singer-actress, "Nakakakaba at nakakanerbiyos 'yong katahimikan noong simula. Then, when they started connecting with the characters, Irene and Apollo, nakakatuwa, nakaka-touch."

Kung sakali, mapagbibigyan kaya nila ni John Lloyd ang hiling ng fans na magkaroon ng kasunod na proyekto ang kanilang tambalan?

Sagot ni Toni, "Sila naman ang magsasabi no'n, e. Pero, after nitong pelikulang ito, at after kong ma-experience ang husay ni John Lloyd Cruz? E, di gusto mo kahit bukas! Ang galing-galing kasi niya."

Sumabad naman ang three-time Box Office King na si John Lloyd, na nasa tabi lamang ni Toni.

Para sa kanya, isang magandang halimbawa ang proyektong ito para maipakita na ang tambalan sa pelikula ay hindi naman kinakailangang maging totoo sa tunay na buhay.

Paliwanag ni John Lloyd, "'Yong mga ganitong pagkakataon sobra kong bina-value at pinapahalagahan... Sana ito 'yong mag-set ng ano, na hindi naman kailangan sa isang tandem na magligawan [in real life].

"Dapat iligaw ninyo ang mga utak ng mga fans, ng mga viewers. Parang ang sarap isipin na nagma-mature 'yong audience. Nabibigyan kami ng pagkakataon, kahit hindi kami in real life.

"Kahit ngayon lang kami gumawa ng pelikula, na walang kahit na anong [previous work] sa TV, except for Maging Sino Ka Man na napakaiksi lang, nabigyan kami ng pagkakataon na gumawa ng pelikula," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang My Amnesia Girl ay ika-anim na pelikula ni John Lloyd sa direktor na si Cathy Garcia-Molina. Samantalang pang-apat naman ito ng direktor kasama si Toni.

NO COMMENT ON MARIEL. Samantala, umiwas naman si Toni nang tanungin siya ng media tungkol sa dati niyang co-host sa Pinoy Big Brother na si Mariel Rodriguez.

Matatandaan na nagkaroon ng gap ang dalawa na ayaw naman ipaalam ng parehong kampo ang tunay na dahilan. (CLICK HERE to read related article.)

Kagabi nabanggit kay Toni ng media na dumating na si Mariel mula sa India, kung saan nag-shoot siya at si Robin Padilla ng pelikula. Sa ginawang interbyu umano ng SNN, sinabi ni Mariel na bukas siya sa pakikipagkasundo kay Toni.

Ganito rin ba ang saloobin ng The Buzz host?

"Okay naman ako. Masaya naman, okay naman ang lahat," palihis na sagot ni Toni.

Pagkatapos ay tumingin si Toni kay John Lloyd at napangiti. Pagharap niya muli sa media, sinabi ni Toni, "Alam niyo, kasi sobrang hirap magsalita. Pasensiya na po kayo. Tatapusin ko muna itong premiere night 'tapos tutungo tayo diyan."

Nakiusap naman ang kanyang bagong ka-tandem sa media: "Kadarating pa lang naman ni Mariel, e. Bigyan niyo na lang muna ng konti pang time. I-enjoy mo muna itong premiere night natin na sobra ang daming magandang nangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN