Marlene Aguilar on dismissal of 2004 case against her son Jason Ivler: "Justice is served"

Idinetalye ni Marlene Aguilar ang estado ng anak niyang si Jason Ivler (inset) na kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Jail. "Everybody admires him. Everybody calls him 'idol.' He has somebody shopping for him sa palengke. He only eats fresh food... He's okay in that cell, except, wala talagang facilities doon for any kind of medical treatment. Wala ngang sterilized cotton balls. He's not well physically!"


Dahil sa double jeopardy, ibinasura ng Supreme Court ang isa sa mga kaso laban kay Jason Ivler noong Nobyembre 17. Ang kaso ay kaugnay ng pagkamatay ng isang opisyal ng gobyerno noong August 8, 2004 sa isang aksidente kung saan sangkot si Jason.

Nangyari ang aksidente sa C-5 flyover sa Pasig City. Ayon sa report, tumawid sa kabilang lane ng kalsada ang sasakyang minamaneho ni Jason, at sumalpok ito sa Isuzu Trooper na minamaneho naman ni Nestor Ponce, dating presidential adviser on resettlement.

Namatay si Nestor sa aksidente, habang nagtamo ng injuries ang asawa nitong si Evangeline.

Dalawa ang kasong isinampa kay Jason dahil sa aksidente—ang una ay para sa pagkamatay ni Nestor, at ang pangalawa ay para sa injuries na tinamo ni Evangeline.

Ang parehong kaso ay base sa Article 365 ng Revised Penal Code o "Imprudence and Negligence."

Noong September 17, 2004, nagpasa ng guilty plea si Jason sa kasong reckless imprudence resulting in slight physical injuries na isinampa ni Evangeline laban sa kanya. Dahil dito, binigyan ng parusang "public censure" si Jason.

Matapos tanggapin ng korte ang kanyang guilty plea, nag-apela si Jason upang maibasura ang isa namang kaso kaugnay ng pagkamatay ni Nestor. Ayon kay Jason, hindi raw siya maaaring kasuhan ng higit sa isang beses para sa isang pagkakasala.

Hindi pinayagan ng Pasig Metropolitan Trial Court at ng Pasig Regional Trial Court ang nasabing apela, kaya isinampa ito ni Jason sa Supreme Court.

At sumang-ayon nga ang Second Division ng Supreme Court sa apela ni Jason. Ayon sa resolusyon na ibinigay sa media kahapon, Nobyembre 24, sinabi nito na hindi dapat malagay sa "double jeopardy" ang suspek.

"The protection afforded by the Constitution shielding petitioner [Jason] from persecutions placing him in jeopardy in second punishment for the same offense bars further proceeding," saad ng Supreme Court decision na isinulat ni Senior Associate Justice Antonio Carpio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Section 21, Article III ng Philippine Constitution, "No person shall be twice put in jeopardy of punishment for the same offense."

Walang kaugnayan ang desisyong ito ng Supreme Court sa isa pang kaso ni Jason kaugnay naman sa pagkamatay sa anak ng isa pang opisyal ng gobyerno noong isang taon, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto at pagkakakulong.

SINO SI JASON? Si Jason Ivler ay ang anak ni Marlene Aguilar, na kapatid ng folk singer na si Freddie Aguilar.

Nalagay sa headlines si Jason noong simula ng taong ito matapos siyang tukuying suspek sa pagkamatay ni Renato Victor Ebarle Jr. na anak ni dating Palace Undersecretary Renato Ebarle Sr. mula sa Office of the Presidential Chief of Staff.

"Road-rage" ang sinasabing dahilan ng pagpatay kay Renato Jr. Ayon sa police reports, tatlong beses binaril ang biktima noong November 18, 2009 sa Boni Serrano Avenue corner Benitez Road sa Barangay Valencia, Quezon City matapos ang isang alitan dahil sa trapiko.

Matapos ang imbestigasyon, itinuro ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jason bilang pangunahing suspek sa pagpatay. Nagtago si Jason matapos ito kaya hindi siya madaling naaresto.

Noong January 18, 2010, inaresto ng NBI si Jason sa bahay ng ina nitong si Marlene Aguilar sa Blue Ridge Subdivision, Quezon City matapos ang isang shootout. Nagtamo si Jason ng isang tama sa tiyan, na sumira sa kanyang bituka. Samantala, nabaril naman niya ang dalawang operatiba ng NBI.

Dahil sa sugat na tinamo ni Jason ay agad siyang isinugod at na-detain sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC). Nagpasa naman siya ng "not guilty" plea sa Quezon City Regional Trial Court noong February 16, 2010.

Nilipat sa Quezon City Jail si Jason noong April 6, 2010. Hindi pumayag ang hukuman sa apela ni Jason na manatili siya sa ospital dahil sa pangagangailang medikal sa tama niya sa tiyan.

Ayon sa medical report na isinumite ng QMMC sa korte, maaari nang ilipat si Jason sa kulungan matapos maghilom ang sugat niya sa tiyan. Masosolusyonan naman daw ng isang colostomy operation ang pagkasira ng kanyang bituka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy-tuloy pa rin ang pagdinig ng hukuman sa kasong ito.

MARLENE'S SIDE. Tinawagan ng PEP sa telepono si Marlene Aguilar para hingin ang kanyang panig sa pagkakabasura sa kaso ng kanyang anak. Masaya ang tono ni Marlene nang makausap ng PEP kaninang tanghali, Nobyembre 25.

"Justice is served. The court ruled on Jason's sake," agad na reaksyon ni Marlene sa simula ng panayam.

Kuwento pa niya, noong Martes pa niya nabalitaan ang desisyon ng Supreme Court.

"Ako yata yung pangalawang nakaalam, e. Somebody called me. Two nights ago pa, from Supreme Court, taga-TV5. Sabi niya, siya yung unang nakakita ng document and she told me right away.

"Naiyak ako buong gabi, pero hindi ako makapaniwala. Kahapon lang na-confirm," saad niya.

Masaya rin daw ang reaksyon ng anak sa balita. "Nung sinabi ko kay Jason, sabi niya, 'One down, two to go!'"

Dalawa pa ang kaso ni Jason—ang una ay kaugnay ng pagkamatay ni Renato Ebarle Jr., at ang pangalawa ay ang pagbaril niya sa dalawang operatiba ng NBI.

Kinumusta ng PEP ang estado ni Jason sa Quezon City Jail, at masaya pa rin ang tono ni Marlene sa pagsagot.

"Everybody admires him. Everybody calls him 'idol.' He has somebody shopping for him sa palengke. He only eats fresh food.

"Health-conscious siya. Health-conscious kami lahat, e. So, may taga-palengke siya araw-araw. He eats whatever he wants. He gets enough clothes. May tagamasahe doon.

"He's okay in that cell, except, wala talagang facilities doon for any kind of medical treatment. Wala ngang sterilized cotton balls. He's not well physically!

"He needs surgery, but he exercises three times a week. You know? He has people visiting him all the time."

Idiniin din ni Marlene na kailangan pa rin ng kanyang anak ng atensiyong medikal.

"Right now, inilalaban namin yung hospitalization ni Jason. His hospitalization, his human rights, it has nothing to do with the murder trial!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Yung colostomy niya, may colostomy bag doon, dun siya dumudumi. Pero may isa pang parte ng bituka niya ang naka-bandage niya. Walang cover yun. That's not right!" saad ni Marlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN