ABS-CBN wins 22 trophies at the 19th Golden Dove Awards

(Clockwise from top left) Some of the winners at the 19th Annual Golden Dove Awards handed out by the KBP: Ces Drilon of ABS-CBN, Ka Doroy Broadcaster of the Year; Boy Abunda of ABS-CBN, Best Public Affairs Program Host for TV; Ted Failon of DZMM, Best Public Affairs Program Host for Radio; and JC de Vera, Best Comedy Program for TV5's Lokomoko U.


Dinagsa ng mga broadcasters at TV personalities ng iba't ibang local TV networks at radio stations ang 19th Annual Golden Dove Awards na ginanap sa Taal Vista Hotel kagabi, November 25.

Hindi kabilang ang GMA-7 sa mga pinarangalan nang gabing iyon dahil hindi na miyembro ang Kapuso network ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) simula 2003.

Humakot ng 22 awards ang ABS-CBN, kabilang na rito ang Best TV Station award. Binigyan din ng parangal ng KBP ang RX 93.1 Monster Radio/DWRX bilang Best Radio FM Station.

Ang DWIZ-AM 882 naman ang napili bilang Best Radio AM Station, at si Mr. Rey Langit ang tumanggap ng award.

Pinarangalan naman bilang Ka Doroy Broadcaster of the Year ang beteranong newscaster ng ABS-CBN na si Ces Drilon.

Dalawa ang pinarangalan ng KBP Golden Dove ng Lifetime Achievement Award ngayong 2010. Una ay inilaan para sa dating Press Secretary Cerge M. Remonde, Head of the Presidential Management Staff, noong panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang pangalawa naman ay para kay Mr. Manuel Galvez, ang chairman and president ng Vanguard Radio Network.

Hinirang naman ng KBP si Judy Ann Santos bilang Best TV Drama Actress para sa "nurse-serye" ng ABS-CBN, ang Habang May Buhay.

Si Coco Martin naman ay kinilala bilang Best TV Drama Actor para sa pagganap niya bilang Ramon sa Tayong Dalawa.

Hindi nakadalo ang dalawang artista sa awards night sa Tagaytay.

Best Drama Program naman sa telebisyon at radyo ang Maalaala Mo Kaya (para sa "Kalapati" episode featuring the Ninoy and Cory Aquino story).

NEWS AND CURRENT AFFAIRS PROGRAMS. Best Magazine Program ang Rated K ng ABS-CBN pero dahil wala si Korina Sanchez, si Ted Failon ang tumanggap ng award para sa kanya.

Sambit ni Ted nang umakyat siya sa stage, "Sa ngalan ng dati kong girlfriend, tinatanggap ko ang award na ito."

Tawanan ang audience sa sinabi ni Ted, na nagwagi ng sariling tropeyo bilang Best Public Affairs Program Host sa radyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wagi rin sina Alex Santos bilang Best Radio Newscaster at ang dating Bandila anchor na si Henry Omaga-Diaz bilang Best TV Newscaster.

Ang late-night show ng ABS-CBN, ang Bandila, naman ang kinilala bilang Best TV Newscast Program.

TV5 WINS THREE TROPHIES. Hindi rin nagpatalo at umarangkada ang TV5, na kilala bilang Kapatid network, dahil wagi ang kanilang Talentadong Pinoy bilang Best Variety Show. Natalo ng show ni Ryan Agoncillo ang variety show ng ABS-CBN, ang Showtime.

Wagi din ang programa ni Paolo Bediones na USI (Under Special Investigation) para sa kategoryang Best Documentary Program.

Si JC de Vera naman ang tumanggap ng Best Comedy Program award para sa TV5 sitcom na Lokomoko U.

STAR-STUDDED PROGRAM. Main host ng programa kagabi si Boy Abunda, na nagwagi din bilang Best Public Affairs Program Host para sa kanyang ABS-CBN show na The Bottomline.

Nakakatuwa pang binanggit ng presenter ang buong pangalan ni Tito Boy. Pero imbes na Eugenio "Boy" Abunda Jr., ang nasabi ng presenter ay Ernesto "Boy" Abunda Jr.

Agad namang iniwasto ito ni Boy sa magandang paraan habang tinatanggap niya ang award niya.

Ani Boy, "Salamat sa award na ito bagamat Eugenio po ang aking pangalan at hindi po Ernesto.

"Si Ernesto po ay ang aking nakaraang pag-ibig. Ngunit di ko na po alam kung nasaan na siya. Ngunit salamat sa award na ito dahil nagpaalala sa aking nakaraan kay Ernesto."

Dahil sa kanyang kuwento, natawa ang crowd na nasa Ballroom 2 and 3 ng Taal Vista Lodge.

Naging anchor at co-host ni Tito Boy ang maganda at bubbly celebrity reporter na si Laila Chikadora na may suot na long, flowing gray gown.

Sinimulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng bigay na bigay na dance number ng 1st Grand Final Winner ng Showtime, ang XB Gensan.

Kabilang sa mga nagbigay ng intermission numbers ang sexy girls ng Eurasia at very energetic singer na si Young JV. Nag-perform din sa kalagitnaan ng programa sina Guji Lorenzana at acoustic singer Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang video presentation by Heart Evangelista ang siyang nagbibigay ng history at trivia ng radyo at telebisyon sa Pilipinas. Pinalabas ang kanyang pre-recorded segments sa bawat gap ng programa.

Narito ang listahan ng mga nagwagi sa 19th Golden Dove Awards na iginawad ng Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP):


BEST STATIONS

TV - ABS-CBN

AM Radio - DWIZ 882

FM Radio - RX 93.1

BEST PROGRAMS ON TV

Best Newscast - Bandila (ABS-CBN)

Best Public Affairs Program - Y Speak (Studio 23)

Best Games/Variety Program - Talentadong Pinoy (TV5)

Best Comedy Program - Lokomoko U (TV5)

Best Drama Program - Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN)

Best Documentary Program - USI: Under Special Investigation (TV5)

Best Public Service Program - Salamat Dok! (ABS-CBN)

Best Magazine Program - Rated K (ABS-CBN)

Best Specials - Harapan: The Vice-Presidential Debate (ABS-CBN)

Best Sports Program - Sports Unlimited (ABS-CBN)

Best Public Service Announcement - Isang Araw Lang "Drugs" (UNTV)

BEST PROGRAMS ON RADIO

Best Newscast - Radyo Patrol Balita (DZMM)

Best Public Affairs Program - Pasada Sais Trenta with Karen Davila & Vic Lima (DZMM)

Best Games/Variety Program - Concert Series (RX 93.1)

Best Drama Program - Maalaala Mo Kaya (DZMM) "The Ninoy and Cory Aquino Story"

Best Science & Technology Program - Sa Kabukiran (DZMM)

Best Culture & Arts Program - Art 2 Art (DZRH)

Best Comedy Program - The Morning Rush with Chico and Delamar (RX 93.1)

BEST PERSONALITIES ON TV

Best Newscaster - Henry Omaga-Diaz (Bandila, ABS-CBN)

Best Public Affairs Program Host - Boy Abunda (The Bottomline, ABS-CBN)

Best Public Service Program Host - Susan K (Bantay OCW, NBN)

Best Drama Actor - Coco Martin (Kung Tayo'y Magkakalayo, ABS-CBN)

Best Drama Actress - Judy Ann Santos (Habang May Buhay, ABS-CBN)

BEST PERSONALITIES ON RADIO


Best Newscaster - Alex Santos (DZMM)

Best Field Reporter - Edwin Sevidal (DZMM)

Best Public Affairs Program Host - Ted Failon (DZMM)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Games/Variety Program Host - Francesca (RX 93.1)

Best Music Radio Jock - China Heart (DWRR 101.9)

Best Magazine Program Host - Rafael Reyes (RX 93.1)

Best Science & Technology Journalist - Ka Louie Tabing (DZMM)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN