Valerie Concepcion answers issues about Pilipinas Win Na Win!

"Wala naman akong pakialam kung masapawan ako o hindi. Basta ako, nagtratrabaho lang ako dahil may anak ako, di ba? Hindi ako nakikipagkumpitensya with anyone," said Valerie Concepcion about the rumor that Janelle Jamer and Gazelle Canlas were booted out of Pilipinas Win na Win because there was a "sapawan" issue.


Bago pa man matanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Valerie Concepcion tungkol sa Pilipinas Win Na Win inunahan na niya ito: "May tsismis na mawawala daw ang [Pilipinas Win na Win], totoo ba 'yon?"

Nang ibalik namin sa kanya ang tanong, natawa ito at sinabing, "Wala akong alam. Hindi ko talaga alam."

Ang interview ay naganap sa premiere ng My Amnesia Girl kagabi, Nobyembre 23, sa SM Megamall.

Sa ngayon, ayon kay Valerie, maayos naman ang estado niya sa daily noontime show ng ABS-CBN. Kaya naman pinabulaanan din niya ang mga usap-usapan na kaya nawala kaagad ang mga bagong hosts nitong sina Janelle Jamer at Gazelle "Speedy Gee" Canlas ay dahil nagkakaroon ng sapawan sa pagitan ng iba pang hosts.

"Ako naman, basta magtrabaho lang, okay na sa akin," sabi ni Valerie. "Wala naman akong pakialam kung masapawan ako o hindi. Basta ako, nagtratrabaho lang ako dahil may anak ako, di ba?

"Hindi ako nakikipagkumpitensya with anyone. Kung ganun nagmukha sa ibang tao, hindi ko alam. Pero sa akin talaga, walang masamang tinapay sa akin. As I always say, hindi ko napi-feel 'yong gano'n kasi. For me, walang issue."

Wala rin naman daw ideya si Valerie kung gaano talaga katagal ang dapat na pag-stay nina Janelle at Speedy Gee.

"Hindi ko alam, e," pag-uulit ni Valerie. "Kasi, kahit ako mismo wala pang kontrata sa Win Na Win. Lahat kami wala pang kontrata. Hindi ko alam kung ilang months ba sila dapat talaga do'n. Hindi ko talaga alam."

NEW HOST? Nawala man ang dalawang bagong hosts ng PWW, may posibilidad naman na magkaroon ng bagong host ang variety show, na inilunsad noong July 31 lamang.

Nabanggit ito ni Valerie nang tanungin siya kung babalik ba si Mariel Rodriguez sa show ngayon nakauwi na siya mula sa India.

Sabi niya, "Wala akong naririnig na gano'n. Pero ang alam ko, naghahanap ng isa pang babae para apat-apat pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Valerie, sa darating na Sabado, isang female celebrity ang makakasama ng iba pang hosts ng PWW.

"Ang alam ko, magkakaroon kami ng parang trial... Sa Sabado abangan ninyo...

"Basta parang may isa na hindi naman ilo-launch, pero parang ita-try kung magbe-blend sa grupo. So, mag-i-start na sila para tingnan kung sino 'yong magbe-blend."

Sinubukang alamin ng media mula kay Valerie kung sino ang celebrity na ito, ngunit ang nakangising sagot ng TV host-actress: "Sabihin ko na ba? E, basta Star Magic siya at isa siya sa mga walong naging hosts ng Wowowee dati. Hindi ko pa alam kung puwede nang ilabas 'yon."

NO COMPETITION BETWEEN POKWANG AND K BROSAS. Bukod sa pagkawala ng dalawang female hosts sa Pilipinas Win na Win, may mga lumalabas din na isyu na nagkakaroon daw ng sapawan sa pagitan nina Pokwang at K Brosas.

Si Pokwang ay orihinal na host ng PWW at nagmula pa sa pinalitan nitong show na Wowowee. Samantalang ang kapwa niyang komedyante na si K Brosas naman ay kakasimula pa lamang noong huling linggo ng Oktubre.

Sa ngayon, magkasama ang dalawa sa pag-host ng segment ng PWW na "Galaw-Galaw, Gayahin ang Sayaw."

Kung tatanungin mismo ang mga hosts, hindi naman nila nararamdaman ang sinasabing isyu na sapawan.

Kuwento pa ni Valerie, "Actually, 'yan nga ang pinag-uusapan, parang pinag-aawayan daw si Ate K at si Ate Pokie—parang nagka-clash o hindi puwedeng pagsamahin kasi nagkakasapawan.

"Pero 'yon ang pinag-uusapan na sobrang hindi naman. Kasi, 'yong 'Galaw, Galaw [Gayahin ang Galaw],' sobrang gandang portion. Lalo na noong first day, pinag-usapan talaga sa Twitter.

"So, sana wala na lang gano'ng isyu," pakiusap niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN